Chapter 1 - Unang yugto

2.8K 111 12
                                    

Pinahid ni Mikaell ang mga luhang nanlandas sa pisngi habang hinahaplos ang pangalan sa lapida. Yvaine Solarez. Ito na marahil ang huling pagkakataon na dadalaw siya rito. Tuluyan na niyang kakalimutan ang lahat tungkol kay Yvaine at ang makulay na buhay nito sa La Trinidad.

"Ell, tayo na. Baka ma-late tayo sa flight." Nagsalita si Javier na nakatayo sa likuran niya.

Nilingon niya ang kaibigan at marahang tumango. Lilipad sila mamayang alas-singko patungong Cebu. Nakapasa sila ni Javier sa break-in period para sa isang taon na intensive training sa eskwelahan ng Lextallionez Security Agency.

LSA is the largest security agency in Fujian Province, China. It caters almost all the elite bodyguards of the highest profiled billionaires around Asia. Ang sangay na ahensiya niyon na nakabase sa Cebu ay isang paaralan. Nagtuturo ng iba't ibang uri ng martial arts at pakikipaglaban. Maraming gustong makapasok roon pero hindi lahat ay pinalad.

Nag-apply sila ni Javier noong isang buwan pagkatapos ng graduation nila sa kolehiyo. Parehas sila ng kursong kinuha. Bachelor of Science in Architecture. They both graduated with Latin honors too.

Alam niyang sumubok lamang ang kaibigan na mag-apply para samahan siya. Hindi raw siya nito maiwan at baka makalimutan niyang huminga. Minsan nakokonsensya siya dahil may magandang posisyon na sanang naghihintay rito sa isang malaking kompanya sa Maynila.

May mga magagandang alok din naman para sa kanya pero higit na mas matimbang sa kanya ang makapasok sa LSA at hiranging isa sa mga miyembro ng pamusong ahensiya. May malalim siyang dahilan na hindi niya pwedeng ipagpalit sa marangyang buhay.

Isinuot niya ang black-framed eyeglasses at sinuklay sa daliri ang clean-cut na buhok. Iginalaw niya ang katawan at sumuntok-suntok sa hangin para tiyakin kung sapat lang ang higpit ng suot niyang support bandage sa dibdb. Nang masigurong hindi naman nalilimitahan ang mga kilos niya ay sinuot na niya ang leather jacket, ang itim na baseball cap at binitbit ang isang hand carry habang hinahatak naman ang malaking trolley na kulay gray.

Lumabas siya ng dorm. Sinalubong siya ni Javier sa common living room at tinulungan sa kanyang bagahe papunta sa naghihintay na van.

"Hindi ka ba nagugutom? Kumain muna tayo. May oras pa naman." Anang kaibigan at ngumisi.

Umiling siya at sinamaan ito ng tingin. "Sabi mo kanina doon sa sementeryo mahuhuli na tayo sa flight, tapos ngayon nagyaya kang kumain muna?" Kastigo niya.

"Ang sabi ko lang baka mahuli tayo. Naninigurado lang." Depensa nito.

"Bumili na lang tayo ng take out sa fast food. Daming Jollibee at McDo diyan sa tabi-tabi."

Umasim ang mukha nito. "Limang taon na tayong suki doon, ano ka ba?"

Natawa sa kanila ang driver na si Mang Julian. Pero dumaan pa rin sila sa drive-thru outlet ng Jollibee at McDo para bumili ng makakain habang naghihintay sila ng kanilang flight.

Dinala niya ang libro ng LSA at binasa habang nasa eroplano. But the 45-minute travel was not enough. Ang tumatak lang sa utak niya ay ang family history ng Lextallionez na nagpapatakbo ng agency. Sa kasalukuyan, ang namamahala sa operation ng paaralan ay ang bunso ng pamilya.

Si Edan Kerubin Lextallionez. Twenty-eight years old. Nagtapos ng Law sa Harvard University sa America. Naging miyembero ng elite squad sa ilalim ng United Nation Peace-making force na tumugis sa natitirang grupo ng international terrorist na pinamumunuan ni Osama Ben Ladin.

In the photo, the guy is obviously a gorgeous brute. Ang mga matang matiim na nakatitig sa camera ay naghahayag ng kakaibang tapang at kasamaan na hindi niya gugustuhing banggain pero kailangan.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Where stories live. Discover now