Chapter 13

261K 9.7K 2.9K
                                    

Nagkusa na akong pumunta kay Aling Nenita para magbayad ng renta sa apartment kahit hindi pa man nya ako sinisingil. At ang panglima kong paboritong landlord ay tuwang-tuwa dahil hindi na daw sya mahihirapan sa paniningil sa akin.

"Kung ganyan ka palagi, Fatima, edi ikaw na rin ang paboritong tenant ko." sabi ni Aling Nenita na kumikislap ang mga mata habang binibilang ang ibinayad ko.

Tama ako. Nagbibigay kasiyahan ang pera sa mga tao. Sino ba ang may sabing hindi nabibili ng pera ang kasiyahan? Kaya nga karamihan sa mga tao ay malungkot dahil ang unang unang rason ay wala silang mga pera!

Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso at nagkunwaring nasasaktan. "Aray naman, Aling Nenita. Ang sakit 'non, ah? Ikaw ang favorite landlady ko pero hindi pala ako ang paborito mong tenant?"

Napailing si Aling Nenita. Siguro ay sanay na sa kakulitan ko. "Bago ka pala umalis sa apartment ay sabihin mo muna sa akin, ah? Para makapaghanap agad ako ng papalit sayo."

"Hala, double kill mo na ako, Aling Nenita, ah? Nandito pa ako pero pinapaalis mo na agad ako? You hurt my feelings!" umakto pa ako na may pinupunasang mga luha kaya pabiro nya akong hinampas.

Aray naman. Triple kill na sya, ah.

"Graduating ka na, diba? Sigurado akong lilipat ka na pagka-graduate mo dahil magtatrabaho ka na!"

Napalabi ako. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin ko, eh. Bago kasi nagpakita ulit si Sir Creed sa buhay ko ay nakaplano na ang lahat. Lilipat talaga ako ng tirahan at maghahanap ng law firm na mapapasukan. Pero ngayong nandito na si Sir Creed ay gusto ko talagang makapasok sa law firm nya.

Para madali kong magawa ang plano kong mangalap ng impormasyon tungkol sa kanya at mabigyan ng hustisya ang ginawa nya sa pamilya ko.

Pero paano kung hindi nya ako tanggapin? He's a professional and respected lawyer. Kaya nga pumayag ang university namin na sya ang pumalit kay Ma'am Valencia dahil nakita siguro nila na isa nang successful lawyer si Sir Creed at marami syang maibabahagi sa amin na kaalaman.

Habang ako ay isa lamang fresh graduate. Malamang ay marami rin ang nag aapply sa law firm nya. Kaya malaki talaga ang tsansa na hindi ako matanggap.

Ano nang gagawin ko pagkatapos noon? Paano pa ako makakakuha ng mga impormasyon na magagamit ko laban sa kanya kung hindi ko na sya makakasama pagkatapos ng graduation namin?

Ang pag asa ko na lang ay kapag naging topnotcher ako sa bar exam. O kaya ay kahit makapasok man lang sa top ten na may pinakamataas na score. Siguradong tatanggapin nya ako kapag napatunayan kong matalino talaga ako.

Kailangan ko na nga sigurong paghandaan ang bar exam.

"Have you come up with a decision?"

Binungad na naman ako ni Sir Creed ng nakakaakit nyang ingles pagkarating ko ng karinderya. Sabi na, eh. Hindi nya talaga ako tatantanan.

"Sa susunod na padala na lang ako bibili ng laptop, Sir. May tour assessment pa kami. Malapit na 'yon."

Nainis sya. Nagsalubong kasi ang mga kilay nya at nagtiim ng mga bagang. Napansin ko tuloy ang papatubo nyang mga facial hair sa panga nya nang umigting iyon.

Hala... Mas lalo syang naging gwapo 'pag may facial hair sya.

"Laptop is not that expensive, Maria. May matitira pa naman sayo kahit bumili ka na ngayon." inis na sabi nya at halos irapan pa ako.

Anong hindi expensive, eh sinabi sa akin ni Jezel ang mga presyuhan noon! Nag ipon kasi talaga sya para makabili ng laptop dahil mahirap ang wala noon lalo na sa kurso namin. Buti na lang talaga at nagawan ko ng paraan kahit na wala akong laptop.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now