Tinignan ko siya. Ngumiti ito ng malaki at ang ngiting iyon ay nag-sasabi ng may magaganap na ikatutuwa niya. "Then, walang problema." 

"Ho?" Nagugulumihan na tanong ko sa kanya. Ni isa sa kanila walang gustong magpaliwanag sa mga nangyayari. 

"Si Rich Montello ang magiging asawa mo." nalaglag ang panga sa sinabi ng Lolo bago nanlalaki ang mata. Narinig ko ang pagsinghap ng ibang mga tao dito dahil sa anunsyo ng Lolo. Tignignan ko si Sir Montello na nakamulsa sa kanyang Jeans na suot ngayon. Gusto kong I-admire ang suot niya pero hindi ko magawa dahil sa mga rebelasyon na nangyayari ngayon.  

Siya? Siya ang pakakasalan ko?  Nahihirapan akong huminga dahil sa puso kong hindi na tumutigil sa bilis ng paktabo. Tumingin ako kay Mommy na nagulat din at sumunod kay Pops na nakatingin lang sa sahig.  Bakit ba atat na atat ang Lolo na ipakasal ako?  Umiling-iling ako. Ayoko. Ayokong magpakasal. 

Naglakad si Mr. Montello (Ama ni Rich) upang umupo sa tabi ni Pops. "Pops." Hinging saklolo ko sa kanya.   

"Pa. Masyado pang maaga para sa kasal na sinasabi mo." Sa wakas ay nagsalita na rin si Pops.  

Nanlalambot ang mga tuhod ko kaya mas minabuti ko pang umupo na sa tiles na sahig. "Baby." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mommy pero hindi ko magawang sagutin yon.  Gusto kong umiyak, magwala, at manakit pero hindi ko magawa. Naestatwa na ata ako ngayon sa pwesto ko. 

"Anong maaga pa?" Galit na tanong ng Lolo. 

Naglakad paharap ang Daddy ni Rich. "Tama ang Papa mo, Franco." Pagsang-ayon ng Daddy ni Sir Montello.  Tumayo na din si Pops sa kinauupuan niya. 

"Pero Papa ayokong gawin ni Jasmin ang hindi niya gusto." Kalmadong paliwanag pa rin ni Pops sa kanila.Hinanap ng mga mata ko ang pamilyang Montello.  Nakamangot na ang Mommy ni Sir Montello habang ang mga kapatid ay tahimik lang na nakikinig sa usapan ng matatanda. "Alam kong ako ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid mo Mr. Montello."Tukoy nito sa Ama ni Rich. Mas lalong nalaglag ang panga ko sa binulaslas ni Pops. Ang pagmamahalan ba nila Mommy ang naging dahilan kung bakit nangyari ang aksidenteng iyon? 

"Manahimik ka Franco." Diin ni Mr. Montello. Nagtangis ang bagang nito habang tinitignan ang Pops ko. "Kung hindi dahil sayo at ng babae mo  sana buhay pa ang kapatid ko."  

"Ni minsan hindi ko minahal ang kapatid mo at alam niya yon!" Galit na ganti ni Pops. 

Dinaluhan ako ni Mommy sa pwesto ko habang pinipilit na patayuin sa pagkakaupo. Hindi ko magawang sumunod sa ginagawa niya dahil gulat pa rin ako sa mga nalalaman ko. "Pa, bakit ba gustong-gusto mong pagbayarin ng kasalanan ko si Jasmin?" Sumingit si Mommy sa kanila.  

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Hindi ko nga alam kung tama pa ba ang pag-iisip ko ngayon dahil ayaw mag absorb sa aking utak ang mga nalalaman ko ngayon. "Wala kang karapatan na sagutin ako Jane. Pumunta ka sa kusina dahil hindi ka nababagay dito." Inambaan niya ang Mommy ng palo ng kanyang baston. 

Tumayo ako para salagin iyon. "Lolo!" sigaw ko. Nagdidilim ang paningin ko ngayon dahil sa pang-aalipusta niya sa Mommy ko. "Buhay diba ang nawala? Bakit pagpapakasal ang kailangang maging kabayaran?"  

"Wag mong sigawan ang Lolo mo." Sumingit na ang kapatid ni Pops sa gulong nangyayari ngayon.  

"Hindi ko siya sinisigawan. Gusto ko lang ipa-isip sa kanya ang mga gusto niyang mangyari." Sinagot ko ang Tito bago mabilis na bumaling kay Mr. Montello. "Diba buhay ng kapatid mo ang nawala?Siguro naman magiging masaya ka na pag nagsuicide ako?" 

"Jasmin!" hinampas ako ni mommy sa balikat. "Wag na wag kang magsasalita ng ganyan." Umiiyak na si Mommy ngayon. Pumikit ako ng mariin. Totoo nga? Hindi mo kayang nakikitang umiyak ang mahal mo sa buhay dahil mahahawa ka din sa kanila. Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko sa mga mukha ng mga tao ngayon ang gulat dahil sa sinabi ko. 

"Hindi niyo alam kung anong tinatakbo ng utak ko kaya wag niyo akong hayaan na gawin ang bagay napagsisihan niyo sa huli." Paghahamon ko. Tinanggal ko ang mga kamay ni Mommy na nakahawak na sa braso ko upang pigilan ang pagsugod sa Lolo kanina.  

Naglakad ako pahakbang sa likod at mabilis na tumalikod upang tumakbo palabas ng impyernong bahay. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora