Chapter 21: I'll Clear My Feelings First

4.2K 178 167
                                    

Symerra Scarlet Reyes

Cool Kiz In The Town

Alexis: Peeps iaassign ko kayo para bumili ng mga kailangan natin for the trip.

Alexis: For snacks: Symerra, Ariza, Darren, Azul and Andryanna

Alexis: For toiletries: Zakari, Warren, Sandri, Emanuelle and Arck

Alexis: For first aid kit: Lance, Laura, Tres, Jin and Jake

Tred: Ako na bahala sa transpo

Alexis: Sige kuya. Kaming dalawa ni Wendy ang magsisilbing tour guide nyo

Uno: Pano yung mga hindi nabanggit?

Alexis: Yung mga hindi nabanggit, wait lang muna kayo.

Dos: When's the exact date?

Wendy: This monday so make sure to clear your schedule.

Jin: Isang araw na lang monday na ah

Allure: I'm so excited for this trip. Girls, let's go shopping for swim suits!

Alexis: So sino sino magdadala ng friends? Pakibanggit please.

Tred: I'll bring Paul

...

I'm currently driving my car. I'm going to a supermarket. Isa ako sa naatasang bumili ng snacks para sa trip.

Nang makarating ako sa mall, naabutan ko si Ate Andryanna sa loob ng Mang Inasal. Kumakain mag-isa kaya kaagad akong lumapit.

"Oy ate, kanina ka pa rito?" Bati ko saka umupo sa kaharap na upuan.

"Hmm. Nagutom ako kaya kumain ako. Gusto mo?" Inalok niya ako ng halo-halo na kaagad kong tinanggihan.

"Wag na ate. Busog pa ako."

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain habang ako, nagcecellphone at hinihintay ang iba naming kasama.

Mayamaya, magkasabay na dumating si Kuya Darren, Vivianne at Arck.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko kay Arck at Vivianne. Hindi naman sila kasali sa inassign sa snacks.

Tumabi ng upo sakin si Arck. "Sabay na raw kami sa inyo."

Tumango ako. Saka bumalik sa pagcecellphone.

I know. I'm trying to act normal, na parang hindi dating ang relationship status naming dalawa. Syempre, kasama namin ang mga pinsan namin. Mas lalong awkward.

"What are you doing?" Mahina niyang tanong. Napatingin ako sa kanya.

"Just scrolling on my feed." Sagot ko.

Why is he smiling like that?

Tahimik lang ako sa pagcecellphone hanggang sa dumating na ang ibang mga kasama namin. Kumuha kami ng dalawang pushcart para sa snacks at toiletries.

Hawak-hawak ko ang cellphone para sa listahan ng mga snacks. Nagtanong na ako sa gc ng gusto nilang snacks at napakarami ng gusto nila. 3 days trip ba naman.

Their choices?

Gummy bears, marshmallow, candies, gums and mints courtesy by Ate Soviya.

Different kinds of chips requested by Kuya Jake.

Chicharons and soda requested by Kuya Warren.

At kung ano ano pang inumin at pagkain.

Masyadong marami ang gusto nila at pwede na kaming magtayo ng sari sari store dahil lang dito.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Where stories live. Discover now