Forty-first Chase

Start from the beginning
                                    

"Bye."

* * *

"Kael, nandito na ko sa Crossing. Dadaanan kita diyan sa bahay ni Liam tapos umuwi na tayo bahay ah."

"S-sige, Ate." Narinig ko sa boses ng kapatid ko yung kaba pero hindi ko na pinansin 'yun. He doesn't need me to point out what we both already know.

"Okay, see you!"

Nagtricycle ako papunta sa bahay nung kaibigan niya. Naabutan ko siyang naghihintay sa'kin sa labas bitbit yung backpack niya. Ngumiti lang ako sa kanya pagkababa ko ng tricycle at ginulo yung buhok niya. Pinalo niya palayo yung kamay ko at napalaki yung ngiti ko.

Tahimik lang kami habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Hindi kami nag-uusap kahit pa hindi namin alam kung anong dadatnan namin doon? Nasa bahay ba si Papa? O kasama niya yung babae niya? Umiiyak ba si Mama? Hindi ko rin alam kung ready na ba kong makita ulit si Papa pagkatapos ng lahat ng mga nalaman ko tungkol sa kanya. Noon pa man, mas close na ko kay Papa kaysa kay Mama. Pero paano na ngayon? Kayo ko pa rin ba siyang mahalin at respetuhin bilang yung Papa na mahal na mahal ko kung alam ko nang manloloko siya?

Naabutan naming bukas yung pintuan ng bahay namin pagdating namin doon. Nagkatinginan kami ni Kael bago ko kinuha yung kamay niya at sabay kaming pumasok sa bahay. Sa gitna ng sala, nakatayo yung parents namin. Sa gitna nila ay mga maleta.

"Mamili ka, kami ng mga anak mo o yung kabit mo? Kung siya yung pinipili mo, kunin mo na 'tong mga gamit mo at huwag ka nang magpapakita sa'min." Kalmado lang yung boses ni Mama pero rinig ko yung galit niya sa bawat salitang binibitiwan niya. Muntik na kong maiyak nung tahimik lang na kinuha ng Papa ko yung mga maleta at naglakad papunta sa pintuan---kung saan kami nakatayo.

Mukhang nagulat sila pareho na makita kami ni Kael doon pero ganon pa man, nilagpasan lang kami ni Papa at tuloy-tuloy lang siyang naglakad palabas ng bahay. Agad na humagulgol si Mama at pinuntahan siya ni Kael at niyakap. Habang ako naman, binaba ko lang yung mga gamit ko sa sahig at sinundan ko si Papa.

"Papa. Aalis ka na lang talaga? Iiwan mo kami?"

Huminto si Papa pero hindi siya lumingon."Sorry, Cha."

"Sorry? Ganon na lang 'yun? Ano bang akala mo, magsosorry ka lang tapos magiging okay na lahat? Hindi ko kailangan ng sorry mo, Pa."

Tumingin siya sa'kin at nakita kong malungkot yung mga mata niya. Hindi ko magawang makaramdam ng awa dahil siya naman yung may kasalanan kung bakit kami nahihirapan lahat ngayon. ""Wag kang mag-alala ha. Hindi ko kayo pababayaan ng kapatid mo at ng Mama mo. Magpapadala pa rin ako sa inyo. Ako pa ring bahalang magpaaral at sumuporta sa inyo."

"Hindi ko rin kailangan ng pera mo, Papa! Ayoko niyan. Papa... ikaw yung kailangan namin. Papa, please... wag kang umalis. Kami na lang yung piliin mo. Bumalik ka na lang sa'min." A few stray tears left my eye and I immediately brushed it off.

"Sorry, anak." And with just that, he left.

Nanghihina ako habang naglalakad ako pabalik sa bahay. Wala na sala sina Mama at Kael pero naririnig ko pa rin yung iyak ni Mama. Nakabukas yung pintuan ng kwarto nila ni Papa. Kinuha ko yung mga gamit ko at dumiretso ako sa kwarto ko. 


There, I cried alone.

* * *

It's 2 in the morning at hindi ako makatulog. Akala ko, pag-uwi ko dito, makakahanap ako ng mga sagot sa mga tanong ko pero hindi ko naman magagawang magtanong kay Mama lalo pa't sobrang lungkot na niya ngayon. Sobrang tahimik at malungkot yung dinner namin kanina. Walang nagsasalita, hindi halos ginagalaw ni Mama yung pagkain niya. Si Papa yung joker at madaldal sa'min. Minsan, ako yung sidekick niya at nagkukulitan kami habang kumakain, at yun yung nakakapagpatawa kay Mama at kung may himala, pati si Kael. Pero kanina, wala man lang nagsalita ni isa samin buong dinner.

