Chapter 19: Good Husband

3.7K 160 22
                                    

Symerra Scarlet Reyes

I panicked the moment Arck told me that our grandparents got into a car accident.

"Symerra, don't speed up. Slow down." Arck told me.

I know he's trying to calm me down too. But I can't. I know he can't too. Rinig na rinig ko ang nerbyos sa boses niya.

Lakad takbo kami ni Arck papasok sa hospital. Tita Laren told Arck everything kaya sinundan ko na lang siya hanggang makarating kami sa ER. Naabutan ko si Mommy na yakap-yakap ni Daddy. She's crying. Tita Laren is crying too.

"Ma." Nilapitan ni Arck si Tita Laren.

Ako lumapit kina Mommy.

"Mom, what happened?"

Nilingon ako ni Mommy. "Namamasyal lang naman sila nang magkakasama pero nadisgrasya sila habang nasa daan." Mommy stated.

Humahangos din na dumating sina Tita Leah at Tito Romnic. Kuya Tred's parents. Panganay nila Dad. Sunod namang dumating si Tito Lando at Tita Dianne. Parents nila Kuya Emanuelle. Panganay din sa mga Tito ni Arck.

"How are they?!" Tanong ni Tita Dianne.

"They're still in the operating room." Sagot ni Dad.

We waited for the doctor to come out and as the time passed, the hallway near the operating room got crowded. Halos lahat ng Cortez at Reyes ay nandito. Katabi ko si Kuya Joaquin na labis ding nag-aalala.

Ang iba sa 'min nakatayo lang habang ang iba ay nakaupo na sa sahig at nakasandal sa pader. Karamihan sa mga nakaupo sa sahig at nakatayo ay mga lalaki. Karamihan sa aming mga babae, nakaupo sa upuan.

Nang lumabas ang doctor, tanging mga magulang lang namin ang lumapit. Habang kaming mga nakaupo, pilit na tinatalasan ang tenga para marinig ang sinasabi ng doctor.

"Tita, anong balita?" Si Kuya Tred ang nagtanong.

"They're safe now. Si Pa Leon lang ang masyadong napuruhan but they are all safe." Nakahinga kami nang maluwag.

"Now that they're safe, you all should go home. Kami na ang bahala rito." Sabi ni Mommy.

Kanya-kanya naman kaming paalam sa kanila. Humalik ako kay Mommy and Daddy bago nagpaalam na uuwi.

Habang naglalakad sa hallway palabas, sinabayan ako ni Arck sa paglalakad.

"I wonder if I'll be able to confess-"

"Now is not the right time, Arck. Nagpapagaling pa sila galing sa aksidente." Saad ko.

Tumango siya. Saka naman sumulpot si Kuya Joaquin at inakbayan ako.

"Hindi pa tayo nakakapag-usap tungkol sa picture niyong dalawa sa private room." Ani Kuya Joaquin.

Bumuntong-hininga na lang ako. Now that he brought it back, naawkward ulit tuloy ako kay Arck. "Kuya, please. I'm turning 24. Stop being over protective." Umirap ako. 

"I don't care how old you are, Symerra." Mas lalo lang akong umirap sa sinabi ni kuya.

"Bahala ka nga." Sabi ko na lang. Kasi wala naman talaga akong magagawa. Hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya.

Si Kuya Jake naman, nakangisi sa 'kin hindi ko alam kung bakit. Titingin sa 'kin saka lilipat kay Arck na kasabay ko lang din maglakad.

"Bakit ganyan ka makatingin, Kuya Jake?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya saka nauna nang maglakad. Hindi na ulit siya tumingin sa 'min.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Where stories live. Discover now