Heart 9: A Mess

30K 1.5K 273
                                    

"Do you think you can handle that kind of love?"


AVERY


Napangiwi ako dahil sa sakit ng ulo. Bumalik na ang kamalayan ko at unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Napakadilim ng buong paligid. Wala akong maaninag na kahit ano, kahit saan man ako lumingon.


Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng isang panaginip. Ayaw kong maniwala na tuluyan na akong nabulag. Hindi mawala ang takot at kaba ko sa dibdib. Ano'ng mangyayari sa 'kin kung wala na ang paningin ko?


Nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko na halos pumigil sa 'kin sa paghinga. Nanlamig ang buong katawan ko. I couldn't live like this. Fear engulped me whole.


I feel trap in the vast darkness. I feel alone. I feel lost.


Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. All I can do is cry. I feel so weak. Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko. Mariin kong kinagat ang labi ko. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. I need to do something. I must do something!


Pero ano? Ano ang dapat kong gawin ngayon wala na ang paningin ko? Pilit kong kinapa ang mga bahaging naaabot ng kamay ko. Hindi ko rin alam ang balak kong gawin. I just need something to hold on to. I don't know what it is. I just need something or anything available in my reach right now.


Hindi naman sinabi sa 'kin ni Ina ang maaari kong gawin sa mga ganitong pagkakataon. She didn't warn me about this. Or she did warn me but not enough. It's not enough!


Natigilan ako nang may kumaluskos malapit sa kinahihigaan ko. Agad kong iginalaw ang kamay upang pahidin ang luha ko pero natigilan ako nang may kamay na humaplos sa pisngi ko at nagpahid ng luha ko. My heart raced back and forth. Someone's here and I didn't even notice.


Paano na lang kung nasa gitna ako ng isang labanan? Paano na lang kung may kalaban na palang nakapasok na hindi ko man lang namalayan?


And the scent is very familiar and very dear to me. Nanigas ako sa kinahihigaan. Magaan ang mga kamay niya habang pinapahid ang luha ko.


"Gising ka na," mahinang wika ni Zirrius. Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya. Paos ang tinig niya, halatang kulang sa tulog at pahinga. Naramdaman ko rin ang hindi maitatagong takot sa tinig niya.


"Ano'ng nangyari?" agad kong tanong at iniiwas ang mukha sa kamay niya. Pikit kong pinakiramdaman ang buong paligid. Siya lang ba ang naririto o may iba pa? Pilit kong pinakinggan ang paghinga at paggalaw nila. I closed my eyes and concentrated.


Tanging ang paghinga at paggalaw lang ni Zirrius ang nararamdaman ko. Siya lang ang narito at wala ng iba.


"Narinig namin ang pagsigaw mo. Pagdating namin dito, wala ka ng malay. Inisip namin na baka may kaaway na nakapasok at hindi namin napansin. When Damon checked your eyes, they are pure white. We panicked but Shin came by and told us that you just lost your sight. Nakita niyang nangyari ito sa 'yo noong magkausap kayo kaya alam niya."

HeartboundWhere stories live. Discover now