Nasupalpal ko ang babae dahil sa kumukulo ang dugo ko lalo na sa binigay niyang impormasyon sa akin. Mabait ako pero pag tinopak ako asahan mong masasama ang lalabas sa bunganga ko. Sinong kasama mo Al?  

Lumabas ako ng Elavator na may takot na nararamdaman. Ngayong araw na to halo-halong emosyon ang naramdaman ko kaya ramdam na ramdam ko ang pagod  at bigat sa katawan ko ngayon. Tumungo ako sa restaurant ng Hotel hindi pa man ako nakakapasok ay natigalgal ako sa dalawang taong nakatayo sa tapat ng glass door ng restaurant. 

Natutop ng kamay ko ang bibig ko ng makilala ang lalaking nandon na may kasamang babae. Nag-alab ang galit sa loob ng puso ko. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa kanila o tatalikod nalang at tumakbo ulit palayo ng lugar na to.  Isa akong matapang na babae at kailangan na kailangan ko yon ngayon sa sitwasyon ko hindi pwedeng ,aging mahina lang ako at lalong-lalong hindi ako pwedeng magpatalo dahil pangawalang beses na tong nangyayari. Mas malala nga lang ngayon. 

Huminga ako ng malalim bago nilunok ko ang humarang sa bingit ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko kailangang ilabas yon ngayon. Ikinuyom ko ang palad ko sa galit na nararamdaman ko ngayon bago mabilis na naglakad papunta sa dalawang naghahalikan. 

Agad kong hinila ang buhok n blonde ng babaeng kahalikan ni Al at ipinilipit iyon paharap sa akin. "Malandi kang babae ka." 

Maarteng umangal ang babae sa ginawa ko "Ouch." Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino iyon.  Nakapagpalit na siya ng kulay ng buhok mula sa brown ngayon ay blonde na. Si Inday. Tang-ina bakit sa lahat si Inday pa? Parusa ba ito sa pagtakbo ko sa pamilya ko?  

Nagtangis ang bagang ko at dumilim ang paningin ko. Gusto ko siyang patayin pero ayokong bumaba sa level niya tama na ang gagawin ko sa kanya.  

Binitawan ko siya at humakbang ng patalikod habang mabilis na tumataas baba ang dibdib ko. "Baby." Mahinang tawag sa akin ni Al. Hindi ko siya tinitignan bukod tanging nakatutok lang sa nakangising mukha ni Inday. 

Nang makahakbang na ako ng limang beses ay kumuha ako ng lakas para bigyan siya ng isang malutong na sampal. Tumalsik ito sa sahig kaya naagaw ng atensyon ng mga tao dito sa restaurant ang ginawa ko. "Ayan ang napapala ng mga malalanding babae." Mabilis kong tinalikuran silang dalawa at tumakbo palabas ng Hotel.  

"Jasmin!" Hiyaw ni Al sa pangalan ko.  

Nakasalubong ko ang babaeng nakausap ko sa 14th floor na nagtatrabaho dito. Tulala at nanlalaki ang mga mata niya ngmapanuod ang ginawa ko. Tinignan ko lang siya ng masama bago nilamapasan.  

Wala akong pakelam kung malaman man ng Lolo ang ginawa kong gulo at lalong wala akong pakeelam sa chismis na maririnig dahil sa maimpluwensyia sila dito sa bayan na to. Ang tanging pakelam ko lang ngayon ay kung saan ako pupunta at magkakaroon ng katahimikan. 

Sumakay na ako sa nakaparadang taxi sa harapan ng Hotel at mabilis na sinabi ang lugar pauwi sa amin. Minuto lang ya nakarating na ako sa tapat ng Bahay ng Lolo. Mula sa side mirror ay nakita ko ang pagtakbo ni Al para sundan ako pero huli na ang lahat nakaalis na ako at hindi na muling babalik sa kanya. 

Nung si Hannah ang lumandi kay Al at siniraan ako sa kanya okay lang yun sa akin kahit na asara na asar ako sa pagiging luka-luka niya at dahil wala akong nakitang nakakasuka pero iba ang sikmura ng malanding Inday na yon. Nakakadiri! Nakipaghalikan siya kay Al at ang gago naman ay nagpahalik.  

Tumigil ang Taxi sa tapat. Kilala niya ata ako ng sabihin ko ang address na yon dahil alam niya kung saan ako bababa. Ibinayad ko ang natirang pera ko mula sa pamamasyal namin sa Mapawa Nature Park. Buti nalang talaga nagdala ako ng pera kanina. 

Namamanhid na ang katawan ko at ang nararamdaman ko ngayon kaya wala na akong lakas na tumakbo pa sa kung saang lugar dahil kahit tumakbo ako susundan at susundan ako ng kamalasan. 

Huminga ako ng malalim bago marahang pumasok sa kulay berdeng gate ng Bahay. Nanlaki ang mga mata ko dahil mula ng iwanan ko sila mahigit ilang oras na ang lumilipas ay ganon pa din ang posisyon nila ng datnan ko sila ngayon.  Walang emosyon ang mukha ko ng isa-isa ko silang binigyan ng tingin. Walang galit lalong lalong walang ngiti. 

"Baby girl." Pumikit ako ng mariin ng tawagin ako ni Pops ng Baby girl parang sinasaksak ang puso ko ng kutsilyo nang marinig ko yon at naaalala ko ang tagpong nakita ko kanina sa Restaurant ng Seda Centrio. Ikinuyom ko ang mga palad ko bago huminga ng malalim.  

Mahina akong nagsalita sakto lang na maririnig nila "Pumapayag na ako. Magpapakasal ako kay Rich Montello." Nalaglag ang panga ng mga taong nasa harapan ko kasama na don ang Lolo. Umalis ako dito ng ayokong magpakasal pero pagbalik ko ay nagbago ang sagot ko sa kanila. "What?" Tanong ko. Lalong-lalo na kay Lolo na ngayon ay tahimik na nakatingin lang sa akin. "Aren't you glad? Nasunod ko na ang gusto mo." Nanunuyang tanong ko sa kanya. Sa kanya lang nakatuon ang mga mata ko na may kasamang pandidiri.  

"Of course, I'm glad." Hindi ako tumango sa sagot niya o ngumisi man lang kahit sinasabi na ng utak ko na gawin yon pero hinang-hina na ako sa mga nangyayari ngayon sa akin. Pumihit ako ng patagilid bago animo zombie ang ginawa kong paglalakad. Hindi ko rin pinansin ang magulang kong gulat na gulat ang nasa mga mukha nila ngayon. 

Humawak ako sa kanto ng hagdang kahoy  at tumigil doon habang nakatalikod sa kanila dahil blurry na ang paningin ko. "Ah yeah, ikaw na ang bahalang kumuha ng kapalit kong guro sa school na pinapasukan ko." Pahabol ko. Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan at tumungo sa kwarto ko mabilis ko yung binuksan bago sinarado ko ng malakas. Patalon ang ginagawa ko ang ginagawa kong pagdapa sa kama at inilabas ang luhang kanina pang nagwawala sa aking mga mata. 


Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon