Chapter 22

265K 11.6K 4.7K
                                    

Sa unang araw na hindi ko nakasama si Sir Creed sa pag aalmusal at paglalakad papunta ng ICTC ay nakaramdam agad ako ng pangungulila. Hindi ko akalain na mami-miss ko agad sya kahit isang araw pa lang kaming hindi nagkakasama. Nasanay na siguro ako na palagi ko syang nakikita at nakakausap.

Kahit na wala si Sir Creed ngayon sa klase namin ay hindi masyadong nag ingay ang mga kaklase ko. Kapag kasing ganitong wala kaming professor ay halos magsigawan na ang lahat sa pakikipag usap. Pero ngayon ay mahinahon lang sila. Siguro ay dahil narinig nila na si Sir Creed na mismo ang nagsabi kay Bobby na magbantay sa oras ng klase nya. At sobrang nirerespeto ng mga kaklase ko ang professor naming iyon.

Panay ang sulyap ko sa cellphone ko kung may text ba sa akin si Sir Creed. Ang sabi nya ay tatawagan nya naman daw ako gabi gabi pero umaasa pa rin ako na magte-text sya kahit sa umaga. Nakarating na kaya sya sa Italy? Ano nang ginagawa nya?

Nakadagdag pa sa kalungkutan ko ang hindi pagpapansinan ng dalawang mga kaibigan ko. Si Jezel ay mas lalong umingay at si Lionel naman ay tahimik lang na nakaupo sa unahan ko. Hindi talaga sya lumilingon sa likod simula pa kanina. Natakot na nga ako na baka magkaroon sya ng stiff neck dahil sa hindi nya paglingon.

"Thanks, Fatima." maligayang sabi ni Jezel nang ibinalik nya sa akin ang cellphone ko. Nakita ko ang gallery ko na nadagdagan na naman ng mga selfies nya.

Araw araw nyang dinadagdagan ng mukha nya ang cellphone ko.

"Hindi ba talaga kayo magpapansinan?" tanong ko at ininguso si Lionel. "Final exam week na natin next week. Isang buwan na lang tayo magkikita kita."

Tinignan nya si Lionel na diretsong diresto ang likod sa pagkakaupo. Umirap sya at binalingan na ako.

"Bakit ko sya papansinin? May mali ba sa sinabi ko? Wala naman, ah?" mas nilakasan nya pa ang boses nya para siguradong marinig ng pinaparinggan nya. "Walang mali sa mga sinabi ko. Hindi nya lang talaga matanggap na talo na sya. Bobo kasi, kung kailan may dumating tsaka kumikilos. Nakakadiri yung ganyang mga lalaki!"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Jezel para balaan sya na tumigil na. Pero naging machine gun na yata ang bibig nya na sunod sunod na naglabas ng mga bala para patamaan si Lionel.

"Naging kampante sya sa loob ng apat na taon. Anong akala nya? Na walang ibang magkakagusto sayo? Tapos ngayon ay binabakuran ka na agad kahit hindi pa kayo? Kadiri! Parang hindi lalaki!"

Napatingin ako kay Lionel at nakita kong kumuyom ang mga kamao nya na nakapatong sa desk nya. Gusto ko nang pasakan ng kahit na ano ang bibig ni Jezel para tumigil na sya dahil naaapektuhan na ang kaibigan namin!

Mas lalong lalaki ang away nila dahil sa ginagawa nya!

"Hindi nya matanggap na bobo sya. Na torpe sya kaya hindi na namamansin. Ang tanga tanga naman kasi! Kanya ang daan sa loob ng apat na taon pero ngayong may iba na ding gumagamit at nauunahan sya ay saka lang magmamadali para marating ang dulo! Ang bobo, diba?"

Natigil sya nang padabog na tumayo si Lionel. Napatingin pa sa amin ang iba naming mga kaklase dahil malakas ang tunog ng upuan sa marahas nyang pagtayo. Pagkatapos ay walang lingong-likod na lumabas sya sa classroom namin.

Hala!

"Tignan mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Jezel at itinuro ang pintong nilabasan ni Lionel. "Daig pa ang babae sa sobrang sensitive! May walk out pang nalalaman!"

Napakamot ako sa ulo ko. Magkakaroon na yata ako ng kuto sa pagka-stress sa kanilang dalawa!

Sila pagsusuyudin ko ng buhok ko kapag nangyari iyon!

"Alam nya kasi na wala kang nararamdaman sa kanya at kaibigan lang ang tingin mo sa kanya." pagpapatuloy pa rin ni Jezel kahit na nakaalis na si Lionel. "Pero tanga sya dahil hindi sya nag-effort na magustuhan mo! Hindi ka daw ready? Hah! Bobo nya talaga! Kaya naunahan na tuloy sya!"

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now