Ang bungangera ni Jezel. Isa lang naman ang tinanong ko sa kanya pero ang dami na nyang sinabi. Para talagang machine gun ang bibig nya.

Tumayo ako. Balak na sanang sundan si Lionel. Ayoko kasi talagang isipin nya na kinakampihan ko si Jezel. Gusto ko rin namang damayan sya.

Pero pinigilan ni Jezel ang braso ko. Nang tinignan ko sya ay nakakunot ang noo nya sa akin.

"Saan ka pupunta?"

Bumuntong hininga ako. "Susundan ko si Lionel."

"Huwag mong sundan, Fatima! Mas lalong aasa yung tao! Hindi mo naman sya gusto, diba?"

Tumango ako. "Pero baka akalain nyang may kinakampihan ako sa inyong dalawa."

Hinigit nya pababa ang braso ko kaya pabagsak akong napaupo sa upuan ko. Bwisit! Ang sakit sa pwet! Burahin ko mga selfie nya sa cellphone ko, eh!

"Alam na ni Lionel 'yun! Alam nyang wala kang kinakampihan sa aming dalawa. Matagal ka na nyang gusto kaya alam na nya ang ugali mo!" naiinis na sabi sa akin ni Jezel. Sya pa nainis eh nasaktan nga yung pang upo ko! Pwede naman kasing hindi nya ako hilahin paupo! "Hindi mo naman gusto si Lionel, diba?"

"Oo nga!" inis na sabi ko habang hinihimas ang baba ng likod ko. Sakit talaga, eh.

"Alam ko naman. Hindi ka naman magkakaganyan kay Lumpia Lover kung gusto mo si Lionel."

Napasinghap ako tumingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa kanya!

"Binasa mo mga messages ko?" maiiyak kong tanong sa kanya. Siguro noong hiniram nya ang cellphone ko at hindi ako nakatingin ay binasa nya ang mga nasa inbox ko!

Naiiyak ako! Private 'yun, eh!

"Hindi ko sinasadya, okay?" depensa ni Jezel. "Mali 'yung icon na napindot ko kaya napunta ako sa inbox mo. Nakita ko na may Lumpia Lover kang ka-text. Naisip kong si Sir Creed na agad iyon dahil ginawan mo sya ng lumpiang shanghai noon."

Medyo kumalma naman ako sa sinabi nya. Ibig sabihin ay yung pangalan lang ni Sir Creed sa cellphone ko ang nakita nya at hindi yung mga palitan namin ng mga text messages.

"Huwag mo nang paasahin si Lionel kung may nararamdaman ka na kay Sir Creed."

Nangunot ang noo ko. "Hindi naman sya nanliligaw! At kayo lang naman ang nagsasabing may gusto sya sa akin!"

"Aamin din 'yan. Bago mag-graduation." siguradong sigurado nyang sabi.

"Eh, kayo? Kailan mo sya papansinin?" balik ko sa usapan namin kanina. Ang daldal nya masyado, eh! Kung saan-saan tuloy napunta ang usapan.

Pero hindi inirapan nya ako at hindi na sinagot ang tanong ko.

Nang maggabi ay tuwang tuwa ako nang isinuot ko ang hoodie ni Sir Creed bilang pangtulog. Mahaba ang hoodie nya para sa akin at natatakpan ang suot kong shorts sa ilalim. Mukha tuloy akong walang suot na kahit ano sa pangbaba.

Nakahiga na ako pero wala pang planong matulog. Abang na abang ako sa tawag ni Sir Creed. Ang sabi nya ay gabi-gabi daw sya tatawag. At nakakainis dahil sobrang excited ako ngayon habang naghihintay!

Sasabihin ko sa kanyang suot ko ang hoodie nya!

Halos mahilo ako sa bilis nang pagbangon ko dahil tumunog ang cellphone ko! Nalaglag pa nga iyon sa sahig! Nataranta ako at mabilis iyong pinulot at tinawanan ang sarili sa sobrang katangahan.

Kalma lang, Maria! Si Sir Creed lang yan!

Pero hindi nila-"lang" ang isang Sir Creed Cervantes! Gwapong buang sya na mahilig sa lumpiang shanghai!

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now