Chapter 33

252K 9.6K 3.7K
                                    

Siguro ako lang yung masaya habang nag-eexam ngayon. Eh kasi naman, eh. Hanggang ngayon kinililig pa rin ako! Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan kung gaano kalambot at katamis ang mga labi ni Sir Creed!

Kailan kaya mauulit 'yun?

Napahagikgik ako sa kalandiang taglay. Kainis. Feeling ko mas naunahan ko pa si Jezel. Sya 'yung may mahalay na isip sa aming dalawa pero ako pa yung nakagatan na ng labi.

Tumigil naman ako sa paghagikgik nang mapatingin sa akin ang kalapit ko sa upuan. Hindi ko sya tinignan at baka akalain pa ng head watcher na nagkokopyaan kami. Ma-disqualified pa ako.

Pero siguro naiisip ng katabi ko na baliw na ako dahil bigla-bigla na lang akong humahagikgik? Nabaliw na sa sobrang hirap ng exam.

Ano ba, Maria?! Mag-focus ka nga?! Baka pangalan pa ni Sir Creed ang maisagot mo!

Si Sir Creed naman kasi, eh! Ginawa nya yun kung kailan buwan ng bar examination! Ayan. Nasira na naman ang concentration ko!

Ewan ko ba kung bakit ngiting ngiti pa ako nang matapos kong sagutan ang dalawang subjects sa linggong iyon. Walong oras din naman akong nag-test kagaya noong una. Pero para akong buang dito na lumulundag lundag pa habang palabas ng building.

"Hala. Nabaliw na yata si Fatima." sabi ni Jezel sa likod ko at napatawa ako. Ang gulo kasi ng buhok nya. Halatang kinakamot nya ang ulo nya habang nagsasagot sa exam kanina.

"Sayang ang talino at ganda kung mababaliw lang sya." sabi naman ni Lionel.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglulundag. Sila nga yung parang buang, eh. Gulo ang mga buhok, nangingitim ang mga mata at namumutla pa. Humithit yata sila ng droga bago mag-exam.

Nang makita kung saan nanghihintay si Sir Creed ay napatakbo ako. Hindi na nga ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko. Wala, eh. Excited yung mga paa ko na makalapit sa kanya.

"Sir!" ngiting ngiting sabi ko at hiningal na tumigil sa harapan nya. Mahina syang tumawa at pinunasan ang pawis ko sa noo.

"Why are you running?"

Wow! Busog na ako! Tumawa sya ng mahina, yung tunog paos, tapos nag-english pa sya na tunog sexy!

"Ayaw kitang paghintayin ng matagal, Sir. Para di mo ako masyadong ma-miss." sabi ko at nag-wiggle ang mga kilay ko.

Tumawa sya at napailing. "This is a very different scene than the last time. What changed?"

"You, Sir." sagot ko at napahagikgik. "Kinikilig na naman sya, sus..."

Malakas syang tumawa at ginulo ang buhok ko. Imbes na mainis ay natuwa pa ako.

Hala... Nabubuang na nga yata talaga ako.

Kahit na gustuhin ko man ay hindi na ako hinalikan ulit ni Sir Creed. Tapos napapansin ko pa na parang lumalayo sya sa akin. Hindi ko na lang pinapansin dahil ayokong pag isipan pa. Kahit na tinatanong ko sa sarili ko kung pangit ba ang lasa ng mga labi ko.

Wala sa sariling binasa ko ng dila ang mga labi ko. Hindi naman pangit lasa, eh. Wala pa nga akong nalasahan.

Ah... Baka ayun yung dahilan? Wala syang nalasahan kaya hindi nya na inulit ang paghalik nya. Ang dami nga naman nyang nakahalikan na mga babae at walang wala ang mga labi ko kumpara sa kanila.

Bibili na ba ako ng lip balm na strawberry flavored?

Kagaya ngayon. Nakaupo kami ulit sa carpeted floor habang nagre-review ako pero hindi ako makapag-concentrate dahil sa mga iniisip ko. Nakaupo sya at nakasandal ang likuran sa sofa sa likod nya pero ang kaibahan lang ay nakasarado ang mga hita nya. Samantalang noong una ay nakabukaka sya na akala mo ay manganganak.

Chess Pieces #1: Creed CervantesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin