Chapter 5 - Huling yugto

1.1K 64 6
                                    

Mariing inapakan ni Mikaell ang preno ng minamanehong sasakyan. Hindi siya pwedeng magkamali, tao ang tinamaan ng headlights. Nakasandal ito sa bakod at mukhang nakatulog.

Bumaba siya. Buong pag-iingat na lumapit. It's a guy and she's right, he's asleep. He's wearing a rugged ripped jeans and a hoody. Pero anong ginagawa nito dito sa labas ng bakod ng bahay niya?

Umuklo siya at tinapik ito sa balikat. Napansin niya ang mainit na singaw mula sa katawan nito kaya hinawakan niya ang kamay nito. He's burning with high fever. Kung ganoon, maaring hindi ito nakatulog kundi nawalan ng malay.

But then the guy's exhausted and bloodshot eyes flew open. Tumikhim ito at tumayo. Umurong siya. Halos mangawit ang leeg niya sa pagtingala. He's undeniably tall. Could be as tall and big as Edan.

"Magandang gabi po, ma'am. Ako po si Angelu. Hinahanap ko po si Mang Doming." Maginoo nitong sabi. Ibinaba nito ang suot na hood. A fine gesture to show her he meant no harm.

Tumango siya. Sa ilalim ng mapusyaw na liwanag ng lamp post ay malinaw niya itong napagmamasdan. He's good looking, literally and ruggedly. Ang tindig nito ay tila hango sa mga lalaking umahon mula sa mga klasikong pelikula na kahit ang karakter ay bad boy ay humahakot pa rin ng maraming tagahanga.

Ngunit ang mas umakit sa kanya ay ang nag-iisang hikaw na suot nito. It was very similar to the earring she's keeping until now and was treasured. The earring Edan gave to her at the ball.

"Kanina ka pa ba rito?" Tango niya matapos huminga ng malalim nang matanto ang isang bagay. "Bakit hindi ka pumasok? Mukhang may lagnat ka pa." Ngumiti siya ng tipid at lumapit sa kinaroroonan ng door bell. Paulit-ulit niyang pinindot iyon habang nililingon ang lalaking ramdam niyang nakatitig sa kanya ng matiim.

Si Anabel ang nagbukas ng gate. "Good evening po, ma'am." Bati ng dalaga.

"Good evening, An. May bisita si Mang Doming. Samahan mo sa loob." Bilin niya at kinambatan ang lalaki.

Lumapit ito. Ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng suot na hoody.

"Anabel will show you inside." Aniya rito at sinulyapan si Anabel na nakatulala sa lalaki, tila nakakita ng pangitain.

"Thank you." He cracked a quick smile, showing a glimpse of his brusque dimple.

Binalikan niya ang sasakyan at itinuloy sa garahe. Pagpanhik niya ng sala ay nasa couch at nakaupo ang lalaki habang inaabutan ni Mang Doming ng isang basong tubig.

Lumapit siya sa mga ito. "Baka nagugutom siya, Mang Doming. Pakainin mo muna para makainom ng gamot. Mataas ang lagnat niya." Sabi niya sa matanda na banaag sa mukha ang pamumutla.

"Naroon na si Celing, ma'am, naghahain na." Sagot nitong napakamot sa batok at wari ay hindi mapakali. Muntik pa nitong mabitawan ang baso nang ibalik iyon ng bisita rito.

Bumaling siya sa lalaking panauhin. "Magsabi ka lang kung kailangan mo ng doctor." Ngumiti siya ng tipid. She might be wrong, but she has a strong feeling this guy is someone she can't take lightly.

Hindi pa niya nakita ang kapatid ni Edan na si Kaien Lextallionez. Pero may pakiramdam siyang ito iyon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit naaalala niya si Javier kapag tinitingnan niya ang mga mata nito. Bigla tuloy siyang nangulila sa kaibigan.

Nagpaalam siya at umakyat sa taas para puntahan si Jehu. Tulog na ang sanggol. Katutulog lang daw sabi ni Jovelyn. Hinagkan niya ang anak at sinipat ang oras. Kinse minutos na bago mag-alas-otso ng gabi. Mamaya lang ay tatawag na si Edan.

Sumaglit siya ng banyo para maligo. Hindi pa siya tapos magbihis ay tumunog na ang cellphone niya. It's a video call from her husband. Sinipat muna niya ang sarili sa salamin. Napahagikgik siya nang makitang baliktad pa ang pagkakasuot niya ng kanyang negligee.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Where stories live. Discover now