Chapter 25

21 5 0
                                    

Sigawan ng mga manunuod ang sumalubong samin ng makarating kami sa stage. Nakaramdam na naman ako ng kaba ng makita kong gaano karami ang mga nanunuod. Vincent smiled to me ng mapadako ang tingin ko sakanya. Lumapit siya sakin at inakay ako palapit sa mic stand.

"Hi." Mas lalong lumakas ang hiyawan ng magsalita si Vincent. "Good evening. We are Demon's King and this is our songs." Binalingan niya ang tatlo pagkatapos sabihin yun at nagsitanguan lang sila.

"Ready?" Nakangiti niyang tanong sakin. I nodded and smiled to him.
(Play niyo nalang po ang video)

We sang Party Like A Zombie. Napili namin itong unang kantahin para mag-enjoy agad ang mga manunuod at hindi nga kami nagkamali dito. Kitang kita ko kong paano sila sumabay samin. Nakataas ang mga kamay habang sumasayaw na para bang nasa isang bar lang sila. Unang kanta palang namin ito pero makikita mo ng nag-eenjoy talaga sila. I enjoyed too. Nawala na ang pangamba sa dibdib ko at inenjoy nalang ang bawat pagkanta kasama sila.

Pagkatapos ng unang kanta ay deritso na agad kami sa pangalawa. Magaling ang Demon's King talaga. Napagsunod nila ang mga kanta, ito rin ang napagkasundoan namin kahit hindi na makakapagpahinga kahit saglit ay ok lang sakin. 1 month na pinagpraktisan kaya nakuha ko rin sumabay sakanila.

Our second song is This Isn't Love. Ang energy ng mga manunuod ay hindi nagbago. Me and Vincent are duet at hindi ko napipigilan na titigan ang gwapo niyang mukha pag nagkakaharap kami.

The song is not suited on us. It's just for friendship but we sang it whole heartedly. Natapos namin ang unang kanta na may mga ngiti sa labi.

For our last song is Shut Up and Dance. Dito namin ibinuhos ang lahat ng energy namin sa kantang ito. We decided to sing this song for the last kasi nababagay siyang ipang huli. And i know magugustohan ito ng mga manunuod at hindi nga ako nagkamali. Marinig palang nila ang intro naghihiyawan na naman sila. Para silang walang kapaguran. Halos magwala sa mga kinatatayuan nila. Mas dumoble ang energy nila dahil sa pagwawala nila.

Mas lalo naman kami ginanahan sa pagtugtog lalo na ako. Sa sobrang pag-eenjoy ko tumatalon na ako habang hawak ang gitara.

I smiled from ear to ear ng matapos ang performance namin. Hinahabol ang hininga habang pinagmamasdan ang mga manunuod. Pinagpapawisan narin ako. I'm sure basang basa ang likod ko sa pawis. I turned around to see the Demon's King. Kitang kita kong gaano sila kasaya ng matapos namin ang kanta. They are all smiled from ear to ear too.

Kanya kanya silang tumayo at lumapit sakin. Nagulat ako ng yakapin ako ng tatlo.

"Group hugggggg. You did it Paige. We did it." Galak na galak na sabi ni Naithan. Nakangiti naman sakin si DayDay at Kiefer.

"Ehem." Sabay sabay kaming napatingin kay Vincent na masama ang tingin sa tatlo.

"Oppps." Nathan grinned.

"That was awesome. Thank you Demon's King." Halata sa boses ng MC na nabilib siya sa performance namin. I hope the judges too.

Kumaway muna kami sa mga audience bago umalis sa stage at bumalik na sa back stage. Pinulupot agad ni Vincent ang kamay sa bewang ko ng pabalik na kami sa back stage. He even pulled me closer para mas lalong mapalapit ako sakanya.

Tumingala ako sakanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa unahan. Mababakas ang pagod sa mukha at pagkairita.

"Hey." I dodge him. Tiningnan niya ako na magkasalubong ang mukha.

"May problema ba?" Tanong ko dito. Hindi niya ako pinansin at bumalik ulit ang tingin sa unahan. Hmp! Suplado. Hindi nalang ako nangulit pa baka kasi pagod lang.

Nakarating kami sa isang kwarto na pinagpahingahan namin bago magperform. Nauna ng nakarating ang tatlo. Makikita sa mga mukha nila ang pagod.

Hinila ako sa isang tabi ni Vincent at umupo kaming dalawa. Nahawakan niya ang likod ng damit ko at mas lalong ikinakunot ng nuo nito.

"Your back is wet. Change your clothes." Mariin nitong sabi. Tumango nalang ako at tumayo na para makapagpalit sa banyo.

"Paige, saan ka pupunta?" Natigil ako sa paglalakad ng magsalita si Dayday. Bihira niya akong tawagin sa PayPay. Naasiwa na daw siyang banggitin simula nung tinawanan ko siya.

"Comport room." Nakangiti kong sabi. "Sabay na ako." Tatayo na sana si David ng bigla pumailanlang ang boses ni Vincent.

"Do that. And you'll regret it." Hindi siya nakatingin samin ng sabihin yun. Basta nalang siya naghubad ng damit na mabilis naman akong tumalikod.

"Woah. Ok. Ok. Chil dude." Nakataas ang kamay ni David ng sabihin yun. Natatawa at naiiling pa siya habang bumalik sa pagkakaupo.

Humalakhak naman si Nathan na ikinawala na ng mata nito sa sobrang pagtawa siguro. Umiling iling naman si Kiefer. "Possisive." He murmured.

Nagulat ako ng may pumulupot na kamay sa bewang ko. Katulad kanina inilapit pa niya lalo ako sakanya. Amoy na amoy ko na ang pabango niya na nanunuot sa katawan niya kahit pinagpawisan ang bango parin. Nakapagpalit na siya ng damit at presko ng tingnan. Nahiya naman ako bigla baka kasi amoy pawis ako. Didistansya na sana ako ng pigilan niya. Mas lalo pa akong idinikit sakanya kong may ididikit pa ba sa sobrang pagkakalapit namin.

"Ihahatid na kita sa CR." Seryoso nitong sabi. Sa tono ng pagkakasabi niya ay dapat hindi ka na umangal pa. Hindi nalang ako nagprotesta pa.

Bago kami umalis sa kwarto ay may iniwan muna itong salita sa tatlo niyang kaibigan.

"Sa susunod wag niyong basta nalang yayakapin ang girlfriend ko." Nakataas lang ng kilay ang tatlo sa sinabi niya. Si Nathan nagpipigil ng tawa.

I heard someone says "tsk. possisive nga talaga" hindi ko na nakita kong sino nagsabi nun dahil hinila na ako ni Vincent palabas ng kwarto.

School Of RockWhere stories live. Discover now