Chapter 4

328K 11.8K 9.4K
                                    

How do you wake up from a nightmare when you are not asleep?

Noong buhay pa si Mama, sya ang palaging takbuhan ko kapag nagigising ako sa gitna ng gabi nang dahil sa masamang panaginip. Sa sala sila ni Papa natutulog. Naglalatag ng banig panangga sa malamig na sahig habang kaming dalawa ni Kuya ay natutulog sa iisang kwarto.

Iniiwan kong mag isa si Kuya sa kwarto at sisiksik sa gitna nina Mama at Papa. Magigising si Mama at yayakapin nya ako habang hinahaplos ang buhok na parang hinehele.

"Binangungot ka na naman?" iyon ang itatanong nya gamit ang inaantok na boses.

"Pinatay daw po kayo ng halimaw." ikukwento ko sa kanya ang panaginip ko. Ngingiti sya at yayakapin ako ng mas mahigpit.

"Huwag kang matakot sa panaginip mo, Maria. Hindi totoo ang mga iyan. Hindi ka nila kayang saktan. Ang dapat mong katakutan ay ang realidad. Ang mga tao. Dahil sila ang totoo. Sila ang may kakayahang makapanakit sayo. Dahil ang panaginip, magising ka lang ay tapos na. Pero ang realidad ay hindi."

"Hindi ko po maintindihan."

"Hayaan mo, Maria. Sa paggising mo sa masamang panaginip ay nandito ako para damayan ka. At sa pagharap mo sa realidad ay kasama mo akong lalaban. Kaya wala kang dapat na ikatakot. Dahil nandito lang ako sa tabi mo, anak ko."

Bata pa lang ako noon kaya hindi ko pa maintindihan. Pero simula nang mawala sila ay tsaka ako nagkaroon ng pang unawa. Na ang mga tao ang totoong mga halimaw. Hindi ang nasa masamang panaginip ko.

At nang maiwan akong mag isa ay hirap ako kapag binabangungot. Nagigising ako sa madaling araw. At sa nanginginig na mga tuhod ay aalis sa kama at pupunta sa sala. Inaasahan na dadatnan ang mga magulang kong natutulog. Pero ang inaabutan ko ay ang tahimik na paligid. Walang kahit na sinong tao maliban sa akin. Wala sila. Wala ang mga magulang ko. Wala si Mama para sabihan ako na huwag matakot.

At ngayong nasa harapan ko ang halimaw na kinatatakutan ko ay inakala kong isa na naman itong masamang panaginip. Pero nakadilat ako. Kinurot ko pa ang sarili ko para sana magising. Nasaktan ako. Ibig sabihin ay gising ako.

Ito na siguro ang paraan ng tadhana para sabihing lumaban ako at ituloy ang ipinangako kong hustisya para sa pamilya ko.

Hindi na dapat ako matakot.

Nag angat ako ng tingin at naabutan ko si Sir Cervantes na tumatawa. Hindi ko alam kung anong pinagtatawanan nila. Siguro ay nagbiro na naman ang bakla kong kaklase na halatang nilalandi ang gwapong professor.

"Hindi sya sixty years old, Fatima." bulong ni Jezel sa tabi ko na mata pa lang ay tila ginagahasa na ang lalaki na nasa unahan. Umakto akong may sinasalo sa ilalim ng baba nya.

"Laway mo baka tumulo." natatawang sabi ko. Umarte syang pinupunasan ang bibig na mas ikinatawa ko.

"Sir! Dito ba kayo sa piyupi talaga nagtuturo? Ngayon ko lang kasi kayo nakita. Mukha din kasi kayong sa mga de-aircon na university nagtuturo."

Ngumisi ang bagong professor kaya nagpakita ang pantay pantay at mapuputi nyang mga ngipin. Isinandal nya ang pang upo sa wooden table sa harap at humalukipkip. Pinag krus nya rin ang mga binti nya habang nakatingin sa nagtanong na parang isang diyos na magbibigay ng hatol sa isang alipin.

"I'm not a professor. I am a lawyer and I have my own law firm." sagot nyang may kagaspangan ang boses.

Lahat ng kaklase ko ay humanga dahil sa sinabi nya. Pero ako ay hindi. Mas lalo lang akong nanlumo para sa sarili ko.

He's a criminal who murdered my family. He's a beast. Pero bakit sya naging isang attorney? Wala syang karapatan sa ganoong titulo dahil masamang tao sya. Sya dapat ang hinahatulan.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now