Chapter 23

270K 10.9K 7.8K
                                    

Nagpadala ulit ng one hundred thousand pesos ang benefactor ko at hindi ko na alam kung anong gagawin sa ganoong karaming pera. Yung last na padala nya ay hindi pa nga nauubos at meron pang natira tapos heto na naman. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip.

Ang akala ko ay isang beses lang magpapadala ng ganoong kalaking halaga ang benefactor ko. Naisip ko na alam nyang malapit na ang graduation at marami-rami ang binabayaran ko kaya sya nagpadala ng malaki. Pero ngayon ay ganito na naman ang pinadala nya.

Bakit? Kung dati naman ay thirty thousand bawat buwan ang padala nya pero sobrang laki na talaga ngayon! Naka-bayad na ako ng graduation ko fee ko at sa lahat ng mga utang ko kaya hindi ko na kailangan ang ganitong kalaking halaga!

Nakokonsensya talaga ako. Feeling ko ay naghihirap na ang benefactor ko dahil sa akin. Hindi na naman nya ako kailangan padalhan dahil pagkatapos nito ay magkakapag-trabaho na ako. Kaya ko nang suportahan ang sarili ko.

Nakakabobo pala ang maraming pera. Akala ko ay mawawalan na ako ng problema kapag nagka-pera ako ng malaki pero mali pala. Siguro nga ay hindi talaga nauubusan ng problema ang mga tao. Pagkatapos ma-solve ng isang problema ay may dadating na naman.

Nakakapagod maging tao. Ang sarap maging halaman na lang.

"Sir, pahingi ulit ng hoodie mo." walang hiya kong sabi sa kanya nang pangatlong gabi na kaming magkatawagan. Ewan ko ba. Sanay na sanay na talaga ako sa kanya at nasasabi ko na ang mga gusto kong sabihin na walang hiyang nararamdaman.

Kulang na kulang kasi ang isang hoodie para sa pantulog ko. Kagabi nga ay hindi iyon ang sinuot ko dahil kailangan ko pang labhan kaya ngayong gabi ko na lang ulit naisuot. Isa pa, baka lumuma agad ang hoodie nya kung palagi kong nilalabhan.

"I can buy you a lot of hoodie if you want." alok ni Sir Creed at agad akong tumanggi. Di nya naiintindihan ang gusto ko, eh.

"Ayoko, Sir. Gusto ko yung suot mo. O kaya yung nasuot mo na."

Imported syang nagmura at pinakinggan ko lang iyon. Kung dati ay hindi ako sanay kapag nakakarinig ako ng mga taong nagmumura. Feeling ko kasi ay nagkakasala din ang tenga ko. Pero si Sir Creed, ang hot nya kasing magmura. Yung iba ay tunog lasing na tambay kapag namumura pero sya ay parang mas nagiging gwapo pa.

"Bakit?"

May nadinig akong ibang boses ng lalaki sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko. May kasama sya? Nasaan ba sya?

"Self-control, fucker." sabi pa ulit nung bagong boses.

"May kasama ka?" hindi na napigilan kong tanong. At base sa nauna kong narinig ay pinoy din yata ang kasama nya.

"Yeah. I'm here in Hunter's pad in Italy." sagot ni Sir Creed sa kabilang linya. Bago pa ako makapagsalita ay may bagong boses na naman akong narinig.

"Mission accomplished!" lalaki ulit. At parang pamilyar pa nga sa akin ang boses na iyon. "Oy, sino yan? Babae mo?" may mga yabag akong narinig at nang muli syang magsalita ay malakas na iyon. Mukhang lumapit ang bagong dating kay Sir Creed. "May ibang babae si Creed dito! Niloloko ka lang nya!"

Napapikit ako sa lakas ng boses nya. Mukha syang sumigaw kahit na malapit lang ang phone sa kanya. Pakiramdam ko ay natanggal ang lahat ng tutuli ko sa loob ng tenga sa lakas ng sigaw nya! Nahilo pa ko!

Nakarinig ako ng ilang mga kalabog sa kabilang linya. Wala sa sariling inalis ko ang cellphone sa tenga ko at tinignan ang screen noon. Ten minutes na kaming magkatawagan at ngayon ko lang nalaman na may mga kasama pala sya.

"Shut up, fucker!" dinig ko ang malutong na mura ni Sir Creed nang ibinalik ko sa tenga ang cellphone. Pagkatapos ay may kumalabog na naman.

"Nasa kwarto nya mga babae— Ow!" dinig kong daing nung lalaking sumigaw kanina.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now