Heart 6: Otherworld Gate

29.6K 1.6K 139
                                    

"My love is a heavy one..."



AVERY


Pumasok kami sa isang maliit na silid. Isa-isang binuksan ni Veana ang mga ilawan na nakadikit sa dingding. The whole room was just plain in my sight. Sa pinakagitnang bahagi, mapapansin ang mahabang mesa kung saan nakalatag ang isang malaking mapa.


Makikita sa mapa ang iba't ibang kaharian ng mga tao na kalapit ng Hysteria. Ang sunod na kaharian sa Hysteria ay ang Tresha. Mapapansin na nasa gitnang bahagi ng mapa ang malawak na lupain ng Alveria pero napakalayo na ng Alveria sa Hysteria kaya kailangang dumaan muna sa Tresha na nasa silangan upang bumili ng mga kakailanganin sa paglalakbay. Nasa hilaga ng Alveria ang Hysteria.


Sa Kanlurang bahagi, makikita ang Sumeria, samantalang nasa timog naman ng Alveria ang Galesha. Ang tatlong kahariang ito ang kontrolado na ngayon ni King Aulius. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming kawal ang nagmamartsa ngayon patungo sa Hysteria.


Tumayo si Reyna Veana sa gitnang bahagi ng mapa. Nag-aalangang tumingin siya kay Haring Darmari. Marahang tumango ang hari sa kanya.


"Use your magic. Don't hesitate. We both know what's at stake here," mahinahong saad ng hari. Malambot pero may kalaliman ang tinig ng hari. Pinagmasdan ko siya habang iniisip kung alam ba niya ang pinasok niya. He fell in love with an immortal but he's just a mortal. Forever will never be theirs to keep.


Marahang tumango si Reyna Veana. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Mula sa nakalatag na mapa, makikita ang pamumuo ng itim na linya. Pigil ko ang hininga habang pinagmamasdan ang ritwal na isinasagawa niya. Unti-unting kumakalat ang itim na linya at bumubuo ng hugis bilog.


Bawat kaharian sa silangan, timog at kanluran ng Alveria ay unti-unting naging magkakadugtong. As if it was a bridge connecting different planes of existence, binding all of the Kingdoms together. Different magical sigils are drawn on each kingdoms.


In the middle of the black magic circle, a small gate was drawn and could be seen inside a hexagonal star. Hindi ko alam kung para saan ang gate na 'yon pero nagsitayuan ang mga balahibo ko. Makikita ang gate na ito sa mismong lupain ng Alveria. Everything looks darker than it seems to be on this map.


Hindi pa buo ang magic circle dahil hindi pa ito nakararating sa Hysteria. Tanging ang Hysteria ang pumipigil upang mabuo ang black magic circle. The magic lines in Sumeria and Tresha is still waiting to be linked to Hysteria.


Napansin ko rin ang mga pulang tuldok na nagkalat sa malawak na disyerto sa pagitan ng Tresha at Hysteria. Nagmamartsa ang mga ito patungo sa Hysteria. They were too many to count. Thousands. Saka ko lang naintindihan na ito ang mga kawal ng Alveria.


May mga asul na tuldok din na namuo sa loob ng lupain ng Hysteria. Ito naman ang mga kawal ng Hysteria na nagsisipaghanda sa paglusob ng mga kaaway.


Queen Veana actually drawn the battlefield through her magic. Mahigpit na napahawak ang reyna sa gilid ng mesa. She used too much power to predict everything with accurate position and speed. She envisioned the current happenings outside and inside her kingdom.

HeartboundWhere stories live. Discover now