Chapter 23: Mafia

4.4K 197 133
                                    

Symerra Scarlet Reyes

"Symerra wake up!" Pupungas-pungas akong bumangon sa kama. Bumungad sa 'kin ang nakangising si Laura.

"Why are you here?"

Sumama ang tingin ko sa kanya dahil imbes na sagutin ang sagot ko, tinutok niya sakin ang camerang nakasabit sa leeg at kinunan ako ng litrato.

"What time is it?" Tanong ko pero hindi na naman ako sinagot.

"You're so pretty here. Kahit na bagong gising." Aniya habang nakatitig sa camera.

Umiling na lang ako at kinuha ang cellphone sa bedside table. Nanlaki ang mata ko nang makita ang oras.

"What the heck, Laura? Madaling araw pa lang bakit nandito ka na?!" Bulalas ko.

She looked at me with her expression that obviously means duh. "Nakalimutan mo na ba? Ngayon yung 3 days vacation natin sa Dinagat Island!" She stated.

"Oh."

Right.

"Don't tell me you forgot?" Tanong niya.

"Of course not. Hindi ko lang natandaan na madaling araw pala tayo aalis." I nodded twice.

"I can't believe you. Aren't you even excited?" Tanong niya at kinunan na naman ako ng picture.

"I am. Will you stop taking pictures? I just woke up." I rolled my eyes and got up from bed.

"Ooh, you look sexy in a night gown." Imbes na sundin ang sinabi ko, tinutok na naman niya sa 'kin ang camera. Umirap na lang ako habang kinukuhanan niya ako ng picture.

"Wash up na, Symerra! Nandito na ang van na maghahatid sa 'tin sa airport." Utos ni Laura habang nagtitingin sa camera.

Hindi ko na siya sinagot at dumiretso sa banyo. Nang matapos mag-ayos ay sabay na kaming bumaba ni Laura. Bitbit ko ang luggage ko. Paglabas, malamig ang simoy ng hangin. Hindi pa sumisikat ang araw. And I'm completely feeling cold.

Naabutan namin ni Laura na nakatambay sa labas ang ibang kasama namin. Si Ate Alexis kasama ang boyfriend niya, si Kuya Tred, si Zakari, si Kuya Warren, Kuya Darren, si Kuya Jake, si Rico, at si Paul.

Humihikab pa ako habang binabati ng ibang kasama namin.

Lumapit sa 'kin si Paul habang nakangiti. "Good morning."

"Morning." I nodded at him. Humikab na naman ako. Nagluluha na nga ang mata ko kakahikab.

"You still sleepy?" Tanong niya at pinatong ang kamay sa ulo ko na kaagad kong hinawi.

"Yeah I still am." Tinalikuran ko siya at hinarap si Zakari.

I don't want to complicate things.

"Tayo lang ba?" Tanong ko kay Zakari.

"Nasa loob ang hinahanap mo girl." Sabat ni Rico.

"Ano hinahanap mo?" Tanong ni Paul.

"Hindi ano kundi sino." Sagot ni Rico saka mapang-asar na ngumiti kay Paul.

Napailing na lang ako saka humihikab na pumasok sa van.

Walang ibang tao sa van kundi si Arck na nasa pinakadulong row nakaupo. Hindi niya ata ako napansin dahil nakatingin lang siya sa labas ng van habang tamad na nakasandal sa sandalan at may airpods sa dalawang tenga.

Kaagad akong tumabi sa kanya. Mabilis niya naman akong nilingon.

"Oh you're here." And he forced a smile. Kumunot ang noo ko.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Where stories live. Discover now