Chapter 12

269K 10.5K 6.3K
                                    

Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi man lang ako nakapag-withdraw kahit piso. Grabe kasi yung kaba ko! Feeling ko ay nagkamali yung bangko sa paglalagay ng pera sa balance ko. Tapos kapag nag-withdraw ako ay bawiin pa nila. Edi wag ko na lang muna galawin para safe.

Bumalik ako at imbes na madagdagan ay nabawasan pa lalo ang laman ng wallet ko. Sinilip ko ang loob at kumaway na naman sa akin si Andres Bonifacio.

Bakit ganoon? Bakit biglang naging one hundred thousand ang laman? Thirty thousand kasi ang madalas na ipinapadala sa akin ng benefactor ko. Ang laki naman ng sinobra kung sakali kaya nakakapagtaka talaga. Natatakot tuloy akong galawin ang ATM card ko. Ni-check ko pa kung iyon nga talaga ang card ko.

"Oh, Fatima. Bakit ganyan ang mukha mo?" bungad sa akin ni Aling Perla nang makarating ako ng karinderya nya. Bakit? Anong nangyari sa mukha ko?

"Para kang nakakita ng multo." sabi ni Sir Creed. Nabasa nya siguro sa mukha ko ang pagtatanong.

Ang galing. May training din kaya ang mga lawyer kung paano bumasa ng mukha ng tao?

"Minumulto nga yata ako, Sir." sabi kong umuupo sa harap nya. Napakunot ang noo nya at nakita ko ang ilang butil ng pawis doon.

Dahil may klase kami sa kanya ngayon ay medyo formal na naman ang suot nya. Naka plain white v neck shirt sya na pinapatungan ng gray coat at black slacks na nagmukhang pants na humahapit sa mga binti nya.

Inabutan ko tuloy sya ng isang basong tubig. Halata naman kasing naiinitan sya. Lalo pa at walang aircon dito sa karinderya.

"Bakit?" tanong nyang tinatanggap ang baso ng tubig na inilaan ko sa kanya.

"Ang laki kasi ng pumasok na pera sa ATM ko. Natakot tuloy akong i-withdraw." sagot ko.

"Nagpadala na ang tatay mo, Fatima?" tanong ni Aling Perla na itinatapat sa amin ang electric fan. Napansin na siguro ang pamumuo ng pawis sa mukha ni Sir Creed.

Hala... Ang bias ni Aling Perla sa customer nya.

"Opo. Kaso hindi ko ni-withdraw."

"Bakit?" sabay pa nilang tanong ni Sir Creed.

"Ang laki kasi! Hindi ganoon magpadala si tatay. Natatakot ako na baka nagkamali lang yung bangko sa paglalagay ng pera sa account ko. Baka mapahamak pa ako kapag nag-withdraw ako."

"Magkano ba ang ipinadala sayo ngayon?" tanong ni Aling Perla.

Napasulyap ako sa mga taong nandoon. May dalawang estudyanteng customer din si Aling Perla kaya pinalapit ko sya sa akin. Mabilis namang lumapit ang matanda na basta tsismis ay ang active-active.

"One hundred thousand!" mahinang sabi ko pero alam kong rinig ng dalawang tao na nasa harap ko. Namilog ang mga mata ni Aling Perla samantalang si Sir Creed naman ay nakatitig lang sa mukha ko. "Imposibleng magpadala ng ganoon si tatay!"

"Bakit naman imposible?" si Sir Creed na parang naiinis. Kunot na kunot pa ang noo nya. Tinaasan ko sya ng kilay sa pagtataka.

"Hindi kasi ganoong kalaki kung magpadala si tatay. Simula pa noon, thirty thousand lang ang pinapadala nya. Ngayon lang talaga nag iba." paliwanag ko.

"Eh, baka naman na-realize ng tatay mo na marami ka nang babayaran kasi graduating ka na?" subok paliwanag ni Aling Perla.

Umiling ako. Hindi kasi alam ni Aling Perla ang totoo. Na hindi ko kilala kung sino ang nagpapadala sa akin. Na hindi ko alam kung sino ang benefactor ko. Na patay na ang pamilya ko. Na ako na lang ang mag isa sa buhay at may isang hindi kilalang tao ang tumutulong sa akin.

Chess Pieces #1: Creed CervantesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz