Heart 23: A

24K 1.2K 229
                                    

"And cast off evil behind..."


AVERY


Sa isang kisap-mata, tuluyang naglaho ang mga mata ng demon fox sa paligid. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahil maging si Zirrius ay naglaho sa paningin ko. Ang itim at makapal na hamog na dulot ng demon fox ang dahilan ng lahat ng ito. Tanging kadiliman lang ang lumulukob sa paningin ko. Sinubukan kong abutin ang kamay ni Zirrius mula sa kinaroroonan niya kanina pero wala na siya sa likod ko. Ang tanging gumagana lang sa oras na ito ay ang aking pandinig.


Isang malakas na pagsabog ang narinig ko sa 'di kalayuan na nagpaigtad sa 'kin. Agad akong lumingon sa kinaroroonan ng isang mahinang daing. Dahil nasa anyong tao ako, mas mahirap paganahin ang pandinig ko. My senses are a little dull. Kahit gamitin man ni Zirrius ang kanyang Devil Fire, hindi ko pa rin siya makikita sa makapal na hamog na ito. I doubted if that fire could even lighten this place up. And I felt like this fog was keeping us from seeing everything as if it was concealing some unknown truth.


Bago ko pa magamit ang Angel Fire upang paliwanagin ang paligid, isang malakas na puwersa na ang tumama sa kalamnan ko. Gumapang ang matinding sakit sa kalamnan patungo sa buo kong katawan. It was electrifying and excruciating. I couldn't tell what actually hit me. I almost spat blood. I was sent flying. My back hit the hard wall that made me gasp. I was lightheaded when I fell on the cold floor. I shivered in pain.


What the fuck was that?


My vision was a little blurry. Stars circled my head. I couldn't focus on this darkness. Namamanhid ang sikmura at ang mga pandama ko. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko habang mariing kagat ang labi ko na halos dumugo na.


"Avery?" nahihirapang tawag ng isang tinig. I could tell that Zirrius was also in pain. Gusto kong sagutin ang pagtawag niya pero napaubo lang ako ng dugo.


"And another thing, if you plan to invade this castle, I have no choice but to fight even if I hate to do it. Kung hindi lang kayo ang nagtatangkang magpabagsak sa lugar na 'to, mapipilitan akong lumabas dito at harapin sila," seryosong wika ng isang malalim na tinig. His voice echoed across the walls. So this one will really become a problem. Kailangan talaga namin siyang kalabanin.


I gritted my teeth. I must stand up so I pushed myself to do so. I must find him as soon as possible and stop him from his attacks. If only I was in my elf form, I would be able to find him quickly. Kung hindi namin siya matatalo, isa siya sa mga hahadlang sa mga plano namin bukas. Muli akong nakarinig ng malakas na pagsabog sa kanang bahagi ng tunnel.


"I could feel movements outside this castle. I could feel your intentions," seryosong dagdag pa ng demon fox. "I know you'll attack the King tomorrow."


Nakahawak ang kanang kamay ko sa pader at nagawa ko na ring tumayo. "Kung alam mo ang binabalak namin, bakit hindi mo pa sinasabi sa Hari?" malakas kong tanong. I was hoping that Zirrius would find me through this. I hated the feeling that the demon fox was watching us like we were some lost rats, ready to be his prey. Tila pinaglalaruan niya lang kami.


"Hindi ko kailangang makipag-usap sa kanya. My binding to protect this place. Not just this passage but the whole castle," mariing sabi niya. He hated protecting this place. I could tell through his irritated tone.

HeartboundWhere stories live. Discover now