Chapter 1 - Ikaapat na yugto

1.3K 76 12
                                    

It was a long and exhausting night. Fatigue kicked in pulling Mikaell to a tight sleep after her clear confession. Kinabukasan ay ginising siya ng pagkalam ng kanyang sikmura at ng maliliit na mga daliring kumikiliti sa kanyang balat. Napadilat siya. Sinipat ang kanyang tabi.

Jehu? Her son Jehu is beside her! Bumalikwas siya ng bangon at hindi makapaniwalang sinikop ang sanggol sa kanyang mga bisig. Buong pananabik na hinagkan niya ito. God, thank you! Nag-ulap sa saya ang mga mata niya.

Edan kept his promise. He brought their son to her side in just the breath of an hour. How he managed to do all these super-surprises is a wonder. Lumambot ang puso niya habang iniisip ang asawa. Nadagdagan na naman ang patong-patong niyang paghanga sa lalaki.

Binuksan niya ang unang apat na butones ng malaking pajama shirt ni Edan na suot niya at sinubukang padedehen sa kanyang dibdib ang anak pero pinaglaruan lang nito ang nipple niya. Busog yata. Baka pinadede ito ni Edan ng formula habang tulog pa siya. Sinulyapan niya ang digital clock sa bedside table at natilihan nang makitang mag-aalas-diyes na ng umaga.

"Baka nagugutom ka na. May pagkain doon sa kitchen. Nagluto si Edan bago umalis."

Alerto siyang napatingin sa may pinto kungsaan nagmula ang boses. It was Xiellou.

She smiled her. "Umalis si Edan? Alam mo ba kung saan pupunta?" Tanong niya inayos sa pagkakakarga ang bata at bumaba ng kama.

"May emergency yata doon sa kliyente niya. Pinatatawag siya. Babalik din daw siya agad."

Tumango siya. Mukha siyang may malaking salamin sa harapan habang pinagmamasdan ang sariling mukha na hiniram ni Xiellou. Mas matangkad ito sa kanya ng kunti at manipis din ang katawan. She's a little tanned compare to her though. Pero hindi iyon gaanong mapapansin. Nakakapagpasalamat na ba siya sa lahat ng ginawa at isinakripisyo ng babaeng ito para sa kanya? Parang hindi pa yata.

"Akin na muna si baby para makapag-agahan ka." Hiningi nito ang bata.

Ngumiti siya at agad nilipat si Jehu sa mga bisig nito. "Diyan ka muna kay auntie ha? Kakain lang si mama para may pagkain ka rin mamaya." Pabiro niyang sabi sa anak na ngumiti ng malaki.

Sumaglit siya ng banyo at naghilamos. Nadatnan niyang nilalaro ni Xiellou ang sanggol sa sala. Tumingin sa kanya ang babae at ngumiti. She smiled back sweetly. Tumuloy siya sa kusina at sinilip ang mga pagkaing nakahain sa pabilog na hapag.

Fried rice at pancake. Boiled eggs, sunny-side up at omellete. Bacons. Jumbo hotdogs. Corn chicken. Sweet tuna chips at tortang bangus. Edan cooked all these? She could just smile softly. Hindi yata natulog ang lalaking iyon.

Pumasok sa kitchen si Xiellou habang kumakain siya. "Si Edan, gusto kang kausapin." Ibinigay nito sa kanya ang bitbit na cellphone.

Nilunok muna niya ang pagkain at uminom ng tubig. "Hello?" Hinabol niya ng tanaw si Xiellou na papalabas ng kusina.

"How's my baby's morning there?" There's gentleness and a tickling warm in his deep and raspy voice.

"Jehu's fine. He's playing with Xiellou." Pigil-pigil niya ang ngiti. She knew he's referring to her and not literally to their son.

"Hmn, yeah. How about my big baby?" Nakalusot ito. She can imagine him grinning.

"I'm having my breakfast. Ikaw, kumain ka na ba? Para kasing walang nabawas dito sa mga niluto mo." Dumampot siya ng bacon at nginatngat.

"I've had my coffee before I went off earlier."

"Coffee lang?"

"Well, Hector bought snacks for me. I'll take it down later. I'll be home before lunch. Let's eat together, hm?" He notified.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Kde žijí příběhy. Začni objevovat