Chapter 2 - Huling yugto

1.1K 70 7
                                    

Muling tinupi ni Mikaell ang sulat at nilapag sa ibabaw ng sidetable. Ilang beses na ba niyang nabasa ang sulat na iyon? Dati binabasa niya para palakasin ang kanyang loob. Binabasa niya para panatilihin ang galit sa kanyang puso. Pero ngayon, muli niyang sinilip iyon upang maghanap ng panibagong rason dahil ang mga salitang nandoon ay tila nawawalan na ng kwenta para sa kanya sa paglipas ng panahon.

Laman ng sulat ang lihim ng kanyang pagkatao. Na kapatid siya ng kinagisnan niyang ina. Her parents were killed by Edan's father. Ngunit napatay rin ni Evangelyn ang ama ni Edan. Laman din ng sulat ang dahilan sa mahabang panahon nilang pagtakas at pagtago mula sa bagsik ng poot at galit ng angkan ng mga Lextallionez. Ang nagtulak kaya hinangad niyang pumasok ng LSA kasi akala niya iyon lang ang layunin niya para mabuhay.

She had this stupid belief that destroying the Lextallionez was the only reason why she existed. But Edan gave him a different purpose. A picture entirely different and free from hatred and pain. Isang mundo kungsaan sa kabila ng mga kakulangan sa paligid ay nangingibabaw ang kagandahan at kabutihan. Edan showed her the goodness inside the human heart even veiled with evil and frustrations.

Lumabas siya ng terrace at pinukol ng tanaw ang magagandang tanawin sa ibaba na matagal ding pinaghandaan ng kanyang asawa para maibigay at maipakita sa kanya. Ano pa bang hahanapin niya?

She wouldn't want to accumulate anymore pain and hate. Tatayo siya sa tabi ng kanyang asawa at ipapakita sa pamilya nito at sa kanyang ina na mayroong kinabukasan maliban sa pagkamuhi at paghihiganti. May kinabukasang magpapahilom ng sugat at malaya silang piliin iyon.

Mula sa ibaba ay narinig niya ang malakas na tunog na likha ng palakol. Lumipat siya sa kabilang dulo at dumungaw. Oh, there he is. Her ever handsome and worth drooling husband.

Napangiti siya. Kinagat ang labi at nangalumbaba sa may pasamano habang pinagmamasdan ng buong pagmamahal si Edan. Nagsisibak ito ng kahoy. Naghuhumiyaw ang mga masels nito sa likod at braso, tila kumakaway sa kanya tuwing hinahampas nito ang palakol sa kahoy.

He is sweating lusciously. Nangingintab ang katawan nito at nagmukha itong modelo ng isang high end women's magazine na sinadyang basain ang katawan para maglalaway ang titingin dahil sa isinasabog na sex appeal.

Umalis siya ng terrace at pumasok ng kwarto. Nagbihis siya ng board shorts at tank top. She went down. Nagtungo siya sa kusina at pinaghanda ng miryenda ang asawa. Pero wala na ito doon sa likod-bahay nang puntahan niya dala ang avocado shake at banana cake na siya ang nag-bake kahapon.

Ibinaba niya sa mesitang bakal ang dalang tray at tinanaw sa kalapit na hardin ang asawa. Wala roon. Saan kaya iyon nagpunta?

"Looking for someone, Ms. Beautiful?" Ginulat siya ng swabe nitong boses mula sa likod ng warehouse na kaugnay lang ng kusina. Hinakot yata nito ang mga nasibak na kahoy at doon dinala.

Ngumuso siya. Pinigil ang ngiti at nag-angat ng kilay. "Hinahanap ko iyong maganda at macho na lalaking nagsisibak ng kahoy dito kanina. I wonder if you saw him. Pinaghanda ko kasi siya ng snacks." Luminga-linga siya. Nag-poker face.

Tumikhim si Edan. Nasa mga mata ang pagkaaliw. "I see. Crush mo ba ang lalaking iyon?" Pinatulan nito ang pangti-trip niya.

Tumango siya ng malaki. "Super! Ang gwapo kasi." Kinikilig na kinagat niya ang hintuturo. "Nasaan kaya iyon?" At kunyari sumimangot habang nanghahaba ang leeg sa pagsuyod sa buong paligid.

Doon na sumabog ang malutong na tawa ng asawa niya. "Silly. I wish I'd seen you do that during your teenage days. Ang cute-cute mo. Nasaan ba ang lalaking iyon at bubugbugin ko? He is seducing my beautiful wife. I won't forgive him."

"Ah, I remember now!" Bulalas niyang nanlaki ang mga mata. "Kamukha mo siya! Tama, magkamukha kayong dalawa."

Humahalakhak na dinakma siya ni Edan at inatake ng nakakikiliting halik sa leeg. Hindi siya makapalag dahil inangat siya nito mula sa lupa. Napuno ng tawanan nila ang buong paligid.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon