Chapter 15

273K 10.4K 1.5K
                                    

Nagkakamot ako ng ulo ko habang nakatingin sa reviewer at pilit na kinakabisado ang mga nakalagay doon. Mid-term exam week na! Sa buong linggo na 'to ay wala kaming gagawin kung hindi ang mag exam sa lahat ng mga subjects namin para sa mid-term.

Tapos sa Sabado ay tour assessment na namin. Wala pang ina-announce si Sir Creed kung ano ang gagawin namin pero ang sabi ay sa Pangasinan daw kami pupunta. Monday pa lang pero feeling ko ay pagod na ako dahil sa gagawin ko sa buong linggo!

"Conflict of laws is that part of the municipal law of a state which directs courts or government agencies to apply a foreign law in a case where a foreign element is involved." basa ko sa nakalagay sa reviewer sabay kamot ulit sa ulo ko. Wala naman akong kuto at hindi naman talaga makati. Parang sa pagkakamot na ginagawa ko ay maipapasok ko iyon sa utak ko.

Pakiramdam ko ay magno-nosebleed na ako dahil kagabi pa ako nagre-review at wala din akong maayos na tulog!

Sinubukan ko din kasing kalikutin ang bagong cellphone ko. Sobrang namamangyan pa ako dahil buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng sariling cellphone. Natatakot pa nga akong galawin dahil baka may mapindot ako at masira pa. Sayang ang pera.

Papaturo na lang siguro ako kay Sir Creed.

Hindi ko na inalis ang mga mata ko sa reviewer habang naglalakad papunta sa karinderya ni Aling Perla. Saglit lang akong nagtaas ng tingin para hanapin kung saan nakapwesto si Sir Creed at nang makita ay lumapit ako sa kanya. Umupo ako at nagsimula ulit magreview.

"Ah, right. It's your mid-term exam week now." sabi ni Sir Creed pagkaupo ko. Kahit na nakakaakit ang pag-eenglish nya ay hindi ko sya pinansin. Mas importante ang grades ko. "Good morning, by the way."

"Kanina pa nga ako nakakita ng mga estudyanteng nagre-review." si Aling Perla na lumapit pa talaga sa pwesto namin para panoorin akong mag-review. Silang dalawa lang ni Sir Creed ang nag-usap.

"Professors will be very busy, too."

"Etong si Fatima ay hindi talaga mai-istorbo kapag nag-aaral na. Kaya tumatalino, eh."

"You should eat first, Maria."

Pinikit ko ang mga mata ko para kabisaduhin ang mga linyang kababasa ko pa lang. Sure akong lalabas 'to. Naisama na rin ito sa quiz namin dati, eh.

"Maria, eat your breakfast, first."

Dalawang subjects ang mayroon kaming exam ngayon. Ang Conflict of Law at ang Commercial Law. Parehong major subjects pa naman kaya kailangan kong mas galingan. Kahit na wala akong matinong tulog at medyo sumasakit na ang ulo ko dahil kagabi pa ako nagkakabisa ay hindi ko na iyon ininda.

Ito na lang ang pambawi ko sa benefactor ko. Tinustusan nya ang pangagailangan ko sa buhay. Pati na rin ang pag aaral ko. Kaya kailangan kong makakuha ng mataas na grades at magkaroon ng latin honors pagka-graduate ko bilang pasasalamat sa kanya.

At syempre, gagawin ko din ito para sa mga magulang ko. Ipapakita ko sa kanila na aasenso ako sa buhay. Na hindi ko na kakailanganin ang suporta sa akin ng benefactor ko dahil makakaya ko nang buhayin ng mag isa ang sarili ko kapag kumikita na ako ng pera.

I will be a successful lawyer, too.

"Maria."

Natigilan ako at parang may yelong bumalot sa aking katawan dahilan ng panlalamig ko nang marinig ang pagtawag na iyon sa akin ng professor ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ay seryoso nyang titig sa akin. Mukha syang galit dahil sa mga bagang nyang nagtatangis habang nakatingin sa akin.

"Put down your reviewer and eat." mariin nyang utos.

Mabilis kong ibinaba ang reviewer ko at binalingan ang mesa naming may pagkain na. Mukhang si Sir Creed na rin ang umorder para sakin. Medyo marami nga syang inorder ngayon pero hindi na ako nagreklamo. Baka mas lalo lang syang magalit.

Chess Pieces #1: Creed CervantesDär berättelser lever. Upptäck nu