Chapter 1

391K 12.5K 4.3K
                                    

"Wala pa din." mahinang pagkakasabi ko habang nakatitig sa ATM machine. Pinindot ko ulit ang cancel button para lumabas ang card at isunuksok ulit iyon sa machine.

Madrama akong napabuga ng hangin. Ganoon pa din kasi ang laman ng balance ng card ko. Zero. Tatlong itlog pa nga at mantika na lang ang kulang ay pwede na akong mag-prito dito.

Limang minuto ko na yatang dinadasalan ang kawawang ATM machine na 'to. Baka kasi biglang maghimala at maawa sa akin na kusa nitong lagyan ng laman ang balance ng card ko.

Sa ika-sampung pagsuksok ay sumuko na ako. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba na bumuntong hininga yung machine? Mukhang nakahinga ng maluwag sa pagsuko ko ngayon.

Hmp. I shall return. Tomorrow!

Tumalikod ako at nakita agad ang mahabang pila sa likod ko. Ang babaeng kasunod ko ay hindi na maipinta ang mukha. Talagang binangga pa ang balikat ko nang magkasalubong kami.

"Ang tagal-tagal! May facebook ba sa machine na 'yan?" mahinang sabi nya pero alam kong pinaparinig nya sa akin.

Tinignan ko sya at nginitian. "May messenger din. Sorry, ha? Ka-chat ko kasi yung crush ko kaya natagalan ako."

Inirapan nya ako at naglakad na papunta sa machine. Syempre inirapan ko din! Kainis! Excited lang mag-withdraw? Buti pa sya may inaasahang pera pero ako wala! Kailangan ko pa yatang mag alay ng dugo ng manok para magkalaman ang balance ko!

I sighed. Mukhang hindi na naman ako makakapag-lunch nito mamaya kung gusto kong mag-hapunan ngayon. Mahirap kasing matulog at magising ng gutom.

It's the 14th of this month at nagkakaroon ng laman ang ATM ko every 15th. Hindi lumalagpas o napapaaga doon. Maaga ng isang araw ang pagche-check ko dahil wala na talaga akong pera. Baka lang naman mapaaga din ang pagbibigay sa akin kahit ngayon lang.

Hay... Sana lang ay wala kaming bayaran ngayon.

Nakarating ako sa room namin at medyo marami na ang nandoon. Tumabi ako sa kaibigan ko na may nakapasak na earphones sa tenga nya at nakaupo malapit sa dulong upuan.

"Hindi pa din nagpapadala ang angel mo?" tanong ni Jezel sa akin pagkaupo ko sa tabi nya.

Umiling ako. "Hindi, eh."

Si Jezel lang ang nakakaalam na hindi ko talaga kilala kung sino ang nagpapadala sa akin ng pera kada-buwan. Mas lalong hindi ang tatay ko. At the age of eight, I was already an orphan.

Tanda ko pa ang gabi kung kailan kinuha sa akin ang buong pamilya ko. Nakita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano pagbabarilin ang mga magulang ko, pati na rin ang Kuya ko. It was so hard trying to sleep at night. Natatakot akong dalawin ako sa panaginip ng mga pangyayaring iyon.

Hindi ko alam kung bakit ginawa sa pamilya ko iyon. Mabait ang mga magulang ko! Kahit ang Kuya ko! Mahirap kami at nagtutulungan sila para makapag aral kami ni Kuya at makakain kahit dalawang beses lang sa isang araw. Walang kaaway ang pamilya namin kaya hindi ko talaga alam kung bakit kailangan danasin ng pamilya ko ang ganoong kabrutal na kamatayan.

Naiwan akong nag iisa.

Kinupkop ako ng kamag anak ng mama ko. Hindi naging madali noong una. Tumigil ako sa pag aaral ng isang taon. Ako din ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay para sa kanila. Kapalit man lang daw ng pagpapatira nila sa akin at pagpapakain.

But one day, a mysterious thing happened.

May nagpapadala sa bahay ng kamag anak ng mama ko na pera para daw sa akin. Kaya nakabalik ulit ako sa pag aaral. At nang tumuntong ako sa hustong edad ay umalis ako sa kanila.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now