Heart 8: Blinded

27.6K 1.4K 134
                                    

"I easily get jealous..."


AVERY


The colors are still lingering in my sight. It won't disappear. It won't leave me. Pakiramdam ko umiikot ang aking paningin sa bawat paggalaw ko. Dahan-dahan akong umupo. I fixed my gaze on them. I think my eyes are burning. The headache was penetrating, reaching the back of my head.


Tanging ang ihip lang ng hangin at ang ingay ng siga ng apoy ang naririnig ko.


Yumuko ako. Napasinghap ako nang mapansin na nababalot din ng puting liwanag ang katawan ko. Nakikita ko rin ang kulay itim at pulang kulay na humahalo rito. Hindi ko ito agad napagtuunan ng pansin kanina. Tama nga si Ina. Hindi na purong puti ang kulay na nagmumula sa 'kin.


Mabigat akong bumuntong-hininga dahil pati ang liwanag na nagmumula sa 'kin ay gusto rin akong bulagin. Mariin akong napangiwi at napapikit. Wala sa sariling minasahe ko ang ulo ko.


"Need help?" tanong ng isang malalim na tinig.


I could sense that it was Damon's voice. Hindi ko na tinangkang imulat ang aking mga mata.


"Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya pero naramdaman ko rin ang paglapit niya. Kapag nagmulat ako, tiyak na masisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa kanya.


Naramdaman kong umupo siya sa likod ko. Minasahe niya ang ulo ko. I could feel the heat coming from his body. I'm not sure if it is just body heat or his light's heat. Now I'm already aware of everything around me.


Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa dahil sa ginagawa niya. He's good at it. Naiibsan ang sakit dahil sa magagaang kamay na humihilot sa ulo ko. His presence was relaxing.


"My mother awakened my gift," panimula ko.


"Empress Demelza?" puno ng pagtatakang tanong niya. Marahan akong tumango.


"Paano? Did you open the gates?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Kaya ba umalis kayo ni Zirrius? Alam mong delikado! Hindi ka ba niya pinigilan?"


Napansin ko ang pagkainis sa tinig niya. Parang gusto niyang kumprontahin si Zirrius dahil hinayaan ako nitong buksan ang otherworld gates.


Tipid akong ngumiti. "We survived. You don't have to worry. It's over now. Hindi ko na uulitin 'yon. Gusto ko lang malaman kung paano mahahanap si Seth. I want to trace his magic."


Mabigat na bumuntong-hininga si Damon na tila wala na siyang magagawa kundi ang palagpasin ang nangyari. "What gift?" he asked instead.


"She gave me the sight to see everyone's magic. Its colors. Sa ngayon, nakikita ko ang kulay ng mahika na nagmumula sa inyo at sa sarili ko. Kahit ang mga liwanag na nagmumula sa bituin. The colors make my eyes hurt. They almost blind me," paliwanag ko sa kanya. "Sinabi ni Ina na maaari ko itong kontrolin pero hindi ko alam kung paano. She told me to see the person beyond the light. I don't think I can do that."

HeartboundWhere stories live. Discover now