Chapter 26

268K 11.4K 5.5K
                                    

Ang sabi ni Sir Creed ay mag-uusap daw kami pero kanina pa sya nakatitig sa akin. Hindi sya nagsasalita at nakatitig lang talaga. Naiilang tuloy ako kaya hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin ko.

Nag-iinarte pa kasi ako kanina at wala talaga akong planong pansinin sya sa buong maghapon. May exam pa ako at ayokong magulo ang utak ko nang dahil sa kanya. Baka pangalan pa nya ang maisagot ko sa mga tanong doon sa kaiisip sa kanya.

Pero wala na akong takas ngayon. Naka-seatbelt pa ako dito sa upuan kahit hindi naman umaandar ang sasakyan. Tapos sure pa ako na naka-lock ang mga pintuan. Ayaw talaga ni Sir Creed na makaalis ako nang hindi kami nag uusap.

At naiinis ako dahil alam konting lambing lang ni Sir Creed ay lalambot na agad ako. Ganoon ako karupok sa kanya! Bwisit. Pwede bang maging matibay muna ako kahit ngayon lang? Dapat matagal bago mawala yung tampo ko!

Please, tampo. Stay ka muna, please.

Siguro ay mas mapapanatili ko ang sama ng loob ko kung iisa isahin ko ang mga bagay na ikinasasama ng loob ko sa kanya. Oo, tama! Para ma-refresh yung galit ko. Pero ano-ano nga ulit ang mga iyon?

Una, yung nakita kong masaya syang nakikipag-usap kay Ma'am Lauris. Sinabi nya kasing nami-miss nya ako tapos makikipag-harutan na agad sya pagkauwing-uwi nya galing Italy? Tapos doon nya pa pinaupo sa harap nya! Doon sa palagi kong pinupwestuhan! Kaya saan ako lulugar diba?

Ano? Nag-eexpect ba syang uupo ako sa mga hita nya? Hala sya...

Tapos pumayag syang hawak-hawakan at idikit sa dede ni Ma'am Lauris yung mga braso nya! At sigurado akong tuwang-tuwa naman sya! Sus! Di na daw magiging asshole. Eh, mukhang naiwanan nya sa Italy ang pangako nyang iyon sa akin! Hindi nya isinama pabalik ng Pilipinas!

Ayan na... Bumabalik na yung sama ng loob ko!

"Maria..."

"Sir!"

Napapikit ako. Maria, ano na?!

Nagulat kasi ako sa bigla nyang pagsasalita kaya basta na lang iyong lumabas sa bibig ko! Busy akong mag isip ng mga dahilan tapos ginugulat nya ako!

"Look at me..."

Napalabi ako. Ayoko syang tignan. Dahil kapag nakita ko na naman ang gwapo nyang mukha ay mawawala na agad ang galit ko. Ganoon sya kagwapo, eh. Nakakatunaw ng galit.

Napaka-daya.

"Look at me, baby. Please?" ulit nya na mas pinalambing pa ang tono.

Tiis lang, Maria! Huwag kang marupok!

Galit ako. Nagtatampo ako. Masama ang loob ko. At hindi mawawala ang lahat ng iyon sa simpleng paglalambing nya lang.

Nakakasama naman kasi talaga sa kalooban ko. Nandoon na, eh. Umasa ako sa lahat ng mga ipinakita nya. Sa lahat ng mga ginawa nya. Sa lahat ng mga pinaramdam nya. Kaya nga nahulog agad ako sa kanya. Na kahit ang mga plano ko ay agad na nabalewala.

At kapag naiisip ko ang pamilya ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Sigurado ako noong una na ipaghihiganti ko sila. Pero wala. Nahulog ako kay Sir Creed.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya? Sa palagay ko nga ay mas lumalalim pa ang pagkakahulog ko. Sa bawat kilos at ginagawa nya ay pinapabilis nya ang tibok ng puso ko.

Ano na bang dapat kong gawin? Kapag ganitong hindi ko alam kung anong isasagot sa simpleng tanong na iyon ay feeling ko ay ang bobo-bobo ko. Nasaan na ang pinagmamalaki kong mga grades kung iyon lang ay hindi ko mahanapan ng sagot?

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Sir Creed na lumapat sa may pisngi ko. Napuno ng hangin ang dibdib ko nang marahan nyang iginiya ang mukha ko paharap sa kanya. Nasalubong ko ang mga mata nyang may maraming emosyon habang nakatingin sa akin. At hindi ako makapaniwalang nababasa ko ang lahat ng nandoon.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now