DENOUEMENT

2.6K 134 28
                                    

Gising si Edan pero nagkunwaring tulog habang maingat na kumawala mula sa kanyang pagkakayakap si Mikaell. Dinampian nito ng halik ang kanyang mga labi. Kasunod niyon ay naririnig niya ang mga mumunting kaluskos na nilikha nito sa loob ng kwarto nila.

Pagkalabas ng asawa'y bumangon na rin siya. Sinipat ang oras sa kanyang cellphone. Only four o'clock in the morning. Bakit ang agang gumising ng babaeng iyon at saan iyon pupunta?

Hindi kaya nagloloko na naman si Kaien?

Bumaba siya ng kama at nagbihis. Pumunta siya sa kuna para silipin ang anak pero agad ding nahinto nang maalalang nandoon sa kanyang ina ang sanggol. Baka ang anak nila ang pupuntahan ni Mikaell.

Lumabas pa rin siya ng silid. Hindi na rin naman siya makakatulog muli. Gising na ang karamihan sa mga kasambahay at abala sa mga gawain. Habang patungo ng pantry ay natanaw niya si Javier sa labas. Naglalakad patungo sa direksiyon ng chapel.

"Good morning, sir." Sabay na bati ng mga katulong na nasa kusina at naghahanda ng agahan.

"Good morning," ganti niya. Tinungo niya ang coffee machine at gumawa ng brewed. Nagsalin sa dalawang mug.

He went out and followed Javier bringing the brewed coffee. Huminto siya sa may pintuan ng chapel at saglit na pinagmasdan ang bunsong kapatid na nakatayo sa harap ng puntod ng kanilang ama. May bitbit itong isang tangkay ng puting Chrysanthemum at nilapag nito sa puntod.

Hindi pa rin nila naitulak sa korte ang demanda laban sa mga Sepulbidda. He doubted if pressing charges against that family will do them any good especially that Javier can't seemed to stay away from the middle. Baka lalong lumayo ang loob ng binata sa kanila kapag ginipit nila sa kaso ang kinilala nitong mga magulang.

Pumasok siya. Napansin siya nito at lumingon.

"Coffee?" He raised the mugs.

Tumango ito. "Morning," bati nitong ngumiti ng bahagya.

"Here," iniabot niya rito ang mug. "Tumakbo ka?" Naka-sweater ito, jogging pants at running shoes. All in black.

"I tried hitting the trail nearby with Kaien." Humigop ito ng kape. "Madalas ka rin daw doon. Bakit hindi ka sumama kanina?"

He shrugged. "I had a very satisfying push-up combo with my wife." Kinindatan niya ito. "It's more effective than running." Muntik ng matapon ang kape niya nang sanggain ang sapak ng kapatid. Humalakhak siya habang ito naman ay nabubugnot na umalis.

"Huwag mong iharang sa akin iyang pangit mong mukha! Baka buhusan ko iyan nitong kape." Babala nito nang makahabol siya sa labas ng chapel.

"Can't still handle a green joke." He teased.

Umingos ito at iritadong umiwas ng tingin. Natatawang inakbayan niya ito. Hindi naman ito pumalag. They stopped walking and Javier looked around.

"This is the place where I am suppose to grow up with Yzrael, Kaien and you. I can imagine us running around the house and mom would shout out because of the noise we're making."

"It's not too late. We're grown ups but that doesn't mean we can't play anymore like kids." Tinapik niya ang balikat nito.

Umiling ito at malungkot na nilingon ang chapel. "I wish I had seen him back when he's still alive. Our dad. He's a great man. Vierra told me a lot about him and his contribution to the armed-forces. Magkakilala pala sila noon. She even had a crush on him before she met Jacinto. " Bakas sa tono nito ang panghihinayang.

"About not having seen dad, tingnan mo lang ako. Maraming nagsasabing kamukha ko siya."

"How's that possible? Sabi ni mama sa akin hindi naman daw pangit si daddy." Pambubuska nito at ngumisi.

BGT 01: HIS X AND Y ✅जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें