Heart 28: Betrayal

14.2K 876 102
                                    


"Do you really think we will not break?"


AVERY

Sinunod ni Lianna ang sinabi ni Zirrius at nagtago siya sa likod namin habang nanginginig ang mga kamay na hawak ang patalim na ibinigay ko sa kanya. Kitang-kita ang takot at pangamba sa mukha niya nang sulyapan ko siya.


Mas madali sanang tumakas kung wala siya sa tabi namin pero hindi naman maaatim ng konsensiya ko na iwanan siya sa sitwasyong ito. Kung plano man ito ni Leo, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na bigyan siya ng malakas na suntok sa mukha kapag nagtagpong muli ang mga landas namin.


"Humanda kang tumakbo anumang oras," mariing paalala ko kay Lianna. Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha niya pero hindi siya nagsalita.


Sa tantiya ko, may dalawampung kawal o higit pa ang nakapaligid sa 'min. Sa tingin ko, wala talaga silang balak na patakasin kami.


Unti-unting lumapit ang mga kawal hawak ang kanilang mga espada. Muling sumigaw ang pinuno nila na may malaking pangangatawan. Kitang kita sa mga matatalim niyang mga mata ang pagnanais na lumaban at hulihin kami anumang oras. Walang bakas ng pangamba dahil marami sila at tatlo lang kami. "Huwag na kayong magtangkang lumaban pa. Napapaligiran namin kayo. Ipinag-uutos ng Mahal na Haring Aulius na hulihin namin si Prinsipe Zirrius at mga kasama niya."


"Kung mahuli nila ako, tumakas na kayo ni Lianna. Hindi tayo maaaring mahuling dalawa," mariing sabi ni Zirrius. "Ikaw ang totoong kailangan nila."


Hindi ko kayang iwanan si Zirrius sa kamay nila pero tama siya. Hindi maaaring mahuli kaming dalawa. Sa dugo ko nakasalalay ang ritwal na gagawin ni Seth. Kailangan niya ng sakripisyo.Sumigaw si Zirrius sa mga kawal. "Walang susuko sa 'min. Kung gusto ninyo ng laban, ibibigay namin sa inyo."


Nagningas ang mga mata ng kanilang pinuno at nagbigay hudyat na sumugod na ang mga kawal. Inilabas ko ang aking espada. The guards thrusted their swords towards me and Zirrius and we both parried them with our swords. Habang si Lianna ay napapatili dahil sa mga nagtatamang espada. The sound actually hurts my ear and it's annoying.


I used my own magic to shake the ground and the guards lose their balance. Muntik na silang matumba pero nagulat ako sa halamang tumubo sa lupa at biglang umatake sa 'kin. May kasama sila na kayang gumamit ng mahika. Iniwasan ko ito at humiwalay ako kina Zirrius at Lianna. Agad namang nailayo ni Zirrius si Lianna mula sa halamang tila espada sa talim at handang bumaon sa katawan ng kahit sino.


Inilibot ko ang paningin pero hindi ko makita sa kanila ang may kakayahang gumamit ng mahika. May tatlong kawal na sabay-sabay sumugod sa 'kin. Mabilis na iwinasiwas ko ang aking espada. I noticed the black crescent moon tattooed on their necks. They are being controlled by Seth. Nagtatalo ang isip ko kung dapat ko bang kitilin ang mga buhay nila o hayaan silang mabuhay dahil hindi nila kontrolado ang sitwasyon. I cut the skin of their legs and sides but not enough to kill them in one go. May pag-aalinlangan sa puso ko.


Kasabay ng mga espada nila, sinusundan ako ng mga halaman na biglang tumutubo sa lupa. I can't sense the magic from anyone here. Maybe someone's watching who's doing the trick? Pero wala. Wala akong maramdaman. Ginawa ko ang aking makakaya upang umiwas sa mga halaman. I even cut the stems down and run. Umikot ako sa mga puno habang hinahabol ako ng mga kawal. Hindi nila masabayan ang maliksi kong pagtakbo. They're just human. I'm an elf.

HeartboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon