Chapter 3 - Ikatlong yugto

1.3K 97 14
                                    

Binilugan ni Mikaell ang petsa sa table calendar. Today, she's going to meet Edan Lextallionez again. Kahapon niya natanggap ang notice. Pinag-report muna siya sa LSA bago ang formal endorsement niya bilang isa sa mga close-in body ni Lei Rynn Hyatt.

Binigyan na siya ng background ni Javier tungkol sa boss nila at sa sistema ng pagbibigay nila ng proteksiyon sa lalaki. Na-interview na rin siya ni Atty. Samuel Limchua via video conference at mukhang wala namang aberya.

Pero kailangan raw niya ipagpatuloy ang kanyang training. Isa iyon sa mga requirements na kailangan niya i-comply. Noong isang araw ay pinapipili siya ni Javier sa menu program, kung alin ang uunahin niya at kung sino ang magiging instructor niya. Javier was one. She knew he'll expect her to choose him first over Marco, Wayne and Hector.

Sumaglit siya sa harap ng salamin at sinipat ang sarili. She's not wearing any disguise anymore. Mahaba na ang buhok niyang nakabagsak hangggang sa kanyang baywang at wala siyang balak putulin iyon. She put on light make-up just in case, to shield herself from the rush of emotions later. Skintight jeans and crop top. Black leather jacket and an ash gray boots. She's ready to go.

She breathe deep for an oxygen and blew it back heavily. Naroon pa rin ang nagkukumahog na tibok ng kanyang puso. Ayaw pasupil kaya hindi na lamang niya pinapansin. Tiwala siyang handa na ang kanyang sistema na muling harapin si Edan. Without her mask on this time.

Everything was back on tract, after she agreed to Javier's marriage proposal. It was a mutual agreement, basically. Pumayag siya sa kasal at pumayag din si Javier na magpakita siyang muli kay Edan. Hindi bago ang landas na tatahakin niya kahit naiibang dulo ang naghihintay sa kanya.

Lahat ng update tungkol sa kanyang ina ay binigay na rin ni Javier sa kanya. Natutuwa siyang malaman na maayos naman ang kalagayan ni Evangelyn sa China bagamat bihag ito ng mga Lextallionez.

Tumingin siya sa pinto nang dumungaw doon si Javier at hinagod siya ng malagkit na titig. Hindi nito sinaway ang lambong ng paghanga at pagnanasa na nagtagal sa mga mata nito.

"Umalis na tayo, baka abutan tayo ng traffic sa Talisay." Sabi nito matapos pumasada ang dila sa labi.

Tumango siya. Kinuha ang kanyang bag sa kama at lumabas. Agad dinakma ng binata ang pulso niya na para bang tatakbo siya palayo. Dumaan muna sila ng nursery room para magpaalam kay Viera at sa sanggol na nalilibang sa tumutunog na mga laruan sa crib.

"We're going, Ma."

"Mag-iingat kayo." Tumingin sa kanya si Viera at ngumiti.

"Salamat po."

Hinagkan siya ng ginang sa pisngi gayundin si Javier. Gumanti ng halik ang binata sa sentido ng ina at bumaling ito sa kuna. Dumukwang at dinampian ng halik sa noo ang sanggol.

Piniga ang puso niya habang nakamasid. Everytime, he do that, a shade of vision flashed through her vain thoughts. Edan Lextallionez, holding their son, smiling. Isang tanawin na imposibleng magkakatotoo pagkat pwede man ay tatanggihan niya at hindi kailanman hihilingin sa langit.

Alam niyang suwail ang puso at ayaw makinig. Kung anong itinitibok ay iyon ang masusunod pero patutunayan niyang hindi siya alipin ng kanyang puso. Hindi siya bibigay sa sigaw niyon kahit tadtarin pa siya ng sakit. Hindi siya bibigay hanggang sa tuluyan iyong sumuko at makalimot.

Hinagkan niya ang anak sa labi na ngumiti sa kanya ng malaki saka nagpatangay kay Javier palabas ng kwarto. Sa sala ay nadaanan nila si Aling Meding na nag-aayos at naglilinis. Kahapon lang ito dumating kasama ang tatlo pang katulong at ang yaya ni Jehu. Si Anne. Kaya nakampante ang loob niya na umalis ngayon. Kahit papaano ay may aalalay kay Viera sa pag-aalaga sa bata.

BGT 01: HIS X AND Y ✅حيث تعيش القصص. اكتشف الآن