Chapter 14: Yakap at Halik

4.8K 147 45
                                    

Symerra Scarlet Reyes

"Hi Sym." Tumaas ang tingin ko mula sa pagkakayuko sa paper works. Nandito ako ngayon sa office sa main branch ng boutique ko.

I stared at her flatly. "What are you doing here again? Wala ka bang gagawin?"

"Well, inatasan ako ni Alexis na sunduin ka kasi nagpapaka workaholic ka na naman dahil hindi mo sinasagot phone mo. Baka raw gusto mong pumunta sa kanila. Pupunta rin daw ang mga Cortez." Sabi niya at pumulot ng cookies sa desk ko.

"Why? Ano'ng meron?" Takang tanong ko. Bakit pupunta rin ang mga Cortez kina Ate Alexis?

"She didn't tell me the reason. Tara na." Aniya. Naubos niya na ang unang cookie na dinampot niya kaya kumuha na naman siya.

"Inuubos mo ang cookies ko."

She rolled her eyes. "You have plenty of money to buy cookies."

"And you don't?" Bawi ko.

She shrugged her shoulders. "Don't be too stingy."

"Says the girl who's eating my own cookies."

"Whatever. Tara na nga!" Aniya at nagmartsa palabas.

Hinablot ko ang bag sa pinaglagyan at kaagad na sumunod kay Laura palabas. Naabutan ko siyang naglilibot sa boutique. Nilapitan ko si Sheila para ipagbilin sa kanya ang boutique saka nilapitan si Laura.

"Laura, tara na." Hinarap niya ako na may hawak na dalawang hanger ng damit.

"This is beautiful."

"Ibalik mo na 'yan. May pupuntahan pa tayo 'di ba?" I reminded her.

She put back the clothes and clinged to my arm at lumabas na kami sa boutique.

"Wait." I halted from walking when I heard my phone ringing.

Kuya Joaquin calling..

"Hello kuya?"

[Sym, sa'n ka?]

"Nasa mall. Kakalabas lang sa boutique. Why?" I walked slowly with Laura beside me. Eavesdropping.

[Oh sige. Nandito kami kina Alexis. Punta ka?]

"Yes kuya. Kasama ko si Laura."

[Hmm. Hey is that Sym?!] I heard Kuya Tres from the backround.

[Yes- hey!] I heard scratching noise.

[Sym! Bili ka pizza!]

"Kuya Tres?"

[Your one and only hot cousin!] Nakarinig ako ng mga pag angal na nanggaling sa iba pang lalaking pinsan ko.

Napailing ako sa ingay nila at pinatay ang tawag. Nilingon ko si Laura sa tabi ko, siya naman ngayon ang may kausap sa cellphone.

Sinenyasan ko siya na papasok ako sa fast food na nasa harap namin. Bumili ako ng limang boxes ng pizza and a bucket of spicy chicken.

Paglabas ko, may kasama na siya.

"Oh, Arck. Why are you here?" Hindi ko inaasahang makita siya. Maging si Arck, hindi inaasahang makikita ako.

"Uh Laura called me. Nagpasama siyang pumunta rito kasi importante raw." Arck explained and looked at Laura questioningly. Tinitigan ko rin si Laura. She just shrugged her shoulders.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Where stories live. Discover now