At para bang lalong pinapamukha sa'kin yung nangyayari sa pamilya ko, umuwi rin dito kinagabihan si Zeke. Hindi ko alam 'yun. Masaya siyang sinalubong ng buong pamilya niya, yung parents niya at nung dalawa niyang little sisters. Ang ingay nila sa labas at nagtatawanan sila habang nanonood lang ako mula sa bintana ng kwarto ko. Nagtama yung paningin namin ni Zeke, ngumiti siya sa'kin at kumaway pero tumalikod lang ako at bumalik sa pagkakahiga ko sa kama.

At ngayon, dis oras na ng gabi, lumabas ako ng bahay at umupo sa sidewalk sa harapan ng bahay namin. Nag-iisip, pinapanood yung langit. Naaalala ko si Jasper sa mga bituin. Tawagan ko kaya siya ngayon? Sabi niya kahit anong oras, di ba? Pero siguradong tulog na siya. Sigurado ring naging masaya yung araw niya ngayon. Will I spoil it by telling him about my miseries? No, hindi na lang.

"Charm." Napatalon ako nung may magsalita mula sa likod ko. Who else? Umupo si Zeke sa tabi ko.

"May problema ka ba?"

"Bakit ba 'yan na lang yung lagi mong tanong sa'kin?" Bakit ang lakas ng radar ni Zeke pagdating sa'kin? Wala akong sinasabi sa kanya but here he is, sensing my problem.

"Mukha ka kasing may problema nung mga nakalipas na araw. Tsaka isa pa, bakit ka pa nandito sa labas ng ganitong oras kung wala kang problema?"

"Eh ikaw? May problema ka rin at nandito ka sa labas ng 2 am?"

"Hm, late night. Nagkakayaan kasi sila doon sa loob kanina na magmovie marathon. Hanggang sa nakatulog na kaming lahat doon sa sala. Nagising lang ako at pinatay ko yung TV. Pupunta sana ako sa kwarto ko nung makita kitang lumabas ng bahay niyo."

I sighed.

"Anong problema, Charm?"

"Zeke, I don't want to talk about it. Not with my bestfriend, not with my boyfriend and certainly not with you."

Tumango siya. "Okay lang kung ayaw mong pag-usapan, Charm, pero hayaan mo lang akong samahan ka dito. Siguro nga hindi mo kailangan ng kausap. Pero malungkot ka, at dahil doon, kailangan mo ng kahit kasama man lang. Tatahimik lang ako kung 'yun 'yung gusto mo, wag mo lang akong paalisin dito sa tabi mo."

"Zeke!" Tinignan ko ng masama si Zeke and bahagya lang siyang nakangiti habang nakatingin sa'kin. He knows me too well. Ganito ako nung mga bata pa kami at umiiyak ako. Walang makapagpatahan sa'kin at wala ring nakakaalam kung bakit ako umiiyak. Tatabi lang siya sa'kin kahit pa pinapaalis ko na siya. Hindi siya magsasalita. Tahimik lang siya sa tabi ko. At dahil tahimik siya, sooner or later, ako yung magsasalita. Sasabihin ko sa kanya kung bakit ako umiiyak, na siguro may nakaaway ako sa school o kaya napagalitan ako o napahiya ako. Pagkatapos kong magkwento, tatahan na ko. Bibigyan ako ni Zeke ng ice cream o chocolate at magiging okay na ulit yung lahat para sa'kin. Just like he first did nung elementary ako, doon sa swing, pagkatapos kong mapahiya dahil sa "panliligaw" ko sa kanya.

Sana ganoon na lang ulit kasimple yung problema ko ngayon.


Gusto kong umalis. May parte ng isip ko na nagsasabi na hindi ko dapat kausapin si Zeke tungkol dito dahil magiging unfair ako sa kay Maggie, yung bestfriend ko na wala pa ring alam sa problema ko hanggang ngayon at kay Jasper, yung boyfriend ko na ginagawa ang lahat para mapasaya ako at lagi lang nandiyan para sa'kin.

Pero punong-puno na ko. And it's always been easy to talk to Zeke. Madaling magpanggap na kasing dali na lang ulit itong problemang 'to nung mga problema ko nung bata pa ako. 

"My dad just left us..." And just like that, everything that happened spilled out of me. Sinabi ko kay Zeke lahat. Yung pagsulpot ni Kael sa apartment namin, yung pagtawag ko kay Mama, yung pag-alis ni Papa kanina. I kept talking and talking and the whole time, hindi nagsasalita si Zeke. He's not giving any indication na nandun siya kasama ko at nakikinig and yet, that made me talk more. 

And when I finished, I was breathless and I was crying again. And Zeke just quietly hugged me. I rested my head on the nook of his neck, which had always been my spot nung kami pa at niyakap niya ko ng mas mahigpit, as if he's keeping me together or he's trying to remove all my pain. He didn't talk but for the first time that week, I felt a little bit better.

=================================================

Medyo malapit nang matapos 'to :) I think kaya ng less than 10 chapters though I'm still not sure :D 

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now