Chapter 10

36 9 0
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Natapos ang Contest ng matiwasay, halatang nag-enjoy ang mga estudyanteng nanuod na kahit kami nag-enjoy din. Ngayong araw malalaman kong sino ang mananalo. Hindi na ako nag-i-expect pa dahil halos lahat ng mga sumali ay magagaling.

Andito kami ngayon sa booth na itinayo ng mga classmate ko. Dahil hindi ako nakipagcooperate ng dalawang araw, ako naman ang pinagbantay. Kasama ko si Jess at ang iba pa. Hindi ko sila mga classmate pero mas gusto daw nila na dito nalang magbantay kasama ako.

Masyado na silang malapit sakin simula nung sumali aki sa contest. Itinuturing ko na din silang kaibigan, ang babait kasi nila at walang halong kaplastikan ang pakikitungo sakin.

Jess suddenly poke me. Busy kasi ako sa pag-aayos ng mga gamit. Ang booth na itinayo namin ay pagbibinta ng iba't ibang fruit juice. Mamimili ka lang kong anong fruit juice ang gusto mo.

Gumawa pa ng gimmick ang mga kasama ko para mas lalong makabenta ng marami. 1 fruit juice + 1 kiss sa chicks sa kong kanino nila gusto sa nagbabantay.

Bumaling ako sakanya na nakanguso ang bibig sa isang direksyon. Sinundan ko ito at nagtatakang mukha na ibinaling ko ulit sakanya ang tingin.

"Papunta sila dito Paige. Baka gustong bumili ng juice". Para siyang uod na binudboran ng asin sa sobrang likot niya habang sinasabi yun.

"Hayyyys!. Ang gwapo talaga ni Nathaniel". Humuhogis puso pa ang kanyang mga mata ng sabihin iyon habang nakatingin sa papalapit ngang nathaniel kasama ang tatlo pa niyang kabanda.

NapaTSK nalang ako. Ang daming pwede magustohan, dun pa sa playboy.

Nakalapit din ang apat sa booth namin. Seryoso ang mga mukha except pala sa nathan na sobrang lawak ng pagkakangiti. Ang mga kasama kong babae kinikilig na sa pwesto namin. Masyado silang halata na may gusto sa apat na ito.

"Bibili ba kayo ng juice?". Ako na ang nagsalita kasi mga nakatulala na sila.

Seryoso lang ako ng sinabi ko yun. Tumingin sakin si Vincent at tumingin sa may gilid ko. Napasunod narin ako ng tingin dun. Tinitingnan niya ang karatola na ginawa nila Jess.

1 FRUIT JUICE + 1 KISS SA CHICKS
SA KAHIT KANINONG BANTAY
NA GUSTO NIYO :)))

Yan ang nakalagay dun, bumalik ang tingin ko sakanya na nakakunot nuo na at salubong ang dalawang kilay. Anong problema niya?

"Miss bibili ako, may orange juice ba?". Sa nagsalita naman ako tumingin. Sino nga ba ito? Basta yung long hair. Tumango ako sa sagot niya at nagprepare para sa orange juice niya.

Ang mga kasama ko naman ay nataohan na siguro kasi mga nagsikilos na nang may iba pang customer ang bumibili.

"May naghalik na ba sayo?". Napahinto ako sandali sa tanong na iyon. Inangat ko ang tingin sa taong nagtanong nun. Ganun parin ang itsura niya. Parang galit na ewan ng itinanong niya sakin yun.

Napabaling ang tingin ko kay nathaniel ng humagalpak ng tawa ito. Napailing nalang ako, may mga sayad siguro ang mga ito. Sinamaan pa siya ng tingin ni Vincent bago tumigil sa pagtawa.

Bago ko ibigay ang juice kay David, yeah i remembered his name. David nga pala. Inilahad ko muna ang palad ko para sa bayad.

"50 pesos. Bayad muna bago ko ibigay sayo ito". Seryoso parin ang mukha ko.

"Ang mahal naman". Reklamo pa niya pero kumukuha na sa wallet niya ng pera. Nagrereklamo pero magbibigay din naman.

Inabot ko na sakanya ang juice ng ibigay sakin ang bayad.

"Mamili ka nalang kong kanino mo gustong humalik". Narinig ng mga kasama ko ang sinabi ko kaya nagsilapitan sila sakin. Mga excited na mahalikan ng crush nilang banda eh.

"You". Napalaki ang mata ko ng marinig ang sagot niya.

"What the Fuck David?". Sabay sabay kaming lumingon kay Vincent ng sumigaw ito. Halos mabingi kami sa sigaw niya. Ano bang problema ng taong ito?

Matalas na tingin ang ibinibigay nito kay David. Si David parang wala lang sakanya iyon.

"I want to kiss her". Kalmante lang siya ng sabihin yun. Mas lalong nagalit si Vincent sa narinig.

"Kiss any girl you want except that girl because SHE. IS. MINE.". May diin pang sinabi niya ang huling tatlong salita. Nakatingin siya ng deritso sa mga mata ko ng sabihin iyon.

Napasinghap ang mga nakarinig na estudyante sa sinabi nito na pati sila Jess ay narinig kong napasinghap sa narin. Hindi naman ako nakakilos at naestatwa sa kinatatayuan ko sa gulat.

What the ????????

School Of RockWhere stories live. Discover now