Chapter 2

339K 12.2K 4.9K
                                    

Muntik na akong mapayakap sa ATM machine nang makita kong may laman na ang balance ng card ko. Sa wakas! Hindi na lang si Andres ang magiging laman ng wallet ko! Makikitira na din doon sina Ninoy at Manuel. At syempre, pati na rin ang tatlong taong paborito kong makita. Sina Jose, Vicente at Josefa.

Hindi na ako mahirap!

Pero ang puso at isip kong makabayan ay kumontra sa mga salitang iyon. Paano ba naman kasi, naalala ko na kailangan ko ding magtipid para sa graduation fee namin. Kahit di pa naman ako sigurado kung ga-graduate ba ako.

Pero palagi akong kasali sa president's lister! Sure na ga-graduate ako!

Ang sabi kasi ng mga ka-blockmates ko ay mahal daw ang graduation fee. Nasa fifteen thousand daw yata. Kalahati na ng pinapadala ng benefactor ko kada buwan.

Nagwithdraw lang muna ako ng five hundred para sa pang gastos ko sa klase ngayon. Babayaran ko pa yung utang ko kay Lionel.

Ang hirap magkautang... na loob.

Nang makarating ako sa room ay inilabas ko kaagad ang notebook ko at doon nagkwenta ng mga gastusin. Wala pa sina Jezel at Lionel kaya walang makaka-istorbo sa pagma-math ko.

Babayaran ko ang renta ko sa apartment. Tatlong linggo na din kasing delayed ang bayad ko. At isasabay ko na din ang bayad ko para sa buwan na to dahil magkakasingilan na naman. Para hindi na ako magising sa boses ni Aling Nenita na araw araw inaalmusal ang megaphone.

Naisip ko tuloy ang asawa't mga anak nya. Dalawa pa rin kaya ang mga tenga nila?

Tapos bayad din para sa tubig, kuryente at pagkain. May matitira pa naman sigurong pambili ko ng converse dahil ang sapatos na gamit ko ay pudpod na ang swelas. Ramdam ko na ang init sa paa at kapag umuulan naman ay nagbabaha ang loob ng sapatos ko.

Dadaan na lang ako sa mall mamaya at maghahanap ng sapatos sa ukay ukay.

"Good morning, Fatima!"

Napaigtad ako sa bating iyon ni Lionel. Nag angat ako ng tingin at nakita ko syang nakapamulsa sa harapan ko. Amoy na amoy ang pabango nyang panlalaki.

"Good morning! Ang bango natin, ha?" samantalang ako ay amoy pawis na yata kahit hindi pa nagsisimula ang klase.

"Anong ginagawa mo?" tanong nya at nilipat ang tingin sa notebook ko. Napakunot ang noo nya nang makita ang mga numero doon. "May quiz sa Taxation?"

Natawa ako at umiling. "Ah! Oo nga pala."

Inilabas ko ang wallet ko. Nakatitig lang sa akin si Lionel habang pinapanood ang bawat galaw ko. Nakaka-concious tuloy. Ganito sya palagi pero hindi pa rin ako nasasanay.

Inabutan ko sya ng one-fifty. "Oh. Bayad utang ko."

Kumunto ang noo nya. "Bakit one-fifty?"

"Yung benteng pinang-lunch ko nung nakaraan tsaka yung thirty kahapon."

"Bakit may one hundred? Fifty lang dapat."

Napakamot na ako sa ulo ko. Ang kulit! "Eh kasi nga diba sabi ko dadagdagan ko ng one hundred yung bayad? Parang interes. Ganun."

"Hindi naman ako pumayag. Fifty lang ang ibayad mo."

"Isa, Lionel!" banta ko na. Naiinis na ko, eh. "Kung ayaw mong magpa-interes, edi huwag mo akon pautangin! Next time na pautangin mo ako, twoo hundred na ang dagdag!"

Walang nang nagawa si Lionel kundi ang tanggapin ang bayad ko with Manuel as the interes. Arte pa. Kukunin din naman pala.

"Ang aga aga may lovers quarrel agad kayo."

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now