Heart 20: Apologize

27.7K 1.4K 279
                                    

"And we will stand strong..."


AVERY


Kinaumagahan, napailing ako dahil sa namamagang labi ni Damon at sa masasamang tinging ipinupukol niya kay Zirrius. Samantala, seryoso lang si Zirrius at napapakibit-balikat. These two are insufferable.


Hindi pa namin pinag-uusapan ang nangyari kagabi. No one's brave enough to open that subject. No one's brave enough to show their real feelings. It's awkward and confusing.


Hindi ko na napigil ang sarili ko at nilapitan na lang si Damon. Marahan kong hinawakan ang magkabilang panga niya gamit ang isang kamay at ibinaling sa 'kin ang mukha niya.


"We need to heal this," pagmamalasakit ko.


"We can't use magic. Matutunton tayo ng mga kawal," paalala ni Savanna. "Lalabas muna ako upang magmanman. Sa ginawa ninyo kagabi, tiyak na maghihinala si Haring Sean. Kung mamalasin, baka ipakalat pa niya ang larawan ninyong dalawa. Kailangan nating umalis dito sa lalong madaling panahon."


Ipinaalam na namin sa kanila ang nangyari. Shin managed to find the castle's blueprint and he also stole some spell books. He was still sleeping soundly with Kendrick right now. Umaga ng nakabalik si Kendrick dahil sa pagmamanman sa black magic circle sa hilagang bahagi ng Sumeria. Ayen is out to spy at the castle. Nagbabaka sakaling may makuhang impormasyon tungkol sa sunod na hakbang ng hari.


"I think we have a medicine kit," sabi ko. Agad akong tumayo at kinuha ang medicine kit sa mga gamit na nakatambak sa gilid ng silid. "Saan tayo maaaring tumuloy kung sakaling kumalat ang larawan namin? Sa tingin mo, papayag na si Roj na tulungan tayo?" Nag-aalangang tiningnan ko si Savanna habang hawak sa isang kamay ang medicine kit.


"Siguro. May pag-asang pumayag siya kapag nalaman niya ang ginawa ninyo. Maaaring maniwala na siya. Hindi ako siguro. Minsan matigas ang ulo niya. Hindi siya madaling magtiwala, Avery," kibit-balikat na sabi ni Savanna.


Bumaling ang tingin niya kina Zirrius at Damon. She pointed her fingers at the two of them as if she's scolding children. "Kayong dalawa. Kung ano man ang pinag-aawayan ninyo, ayusin niyo na. Mabuti sana kung dalawa ang puso ni Avery. Hindi na siya mahihirapan sa pagpili sa inyo. Naku. Kung kailan nasa gitna kayo ng labanan, saka naman kayo lumalandi," diretsong sabi niya. Namula ang mukha ko dahil sa kaprangkahan niya. "Nakamamatay ang pag-ibig na 'yan lalo ang pagseselos na wala sa lugar," paalala pa niya bago tuluyang lumabas ng silid.


Nang ipinid ni Savanna nang tuluyan ang pinto, kaming tatlo ay hindi makatingin sa isa't isa. A long awkward silence struck us before I managed to walk towards Damon. Marahang dinampian ko ng gamot ang labi niya gamit ang bulak na hawak ko.


"You need to apologize, Zirrius, for being impulsive," naiiling na sabi ko. When I looked at him, he's frowning. He furrowed his eyebrows at me. He's so transparent that I can see how jealous he is now. I cleared my throat because it felt like my heart was stuck in it.


"I don't think I need to apologize. Do I have to apologize for what I feel?" tanong niya na dahilan upang makagat ko ang labi ko. Bakit ba nakakailang masyado ang usapang ito? Napailing siya at bumuntong-hininga. Ipinagpatuloy ko na lang ang paggamot sa sugat ni Damon. "Huwag mo ng gamutin si Damon baka mas lalo ko lang basagin ang mukha niya."

HeartboundWhere stories live. Discover now