Heart 18: King Sean

24.1K 1.2K 94
                                    

"A new, bigger storm is silently brewing..."

AVERY

Every Sumerian wear there dresses with confidence and elegance. Hindi nawawala ang mga ngiti sa kanilang labi na sa tingin ko naman ay peke lang. Alam nila ang nangyayari sa buong Sumeria pero sa tingin ko, wala silang pakialam o natatakot silang makialam.

Mabibining ngiti, tawanan at kwentuhan ang maririnig mula sa kanila na tila walang problemang kinahaharap ang kaharian nila.

We already emptied our drinks and put the empty glass on a tray. Masaya at malakas na tugtugan ang pumailanglang sa buong paligid. There are guards on every exit and entrance of this hall. Waiters and waitresses are all over the place. Red carpet covered the whole room. White elegant curtains covered the windows and doors and white cloths covered the tables.

Elegant paintings are hanging on the halls made of marble and ivory. The pillars stand tall on the sides and the dome above is elegantly painted with images of well-known figures and past Kings with their names.

There's also a huge balcony outside that connects to this hall. And at the front, there's a double stairs and above that, there's an elegant platform, a huge balcony, especially made for the King's speech.

Nagkatinginan kami ni Damon. I allowed him to invade my mind. We can talk without revealing ourselves now. Hindi kami maaaring magkamali sa gabing ito. His lips are pressed on a thin line and his gray eyes are fixed intensely on me. I could feel how grave the situation we're in. Hindi na kami nag-abalang umupo pa.

"It's time to check the palace. Maghiwalay muna tayo. If someone noticed us, let's just say we are lost or had gone to the restroom," sabi ko kay Damon sa isip ko. "Maybe we can also note the possible number of people affected by the black crescent moon magic."

Tumango si Damon. "Mag-iingat ka. Kung sakaling magkaproblema, sabihin mo lang sa 'kin. You can talk to me through this mind link," he said with a nod. I smiled at him as if I'm assuring him everything will be alright. Pinisil ko muna ang mainit na kamay niya at pinisil niya ito pabalik bago kami tuluyang naghiwalay. We're inside the enemy's territory. Isang maling hakbang lang, tiyak na mahuhulog kami sa mga kamay ni Seth.

I head straight to the exit. I ask the guard the way to the restroom. "Sa labas, diretso lang tapos lumiko ka sa unang hallway pakanan," sagot niya. Marahan akong tumango at nagpasalamat sa kanya. Paglabas ko sa double door, may dalawang kawal na nagbabantay rito. They are standing on each sides of the door. They didn't even dare to look at me which was a good thing. Dumiretso ako sa direksiyong sinabi ng kawal. Pasimple kong nilingon ang dalawang kawal pero hindi talaga sila lumilingon sa 'kin. Nang masiguradong hindi nila ako mapapansin, dumiretso ako sa paglalakad at hindi lumiko sa unang hallway sa kanan kundi sa pangalawa.

The erratic beating of my heart made me a little nervous. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansin na walang tao sa hallway na ito. Sinubukan kong maglakad at umaktong normal. Kung may makakita man sa 'kin, sasabihin ko na lang na naliligaw ako.

The blue marbled floor is all shiny and cleaned. Mapapansin ang magagandang paintings na nakadikit sa pader. The walls are made of thick bricks and cinderblocks. Iba't ibang lugar ito na matatagpuan sa Sumeria. The green sceneries and people of Sumeria are its theme. Mapapansin kung gaano kayaman at kaayos ang lugar ng Sumeria noon. Pinipilit kong hindi makagawa ng ingay ang bawat hakbang ko habang naglalakad. I saw many closed doors. Sinubukan kong pihitin ang bawat pinto at silipin ang loob. Some doors are locked. Some doors are not.

Sa mga silid na nabuksan ko, nakita ko ang isang malaking studio na ginagamit sa pagpipinta ng mga larawan, ang iba naman ay silid kung saan maaaring ganapin ang mga pagpupulong, ang iba pa ay punong-puno ng sandata, ang iba naman ay mga normal na guest rooms lamang. Sa tuwing may mga katulong akong natatanaw sa malayo agad akong lumiliko sa ibang pasilyo. Iniiwasan ko sila sa abot ng aking makakaya.

HeartboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon