Heart 25: Back Home

30.8K 1.5K 775
                                    

"There may be things we can't control..."


AVERY

Lianna is back and she's the last person I want to see now. Bakit ngayon pa? I'm in my elf form. My territorial instinct was too much in this state. Unti-unting umuusbong ang selos. Hindi ko mapigilan. I want to snarl at her for asking who I am. What is that for? Gusto ba niyang malaman kung may nagbago na sa nararamdaman ni Zirrius para sa kanya?

Bumaling ang paningin ko kay Zirrius. Nakatitig din siya sa 'kin. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Bumuka ang labi niya pero walang namutawing salita mula roon. Mariin niyang itinikom ang bibig at umiwas ng tingin. I hold my breath. Waiting and waiting. But waiting for what? I know he'll say something I don't want to hear. I want to leave but I'm still hoping and this time, I hate my heart for hoping. She's back. She's standing here. Muli bang bumalik ang nararamdaman ni Zirrius para sa kanya?

I want to leave but my feet won't let me. I can't move. Tila may malaking batong nakadagan sa puso ko. I can't breathe.

"She's my... ma-- No. She's a friend." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya pero hindi na niya ako sinulyapan. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Umaliwalas naman ang mukha ni Lianna, na tila nawalan ng pangamba. Matamis pa ang ngiting gumuhit sa labi niya. Ang sarap sabunutan ng kulot niyang buhok!

"Kapag natapos ka na sa pagbili ng gamit, puntahan mo na lang kami," mariing wika ko. Mahahalata ang pagkainis sa tono ng pananalita ko. Nagmamadali ang mga hakbang na tinalikuran ko sila.

"She's a special one," dagdag ni Zirrius na hindi nakaligtas sa matalas kong pandinig. What is he up to? Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya ng special? Siguro dahil mate kami kaya special ang pagiging friend ko? I don't think I should interpret it in a positive light. He's just messing around.

Naglalakad na ako sa loob ng kagubatan at hindi ko na rin naririnig ang pinag-uusapan nila. Pero parang gusto kong kumuha ng bato para batuhin sila mula sa kinaroroonan ko. If I look back, I will still see them. Naiinis na tumigil ako sa harap ng isang puno at mahinang iuntog ang ulo ko roon nang paulit-ulit. Hindi ako mapakali. Bakit kasi masyado akong territorial? Hindi pa naman tinatanggap ni Zirrius ang bond namin.

I clutch my chest. Nahihirapan akong huminga. Bakit kailangang ngayon pa pumasok ang drama? We're in the middle of a war. Bakit biglang sumulpot si Lianna? Hindi ko maiwasan ang pagdududa. Bakit nawala ang marka sa leeg niya? Nagkamali ba ako noon? Mali ba ang nakita ko? Sumasakit na ang ulo ko dahil sa pag-iisip at dahil na rin sa paulit-ulit na pag-untog ng noo ko sa puno.

Natigilan ako nang tumama ang noo ko sa malambot na bagay. Nang tingnan ko ito, nakita ko ang kamay ni Zirrius na nakaharang doon. "Kawawa ang puno, kaibigan," nakangising sambit niya. Inirapan ko siya. Napansin ko na hawak na niya sa isang kamay ang mga pinamili niya.

"Kaibigan mo'ng mukha mo!" Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tumakbo si Zirrius upang habulin ako at agad na hinawakan ang pulsuhan ko. "Wait. Hindi kita masabayan. You're walking too fast, elf. I'm just a mere human." Napansin ko ang pang-aasar sa tono niya.

"Problema ko 'yan? Edi bumalik ka sa totoong anyo mo para makasabay ka!"

Nakagat niya ang labi niya na tila pinipigilan ang pagngiti. "Hindi pwede eh. Baka hindi ko na mapigilan," makahulugang sabi niya. Binitawan na niya ako at naglakad na. Naguguluhang sinundan ko siya ng tingin. Ano raw?

"Teka! Nasaan na si Lianna?" Ilang hakbang lang ay kasabay na niya ako sa paglalakad.

"Hinahanap si Leo. Nang malaman niyang babalik ako sa Alveria, gusto na rin niyang bumalik. Gusto niyang sumama sa 'tin," sabi niya.

HeartboundOù les histoires vivent. Découvrez maintenant