Heart 21: Promise

27.6K 1.3K 157
                                    

"Don't let the darkness spread too far..."


AVERY


It was already dawn when we decided to meet Roj. Tahimik ang bawat kalyeng dinaanan namin, umiiwas sa mga kawal na nag-iikot sa lugar, bago kami pumasok sa isang abandonadong bahay. Sa sahig, inalis ni Savanna ang tabla na nakatakip sa isang madilim at lumang hagdan. Habang naglalakad, naririnig ko ang langitngit ng bawat hakbang namin. Dinala kami ni Savanna sa isang underground headquarters.


Nang makababa kami, bumungad sa 'min ang malamlam na ilaw ng lampara. Malawak ang silid pero walang kagamitan na makikita kundi ang isang malapad na mesa sa gitna kung saan nakapatong ang iindap-indap na lampara. Maraming tao sa silid at ang tanging kilala ko lang ay si Roj. Some faces are familiar though. Siguro nakakasalubong ko na sila sa daan. More than twenty people are staring at us.


Napakunot-noo sila nang mapansin si Shin na nasa tabi ko. I swear I saw how they wince. Napasimangot na lang si Shin dahil sa reaksiyon ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ayaw na ayaw niyang tinatrato siyang parang bata. Savanna approached and talked to Roj. Kailangan din namin ng lugar na maaaring pagtaguan at mga taong tutulong upang maging matagumpay ang plano namin.


"We need to move now Roj," sabi ni Savanna. "Dinala ko na sila rito para mas maipaliwanag sa inyo ang nangyayari. Wala ng oras para magdalawang-isip pa."


Halata ang pagmamadali sa tinig niya dahil naipaliwanag na namin sa kanya ang maaaring mangyari.


"Sigurado ka ba rito Roj? Mga wanted sila Roj. Hindi sila tagarito. Pati bata dinadamay pa nila sa gulo," mariing sabi ng isang lalaki na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. "Hindi kaya sumabit tayo rito?"


Napakamot sa ulo si Roj. "Clent, can we hear their sides first? I heard they saved the nobles at the party. Tinulungan nila ang kababayan natin. Hayaan na nating silang magpaliwanag kung ano talaga ang nangyayari. And the child is not a human. He's an elf. They are elves," paliwanag ni Roj.


clent hissed and looked at us. Nagkibit-balikat na lang siya at piniling tumahimik.


"Elves? Ano bang sinasabi mo? Ang layo ng itsura nila sa isang elf. At bakit naman sila pupunta rito?" nagdududang tanong ng isa pa.


"Pwede bang magsimula na tayo? Marami pa kaming ipapaliwanag sa inyo. Marami pa tayong pag-uusapan na mas mahalaga kaysa rito," inip na sabi ni Shin na ikinatahimik ng lahat. "If you really want to confirm if we're real elves, I'll show you."


Napahimas ako sa batok ko. He's being impatient. Hindi ko naman siya masisisi. Dala namin ang mapa at malapit na ring matapos ang magic circle na binubuo ni Seth. Wala na kaming oras.


Hindi na hinintay ni Shin ang sasabihin nila. Shin transformed back to his elf form. Napasinghap at napanganga ang mga taong nakapaligid sa 'min. Hindi sila makapagsalita at nagkatinginan na lang. Naglakad ako patungo sa mesa at inilatag doon ang mapa.


Hindi agad sila lumapit sa 'kin dahil sa takot at pag-aalangan. Hindi sila sigurado sa dapat gawin. Si Roj at Savanna lang ang malapit sa 'kin pero ipinaliwanag ko na agad sa kanila ang lahat.

HeartboundWhere stories live. Discover now