Chapter 6

38 5 0
                                    

Pumasok ako sa School kinaumagahan, sumabay ulit ako kela mommy at Daddy. I told to my dad to buy me a car but he don't want to. Masyado silang protective baka maaksidente lang daw ako na ikinasimangot ko nalang. Feeling nila bata pa ako sa ginagawa nila.

I received a text from Liam ng makarating na ako sa room. He said sorry about last night. I just send ok to him, a few minutes later tumatawag na siya sinagot ko naman ito.

["Paige".] Tawag agad niya sakin. Mahihimigan sa boses nito na may pag-aalala.

"What Liam? I said ok already. I understand. Dont' worry". Pinagsigla ko pa ang boses ko para maniwala siya.

["Paige Listen... Nagkaroon kasi ng emergency sa negosyo ni Dad sa States so we move the schedule of our flight".] Para bang tinatantsa niya ang bawat salita na babanggitin sakin.

["We're here now in the airport, 2 hrs from now a-------".] Naputol ang pagsasalita niya ng mapasigaw ako.

"Whaaaat?". May ilang estudyante sakin ang napatingin. Medyo marami narin kasi kami sa room kaya nakaagaw ako ng pansin ng sumigaw ako. Ok. Medyo OA pero hindi ko mapigilan na magfreak out. Ayaw na nga niya akong magstay nalang sakanila para makasama siya tapos sasabihin niya ngayon na dalawang oras nalang......

Argh! Napapadyak ako sa sobrang inis.

["Calm down Paige".] Pagpapakalma niya sakin.

["I'm sorry. We have no choice kundi ang umalis ng maaga. Kaya nga ako tumawag para ipaalam sayo and mas ok narin na hindi mo kami ihatid mahihirapan ka lang eh".]

I can't believed it. So mas gusto niya na hindi ako makita at makasama sa huling pagkakataon. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita.

"Ok! Take Care". Yun lang at ibinaba ko narin ang tawag. Narinig ko pang nagring ang phone ko pero hindi ko na pinagkaabalahan pang tingnan.

One week na ng nakaalis si Liam kasama ang magulang niya at one week narin akong laging mag-isa. Si Liam lang kasi ang kaibigan ko kaya nung una hirap pa ako pero paunti-unti nasasanay narin ako.

Ang apat na lalaking transferee ay tuloyan ng naging sikat sa school. Isang banda nga sila sa pagkakaalaala ko tinawag silang "Demon's King" yun ata ang band name nila. Demon's King my ass. Tsk. Ewan ko ba para kasing ang yayabang na nila na akala mo mga hari porque maraming nababaliw sakanila.

Mayroon School Activity ngayon, gagawa ang iba't ibang level ng booth. Ifufund raising ang maiipon na pera para dito. One week din gaganapin kaya busy ang mga estudyante. May mga contest din sa gabi like battle of the band at solo and duet singing contest.

Taon taon naman ginagawa ito kaya hindi na bago sakin ang kaibahan lang, wala ng Liam na kasama ko sa pagjoin sa singing contest. Nakaramdam na naman ako ng lungkot pag naiisip yun kaya instead of mag-emote idinadaan ko nalang sa pagkanta.

Umupo ako sa bench hindi kalayuan sa mga nagtatayo ng kani-kanilang booth. Wala ako sa mood makipagcooperate sakanila kaya tinakasan ko sila. Bitbit ang gitara, ipinatong ko ito sa hita ko ng makaupo ako. Dahan dahan na kinalabit ang bawat string nito at naghmm (hindi ko maidescribe kaya yan nalang haha) hanggang sa makabuo ng kanta. Paulit ulit lang ako sa ginagawa ko, simula ng umalis si Liam nakakasanayan ko narin na gawin ito.

Natigil ako sa ginagawa ko ng biglang magsitilian ang mga estudyante. Sa sobrang lakas umabot na hanggang dito sa pwesto ko ang mga boses nila, nakakarindi narin minsan.

Napagawi ang tingin ko sa apat na lalaking pinagpapantasyahan ng buong babae dito school except me ofcourse. The hell i care about them. Naglalakad sila kong saan gaganapin ang battle of band contest. Mukhang sasali sila oh well malamang sasali sila para iparating sa lahat kong gaano sila kagaling. NapaTSK nalang ako at tumayo na para makaalis.

School Of RockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon