Chapter 34

261K 10.1K 6.6K
                                    

Last Sunday na ng bar exam. Rinig ang sigawan ng lahat nang tumunog ang panghuling bell, hudyat na tapos na rin sa wakas ang exam. Sa tatlumpung dalawang oras na pagsasagot sa lahat ng mga subjects ay natuwa ang lahat na natapos na ang paghihirap ng mga utak.

Syempre, kasama ako doon! Pagkatapos ng halos limang taon na pagpapakahirap sa pag aaral ng law ay makakapag-pagpahinga na rin ang utak ko!

Isa na lang ang aalalahanin ko. Yung resulta ng bar exam.

"We're free!" sigaw ni Jezel nang magkita kita kami sa labas ng building. Niyakap nya ako at ginantihan ko sya. "Sureness na ang pagkapasa mo, Fatima! Summa cum laude ka, eh!"

Humiwalay ako sa kanya at umiling. "Hindi din. Nahirapan ako sa mga tanong."

"Ay, huwag mong sabihin 'yan!" sabi ni Jezel na may kasama pang paghampas sa braso ko. Sakit 'nun ah. "Kung ikaw na cum laude ay hindi makakapasa, paano pa kaya ako?!"

"Nakaka-down, Fatima. You're the smartest here and hearing you say that, nakakapanghina ng loob." tumango pa si Jezel sa sinabi ni Lionel.

Tumahimik na lang ako. Ang ano nila, eh. Nagsasabi lang naman ako ng opinion ko. Mahirap naman kasi talaga ang exam. Kahit na anim na buwan akong nag-review ay parang hindi pa rin sapat ang pagpapakalunod ko sa mga reviewer. Kung may nadalian man ay ipagmi-misa ko pa sila.

Edi sana lahat matalino. Sana lahat nadalian.

Naglalakad kami palabas ng gate. Maraming mga estudyante kaming kasabay sa paglabas at halos magsiksikan pa nga kami. Punong puno ang kalsada ng mga bar examinees. At kita sa mukha nila ang ginhawa na natapos na ang exam.

Nabunggo ako ng isang babae at nag-sorry naman agad. Tumango ako at nginitan sya.

May mga nagtatawan at nagbibiruan pa nga. Gusto kong sawayin dahil nakakabangga na sila ng mga tao. Lalo na yung mga lalaki. Ang gugulo! Tumatalon-talon pa at nagsasapakan ng pabiro.

Nabangga ako nung isang makulit na lalaki at napaatras ako. May nabangga ako sa likod ko at magso-sorry na sana nang makitang si Lionel iyon.

"Ay, sorry, Lionel. May bwisit kasing ngayon lang yata nakalabas ng bahay."

Tumawa sya sa sinabi ko pero natigil iyon nang may bumangga din sa kanya mula sa likuran nya. Napahakbang sya palapit sa akin at aatras na sana ako para hindi ako matamaan nang may nagtulak din sa likod ko. Napahawak ako sa mga balikat ni Lionel para kumuha ng suporta at naramdaman ko naman ang isang kamay nya sa likuran ko na parang inaalalayan ako.

"Hala, sorry." sabi ko at mabilis na lumayo sa kanya. Tinawanan nya ako at napatingin sya kay Jezel na nasa tabi nya na walang reaksiyon ang mukha.

Bwisit! Ang sarapan kurutin ng nail cutter nung mga mahaharot! Akala mo wala silang nape-perwisyo sa pagiging maligalig nila!

"Maria."

Mabilis akong napatingin sa harap at nakita ko si Sir Creed na nakatayo ilang hakbang lang mula sa akin. Parang may magic syang dala dahil kusang nahahawi ang mga tao sa kinatatayuan nya na parang takot sila na mabangga si Sir.

Napangiti ako pero agad na napangiwi nang makita ang mukha nya. Kagaya ni Jezel ay wala rin syang reaksyon pero nakita ko naman na gumagalaw ang panga nya. Parang pinagtatangis ang mga bagang at kapag ganito sya ay alam kong nagagalit na sya.

Hindi ko na napansin ang dalawang kaibigan ko na mukhang natuod nang makita ang dati naming professor. Lumapit ako kay Sir Creed at sinilip ang mukha nya. Nanatili ang tingin nya sa likod ko na parang hindi nya ako nakikita na nasa harapan nya.

"Sir?" tsaka lang sya tumingin sa akin pero hindi nagbago ang ekspresiyon sa mukha nya. Napalabi ako.

Galit talaga. Bakit kaya?

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now