Heart 3: Aris

31.5K 1.6K 293
                                    


"We will not break..."


AVERY


Naubos na ang luha sa mga mata ni Shin. Halos isang oras ko rin siyang sinamahan hanggang sa makatulog siya. He clinged unto me until he fell asleep. Marahan ko siyang ibinaba sa kama niya. He was sleeping innocently and soundly.


Hindi ko makalimutan ang mga binitawan niyang salita kanina. Masyado itong mabigat para sa isang batang katulad niya. Hindi ko man siya gustong idamay sa kaguluhang ito, wala akong magagawa dahil kailangan ko ang kakayahan at kapangyarihang taglay niya.


He already decided to take over the throne for the Ameyans. Pero hindi lang ang mga Ameyans ang dahilan kaya siya lalaban. He also wanted to take down, Seth. He wanted revenge. He was using vengeance as a motivation to carry on. He's still young but his heart was slowly filled with darkness.


"I'll see this until the end. I'll fight and take Seth's last breath. He will fall in the very depths of hell and will never rise again."


His voice echoed on my head. His every words were said like it was a sacred promise that he'll never break. Kinabahan ako dahil baka kung ano ang gawin niya sa oras na makita niya si Seth. Hindi na ako papayag na pati siya ay mawala.


Mararamdaman talaga ang galit sa puso niya. He seems like a lost child now. I sighed heavily as I gently touched his soft, sleeping face. I hope he'll find himself again. I hope I can save the sinking part of his soul and made him whole again.


Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko 'yon magagawa kung siya mismo ay hindi tumatanggap ng tulong. Marahan kong hinalikan ang noo niya bago ako nagpasyang iwan siya.


Mamaya na lang namin pag-uusapan ang mga hakbang na isasagawa namin kapag sa tingin ko ay nasa tamang pag-iisip na si Shin. He just needed time to accept everything.


Natigilan ako nang lumabas ako ng silid. Nakita ko sina Damon at Zirrius na matiyagang naghihintay sa labas ng silid ni Shin. Gusto kong mapangiti dahil napansin ko ang bahagyang pagliwanag ng mga mukha nila nang lumabas ako. Sa tingin ko, nag-aalala rin sila para kay Shin kahit hindi nila aminin.


"Kumusta siya?" seryoso at sabay na tanong ng dalawa. Natigilan pa silang dalawa pero hindi na lang pinansin ang isa't isa. Mas mahalaga sa oras na ito si Shin.


Malungkot at matipid akong ngumiti sa kanilang dalawa. "Hindi pa niya lubusang natatanggap ang lahat. I can't say that he's fine because it's obvious that he isn't. Aivee is his only family," mabigat na wika ko kasabay ng malalim na buntong-hininga.


"Pero sana matanggap din niya ang lahat. We need to look after him. Magulo pa ang isip niya. Ayokong gumawa siya ng desisyon na ikapapahamak niya. I don't want to lose another. I don't want to lose anyone," mariing saad ko.


"He'll get through this all. He will not break," mahinang saad ni Zirrius. Seryoso siyang nakatingin sa labas ng pinto ng Inn kung saan matatanaw ang mga taong nagsisidaan, lumalabas at pumapasok. Nakasandal lang siya sa pader at nakahalukipkip.

HeartboundWhere stories live. Discover now