Chapter 1 - Huling yugto

1.2K 69 5
                                    

Ibinaba ni Edan ang cellphone matapos basahin ang text message ng asawa. She is updating him about her new schedule. Later at seven o'clock is her call off time. Mabuti na lamang at nabasa niya agad ang mensahe, papunta na sana siya roon para sunduin ito.

Naupo siya sa swivel chair at pinagtuunan ng pansin ang tambak na mga dokumentong kailangang pirmahan sa kanyang desk. Hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin nang bumukas ang pinto matapos ang mahihinang katok mula sa labas. Hector's large frame from the doorway overran his peripheral vision.

"Someone here wants to see you." Anunsiyo nitong kabado ang tono.

Doon lang nito lubusang naagaw ang buo niyang atensiyon. "Bring him in." He signaled.

"Her," itinabi nito ang sarili at tumambad sa kanya si Thaxia mula sa likuran nito.

Kaya naman pala nataranta ang kaibigan. Thaxia is Hector's dream girl. Pero sa sobrang torpe ng lalaki ay lagi itong nauungusan ng mga manlilligaw ng dalaga.

"Hi," nakangiting bati ng maganda niyang bisita.

"Xia," tumayo siya at lumabas sa likod ng desk. Sinalubong si Thaxia. "What's up?" He gave her a swift hug while Hector is tossing dead blades on him.

"I'm fine." Maiksing sagot ng dalaga.

Ngumisi siya. Gusto pa sana niyang inisin ang kaibigan na nagmukha ng nagmamaktol na dragon at kulang na lang ay bugahan siya ng apoy. Pero mukhang mahalagang bagay ang ipinunta ni Thaxia rito. Kaya binitawan niya agad ang babae at inakay patungo sa couch.

May kutob na siya sa dahilan ng biglaan nitong pagdating. Tinimbre sa kanya ni Yzrael ang nangyari doon sa China nitong mga nagdaang araw. Nalaman raw ng kanilang ina na nasa pangangalaga ni Yzrael si Yzharra at inutos nitong isuko ang babae sa embassy. He is certain Javier is behind all this sudden turns.

"May problema ba doon?" Usisa ni Hector pagkalapat ng puwit nito sa sofa.

Tumingin rito si Thaxia. "Hindi nila alam na nandito ako. Tumakas lang ako para bigyan ng babala si Edan." Mula sa kaibigan ay nag-alalang bumaling sa kanya ang dalaga. "Hindi pa ba nakarating sa iyo ang memo? Inutos ni Madam na alisin ka sa posisyon mo rito sa school. Pinababalik ka na niya ng China. Si Kameron daw muna ang mamamahala rito."

"Ako?" Gulantang na itinuro ni Hector ang sarili.

Napailing siya. "Wala bang sinabi si Yzrael?"

"Masama ang loob ni Madam sa kanya. Ilang araw na siyang hindi kinikibo. Narinig ko rin na uuwi si Kaien."

Nagtagis siya ng bagang at yumukyok sa pagkakaupo. Itinuon ang mga siko sa kanyang tuhod.

"Uuwi ka ba, Dan?"

Hindi siya sumagot. Ang presensya ni Thaxia ay indikasyon ng mas matindi pang unos na darating. Kapag nawala sa kanya ang LSA at ang mga mabibigat niyang kliyente sa mga kasong hinahawakan, makakaya ba niyang buhayin ng masagana ang kanyang pamilya? Ayaw niyang magiging impeyerno ang paraisong ipinangako niya sa kanyang asawa.

He is working very hard. Kahit noong hindi pa nagbalik sa buhay niya si Yve, ang isipan niya ay laging naghahabol sa mga plano na gusto niyang gawin. Tila ba alam ng buong sistema niya na may kailangan siyang paghandaan pagdating ng araw. Ngunit hindi siya sigurado kung sapat na ang mga ginawa niya.

Even if Yzrael is on his side, a clash between him, Kaien and his mother will not gonna be easy. His mother has always the final say in everything within the Lextallionez main family. He wouldn't want to go against her if under normal circumstances. He loves his mother so much. But right now, he has a wife and a son to protect. Keeping them safe in his side is his priority.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon