FF#38: There's something wrong with Zae

Start from the beginning
                                    

"Tita? Ayos ka lang po?"

Napahinto si Clyde sa pagtitig sa tiles sa sobrang pagkatulala, hindi na niya napansin na nakuha na pala ni Addy ang nahulog na sampung piso.

Siya lang ba?? parang may mali sa fountain?!

Hanggang pagdating sa starbucks ay hindi niya mawaglit ang panandaliang imahinasyon na baka biglang sekretong lagusan ang fountain. Bigla ay napailing siya sa kalokohan na naiisip.

'Indai nasobrahan ka ng panonood ng mga detective movies.'

"Tita may tumatawag sa iyo."

Bahagyang nagulat siya, Oo nga! may tumatawag nga.

"Hello, sir?"

"Naka uwi na ba kayo?"

"Nakaalis na po kami, nasa starbucks kami sa baba lang ng condo."

"Okay sige malapit na ako."

Pagkatapos ay naputol na ang linya.

"Bakit sir pa rin ang tawag mo kay tito?"

"Kulet ka ayy kasi nga prof ko ang tito mo."

Napakamot na lang ng uli si Addy sabay bulong na 'sus magiging tita rin naman kita sa future'

Napangiti si Clyde, kunwari ay hindi niya narinig.

Habang palabas ng Mirai ay nagbabakasakali si Clyde na makita o magpakita si Zae sa kanya ngunit alam niyang imposible iyon.

Sa biglang pag alis ni Zae ay wala talagang ni isa ang may ideya kung ano ang kalagayn nito. Ang hindi nila batid ay abala ito sa pagpapalakas ng sarili, nag-ensayo pa ito sa pagbabaril at pag-kakarate upang mas protektahan ang sarili.

Hindi niya sigurado kung ang mga kakampi niya sa ngayon ay magiging kakampi niya pa rin hanggang sa huli.

Napapikit ang dalaga sa isiping iyon kahit pa nasa ulo lang, imahinasyon lamang ang senaryo nang pagtutuos nilang magkakaibigan nasasaktan agad si Zae. Ngunit wala siyang magagawa kung sakaling magpangabot sila at ang dulo ng baril ang babati sa isa't - isa magpapatuloy pa rin siya matapos lamang ang kanyang adhikain.

Hindi sya maaring mamatay ng hindi napapatay ang pinuno ng pagpatay sa kanyang kambal. Mas pipiliin niya pa ang pumatay kaysa ang mamatay ng walang saysay. Kikilos siya kung talagang kailangan maaring may katotohanan ang kanyang mga nalaman, ngayon pa lang ay sisingilin na niya ito kapalit ng buhay ng kapatid.

Ngunit hindi siya maaring maging bulag at uto-uto siya mismo ang tutuklas, siya mismo ang magkakabit ng nabasag na salamin kahit pa mahiwa o masugatan siya.

Ang lagim ng buhay ng kakambal ang salamin at mga nawawalang tao at pangyayari ang bubug na maaring tumusok o humiwa sa kanya.

Hindi man niya maibalik ang dating itsura ng salamat nagkaroon man ito ng lamat ang mahalaga maikabit niya ang bawat bahagi.

Palabas na siya ng dojo ng makasalubong niya ang isa sa tauhan ng dumukot sa kanya nakasuot ito ng hood at nakapamulsa. Huminto ito sa harap ng dalaga at may dinukot na kung ano naalarma ang dalaga pano kung baril pala ito at bigla na lamang siyang barilin?

Iba na ang mga tao ngayon tila nawala na ang salitang humanity dahil kahit tirik ang araw at maraming tao ay maraming krimen ang nagaganap.

Palala nang palala ang kasamaan sa mundo at ang tanging magliligtas sa atin sa kapahamakan ay ang mga sarili natin. Kaya naman bago nito mailabas ang kanyang kamay mula sa pagdukot sa bulsa ay agad itong sinipa ni Zae. Mabilis ang dalaga mamaya pa ay umaray ang binata sa sakit dahil nailock agad ng dalaga ang braso ng binata.

"Tryin' to kill me?" Matabang na wika ni Zae.

"Ouch! No. Let me get it for you."

"No, I'll get it."

Hindi na nito hawak ang braso ngunit nakalock naman ang leeg nito isang maling galaw lamang bali ang leeg ng lalaki. Ginamit ng dalaga ang kanang braso sa pagdukot sa bulsa nakapa nito ang maliit na brown envelope.

"Pakawalan mo na ako napagutusan lang ako, Achhhkkkk." Daing ng binata agad naman itong pinakawalan ng dalaga.

"Go." Malamig ngunit nakakapanindig balahibo na pagkakasabi ng dalaga.

Tarantang umalis ang binata sa 'di kalayuan ay hindi napansin ng dalaga ang pares ng matang nakatingin sa kanya. Napangiwi ito sa napanood na eksena habang ang ilang napapadaan ay wala lang pakealam. Lilingon saglit tapos ay diritso na ulit ang tingin.

Abala ang dalaga sa pagbukas envelope halos magusot niya ang larawan ng makita kung sino ang kasama ng kanyang kambal sa larawan.

Ano ang kinalaman nila sa buhay ng kakambal?

Walang duda sa mukha, sino ka nga ba talaga? 

Sino nga ba ang tinuturing nilang boss? 

Kakampi nga ba talaga ito?

Isa pang kailangan niyang alamin ay kung sino ang binatang kasama nito sa larawan? Nasaan ito? Buhay pa nga ba ang taong iyon?

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now