Chapter 17: Awkward

3.9K 156 44
                                    

Symerra Scarlet Reyes

I woke up with a very heavy head. Fuck this hangover. Last night's party was a blast but I couldn't remember anything. I can only remember fragments of it.

Dance floor. Drinking. Being drunk. Bumped into Unui. And hugging Arck.

Iyon lang ang natatandaan ko. Parang may pumupukpok sa ulo ko sa sobrang sakit. Shit. This is what I hate when I go party. The freaking hang over after the fun.

"Uhh." Sinapo ko ang ulo at sinubukang bumangon pero napahiga lang din ulit nang umikot ang paningin ko.

Nasapo ko ang bibig nang maramdamang may umakyat galing sa sikmura ko. Tangina! Ayoko pang bumangon pero ayokong mantsahan ang kama ko!

Nagmamadali akong tumakbo papuntang banyo at ilang beses na muntikang matisod sa hilo bago makarating sa inidoro.

Bawat suka ko ay parang may humuhukay sa sikmura ko. Shit. Nagsisisi na akong panay inom ako kagabi.

"Symerra, anak?" Narinig kong tawag ni Mommy.

Pero hindi ako nakasagot dahil kasalukuyan akong sumusuka. Dahil 'di naman sound proof ang banyo, nalaman ni Mommy kung nasaan ako.

Hinagod-hagod ni Mommy ang likod ko hanggang sa matapos ako at wala nang maisuka. Nalukot ang mukha ko sa nakakadiring amoy kaya agad kong flinush.

"Here. Drink this." Mom gave me a tablet and a bottled water.

Since hindi naman ito ang unang beses na nalasing ako, alam kong para sa hangover ang gamot kaya agad kong ininom 'yon. Nanghihina kong inabot kay Mommy ang bottled water. Napapikit ako at sumandal sa pader.

"Bumaba ka pagkatapos mo rito. Pinalutuan kita ng soup." Ani Mommy bago lumabas ng kwarto. Tumango na lang ako at hinayaan siyang lumabas.

Nang umokay-okay ang pakiramdam ko ay nag-ayos ako ng sarili. Naghilamos ako at nag toothbrush. Pero habang nagpupunas ng mukha, napansin ko ang tatlong mapupulang marka sa leeg ko. Kumunot ang noo ko at mas lumapit sa salamin at sinuri 'yon.

"Shit. This is a kiss mark."

Kinuha ko ang concealer sa vanity at tinakpan 'yon. Mamaya ko na iisipin kung saan nanggaling 'to. I hope Mom didn't see this. Sinigurado kong maayos at hindi halata ang kiss marks sa leeg ko bago ako lumabas ng kwarto at dinala ko ang cellphone saka bumaba.

Wala akong naabutan na tao sa kusina. May malaking bowl sa dining table, nakatakip 'yon at may nakapatong na kutsara. Kaagad akong umupo at hinigop 'yon.

Nang matapos ay niligpit ko ang pinagkainan saka ko binuksan ang cellphone at nag online sa Instagram habang pabalik sa kwarto. Alam kong nakapost do'n ang pictures namin. Tulad ng ineexpect ko, bumungad sa newsfeed ko ang posts ni Allure. Marami 'yon kaya panay slide ako. Panay ang scroll ko at iba't-ibang pictures na ang nakita ko.

Karamihan ay groupie namin. Pero habang nagi-scroll sa newsfeed, naagaw ang atensyon ko nang makita ang nag-iisang picture na si Laura ang nagpost.

It was Arck and I! Nasa private room ata kami at madilim ang paligid. Walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Nakaupo si Arck sa sofa habang ako nakaupo sa kandungan niya. Nakayakap ako sa leeg niya at yakap-yakap niya ang bewang ko. Nakasubsob ako sa leeg niya at nakahilig ang noo niya sa balikat ko. I think we're both sleeping.

Laura captioned it with aww. With a yellow heart. Itinag niya pa kaming dalawa ni Arck.

Actually, hindi kita ang mukha namin pero dahil tinag niya kami, maraming nakaalam na kaming dalawa nga ni Arck 'yon. It was posted 8 hours ago. Meaning, around 11 PM niya pinost 'yon.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Where stories live. Discover now