Chapter 5: Agreed on an Outing

4.4K 143 4
                                    

Symerra Scarlet Reyes

"Are you done? Shall we go?" Ate Wendy asked with all smiles.

I nodded to her, "Yes." Sagot ko.

Pumalakpak naman si Ate Wendy. "Okay! Mauuna na ako sa bahay nila Arck. Iniwan ko lang kasi ang mga designs ko ro'n. Sunod kayo ha?" Saad niya at nauna nang lumabas ng bahay namin. Nginitian ko na lang siya.

Nilingon ko si Arck na nakaupo sa sofa ng sala namin. He's currently talking with my parents. He's obviously listening carefully to what my parents are saying like a good son.

Ito naman sila mommy, kung umakto parang sasabak ako sa gyera sa dami ng bilin eh pupunta lang naman ako sa bahay nila Arck para makausap si Ate Wendy sa pag aasikaso niya sa kasal and it's not like this will be the first time I'll be there.

Napapikit ako. I'm feeling guilty because all of Ate Wendy's effort, our effort will have no use because in the end, the wedding will not happen.

I just really hope that they will understand.

Kung ako lang, pinigilan ko na ang kasal pero dahil sa pakiusap ni Arck, matatagalan pa bago namin magawa iyon. He has to confess first then we can go back to our own lives.

For me, it seems easy. But to Arck? I don't know. He's currently facing a big crisis about him, coming out.

A lot of people might judge him. Marami ang kukutya sa kanya. Maaring madungisan niya rin ang pangalan ng pamilya niya. And if that happens, I just hope that Arck will be strong enough to face those crisis. And in his journey at this point in his life, I will stay beside him. As a friend who supports and accepts him whatever and whoever he is.

Sapat na siguro ang mga taong nagtago siya at nagsikap na makatapos at mapatunayan sa pamilya niyang mabait at maasahan siyang anak. Ngayon ay kailangang kaligayahan niya naman ang unahin niya.

I approached them, "Arck, tara na." Natigil sa pagsasalita si mommy nang mag-interrupt ako. Tiningala naman ako ni Arck habang kagat labi.

Sinenyasan ko siyang tumayo na sinunod niya.

"Una na po kami Tito, Tita." Paalam niya at nginitian lang siya ni mommy habang si daddy ay sersoyo lang ang hitsura.

"We'll go now." Paalam ko sa mga magulang ko.

"Sige. Ingat kayo."

Nginitian ko na lang ang parents ko at nang nasa may pinto na kaming dalawa ni Arck narinig kong nagsalita si daddy.

"Take care of my daughter Arck." Pahabol pa ni daddy bago kami tuluyang nakalabas.

Hindi na nakasagot pa si Arck dahil kaagad kong sinarado ang pinto.

Nagtataka naman siyang tumitig sa 'kin. 

"What?" Taas kilay kong tanong at umiling lang siya bago lumapit sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Alam mo, kaya ko na ang pagbubukas ng pinto. You don't have to assist me." Saad ko at pumasok na sa kotse at umupo sa passenger seat.

"I have to be a gentleman." Sagot niya bago sinara ang pinto at umikot para pumasok din sa kotse at umupo sa driver's seat.

"But you're not-." Hindi ko natigil ang dapat na sasabihin pagkapasok ng kotse na nagpatigil sa kanya na nasa kalagitnaan ng pagse-seat belt.

Kagat labing napalingon siya sa 'kin. I can sense a hint of uneasiness in him.

He's still worried that I'm angry at him for being gay?

"Hey! Tanggap kita okay? At hindi ako galit." Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. "Sure it's awkward because of what happened between us but, let's just forget about that and let's just be friends." Sabi ko.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Where stories live. Discover now