Chapter 20

276K 9.9K 8.5K
                                    

Secret base daw, eh sa tuktok kami ng Lucap lighthouse pumunta. Nabitin tuloy yung kilig ko dahil nagdalawang-isip ako kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa salitang "base". Sa pagkakaalam ko kasi, kapag sinabing base ay sa pinakailalim iyon. Eh nasa tutok kami, eh!

Baka buong buhay ko ay mali lang talaga ang pagkakaintindi ko sa salitang iyon. O baka naman si Sir Creed ang mali. Kaya lang ay professor sya, eh. Tapos successful lawyer pa. Ibig sabihin ay matalino din sya.

Baka naman may gumawa ng batas na ibahin ang kahulugan ng salitang base. Baka ang ibig sabihin na noon ay nasa ibabaw na. Hindi ko lang nalaman ang tungkol sa batas na iyon dahil wala naman akong TV sa apartment ko at minsan lang ako tumingin sa internet. Kapag may assignment lang o requirements na kailangan ipa-print. Saka lang ako nakakapunta ng computer shop.

Alas tres nang nagbyahe kami pauwi ng Manila. Ganoon pa rin ang pwesto sa sasakyan. Sakay pa rin kami ni Sir Creed sa kotse nya.

Parehong bumaba sina Lionel at Jezel sa pinakamalapit na station ng MRT. Nag offer pa nga si Sir Creed na ihatid sila sa mga bahay nila. Pero nahiya si Jezel dahil malayo ang bahay nya. Isang oras nga ang byahe nya mula sa kanila papunta sa university.

Hindi ko akalain na may hiya pa palang natitira ang kaibigan kong 'yun.

Si Lionel naman ay sumabay na din kay Jezel. Wala syang sinabing dahilan kaya naisip ko na ayaw talaga ni Lionel kay Sir Creed.

Naiwan kaming dalawa ng professor ko sa byahe. Naiilang ako sa katahimikan na pumagitna sa aming dalawa. Sobrang awkward! Naiisip ko ang nangyari sa amin kagabi at pinapamulahan na agad ako ng mukha!

Ay, teka. Kapag may nakarinig ng iniisip ko ay baka bigyan nila iyon ng ibang kahulugan! Ang ibig sabihin ko sa nangyari kagabi ay yung pagsasayaw namin ni Sir habang halos nakayakap na sya sa akin! Iyon lang! Wala ng iba!

Kapag naiisip ko iyon ay kinikilig talaga ako. Ang hirap kasing hindi kiligin! Sobrang romantic ng ginawa ni Sir Creed! Kung siguro nanliligaw sya sa akin ay baka sinagot ko na sya!

Sandali! Bakit naman ganoon ang naisip ko?!

Tumikhim ako. Uminit yung buong mukha ko, eh. Kapag napansin pa ito ni Sir Creed ay baka mang asar pa sya. Buang pa naman ang isang 'to.

Gwapong buang.

Kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-search kung anong ibig sabihin ng salitang base. Baka nagbago na kasi at ako na lang ang may hindi alam. Nang lumabas ang mga resulta ay ganoon pa din naman ang ibig sabihin ng base.

Base. The lowest part or edge of something, especially the part on which it rests or is supported. Ayon kay kumareng google.

Tumigil ang kotse at doon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng apartment  na tinutuluyan ko. Hala? Ang bilis naman.

Gabi na rin pala. Kaya pala nakakaramdam na rin ako ng antok. Mag aalas diyes na kasi ng gabi. At tsaka pagod din ako kaya malamang ay bagsak na naman ako nito sa kama ko mamaya.

"Sir..." tawag ko kay Sir Creed nang akmang bubuksan na nya ang pinto ng kotse para lumabas. Bumalik sya sa pwesto nya at tumingin sa akin.

Heto na ang chance mo, Maria!

"Bakit 'secret base' kung nasa tuktok tayo?"

Mukha syang naguluhan noong una sa sinabi ko. Pero ayaw ko nang magpaliwanag. Baka kasi may iba pang pakahulugan ang salitang iyon na hindi ko lang alam.

Tapos ay natawa sya nang ma-realize na siguro kung anong itinatanong ko. Napalabi ako. Baka isipin nya na bobo pala talaga ako at hindi matalino.

"Secret base so I can remind myself that I should keep climbing to reach the place where my world is."

Chess Pieces #1: Creed CervantesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon