Chapter 44

291K 10.7K 7.8K
                                    

Grabe ang kabang nararamdaman ko habang hinihintay ko ang sagot ni Sir Creed. Hindi na yata ako humihinga. Nakatingin lang ako sa kanya na may nananantyang ekspresiyon sa mukha nya at may nakikita rin akong pagkatakot doon. Hindi ko alam kung bakit ganoon sya.

Umamin na sya hindi ba? Noong New Year's eve na sya nga ang pumatay sa pamilya ko? Pero habang binabasa ko ang ekspresiyon ng mukha nya ay hindi ko maintindihan. Bakit nakakaramdam pa sya ng takot at pag aalinlangan kung nasabi nya na sa akin ang totoo?

Kaya malakas talaga ang kutob ko na nagsisinungaling sya.

"Sir... Ikaw ba talaga ang pumatay sa pamilya ko?" ulit ko sa tanong ko nang may ilang minuto na syang hindi nagsasalita.

Bumuntong hininga sya at ipinatong ang nga siko sa nakabuka nyang mga hita. Pinasiklop nya ang mga daliri nya at kunot noong tumingin doon na parang may isang malaking puzzle syang binubuo sa harap nya. Pagkatapos ay sinuklay nya ng kamay ang buhok nya at bumalik sa pagkakasandal.

"I'm so damn scared to tell you the truth, Maria." mahinang bulong nya at tumingin sa akin. "Kaya mo bang ipangako sa akin na makakayanan mo ang lahat ng maririnig mo?"

Napalunok ako. Sa takot na nakikita ko sa mga mata nya ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Alam ko na kung bakit sya nagkakaganito. Dahil natatakot sya na baka hindi ko kayanin ang lahat ng maririnig ko sa kanya.

Pero ito na ang pinakahihintay ko, hindi ba? Ang marinig ang paliwanag nya. Ang marinig kung bakit nya pinatay ang pamilya ko. Kaya kahit ano pa man ang marinig ko, dapat ay kayanin ko. Dahil alam ko, sa pagkakataong ito, na hindi na magsisinungaling sa akin si Sir Creed.

"Seventeen years kong pinaghanda na marinig ang katotohanan, Sir." sabi ko sa kanya. "Kaya nakahanda ako sa lahat."

Napapikit sya ng mariin. Umigting ang mga panga at nakita ko ang sakit sa ekspresiyon nya. Mas lalo pa iyong tumindi sa pagdilat nya.

"Your parents were part of my mission seventeen years ago."

Unang salita nya pa lang sa katotohanan ay parang may bombang sumabog na sa harapan ko dahil sa pagkagulat ko. Napatitig ako kay Sir Creed at binasa ang ekspresiyon sa mukha nya. Pero nakita ko lang ang matinding sakit doon na parang hindi na nya kaya pang sabihin sa akin ang mga susunod.

Napalunok ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Umpisa pa lang ito pero naiiyak na ako.

Ang sabi kasi ni Ate Vexen sa akin ay ang lahat ng inuutos sa kanila ng El Ordre ay para sa ikabubuti ng bansa. At hindi ko alam kung anong kinalaman ng pamilya ko doon.

"Naging myembro ng sindikato ang mga magulang mo, Maria."

Malakas akong napasinghap at tumulo na ang mga luha ko sa pagkagulat. Naninikip ang dibdib ko pero hindi ako makagalaw para kumuha ng hangin para sa baga ko. Nakita iyon ni Sir Creed at ikinulong nya ang mukha ko sa mga palad nya at natatakot akong tinignan.

"Stay with me, please. Baby... Baby, stay with me." natatarantang sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Kumalma ako nang maramdaman ang init ng mga palad nya. Sunod sunod ang pagkuha ko ng hangin at huminga na parang wala nang bukas. Tinitigan ko ang mga mata ni Sir Creed. Kitang kita ko ang pagkatakot doon kaya tinapangan ko ang loob ko dahil baka itigil na nya ang pagsasabi sa akin ng katotohanan kung magiging mahina ako.

"Ano pa, Sir?" tanong ko at pinigilan ang mapahikbi. "Ano pa? Sabihin mo lang, Sir. Promise, kakayanin ko."

Tinitigan nya ako. Siguro ay hinahanap nya sa mukha ko ang pagiging totoo ko kaya pinilit ko ang magpakita ng tapang. Marahas syang nagbuga ng hangin at binitiwan ang mukha ko.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu