Chapter 4 - Unang yugto

1.5K 91 14
                                    

Sinalubong ni Mikaell si Antonyia, tinulungan niya ito sa mga dalahin at binuksan ang pinto ng sasakyan. Kinawayan niya pabalik ang mga kaibigan nito na kumakaway sa kanila.

Mag-iisang linggo na siyang nagsimula sa duty niya bilang bodyguard ng dalaga. Kapag weekdays ay alas-otso hanggang alas-nueve ng umaga at alas-singko hanggang alas-siyete ng gabi ang schedule niya. Full time siya kapag Sabado at Linggo at iba pang mga holidays.

Ayaw sana siyang payagan ni Javier dahil mapapagod raw siya at hindi makakapagpahinga ng sapat lalo na pagkatapos ng mga sparring sessions nila. Ang kaso ay nakatango siya ng di sinasadya kay Mr. Gullas. Ayaw niya naman magmukhang walang isang salita.

"Nagugutom ka ba, Ell? Kain muna tayo." Nakangiting yaya ni Antonyia.

"Busog pa po ako, ma'am. Pero sasamahan ko kayo kung gusto nyo kumain muna." Sagot niya.

Ngumuso ang dalaga. Sumulyap sa driver. Umusod ito papalapit sa kanya at may ibinulong.

"Gusto pa sana kitang makasama kahit saglit lang."

"Bakit po?" Inosente niyang tanong na pabulong din.

Nakitaan niya ng inis ang mga mata nitong umirap. "You're so dense, Ell." Kastigo nito.

"Pasensya na po, pero hindi po tayo pwedeng magtagal sa labas. Hihintayin po kayo ni Ma'am Sherina."

Nalaman niyang pangalawang asawa na si Sherina pero kasundo naman ito ni Antonyia kaya hindi nagkaka-problema ang pamilya. Parang tunay na magkapatid ang dalawa kung magturingan. Sa parteng iyon ay humanga siya kay Sherina. Hindi lahat ng madrasta ay mababait. Iyon ang madalas pinapakita sa mga pelikula at nobela. Sa totoong buhay ay mas masahol pa.

"Sa Sunday, pupunta kami ng friends ko sa Kawasan falls. Nakapunta ka na doon?" Tanong ni Antonyia.

"Hindi pa," iling niya. "Hanggang dito lang po sa siyudad ang nalibot ko. Saang banda po ba iyon?"

"Sa Badian. The southern part of the province. Maganda doon."

Tumango siya. Sinipat niya ang cellphone na kanina pa nag-vibrate. Salitan kung dumating ang messages nina Edan at Javier. Tinatanong kung nasaan na siya. Anong problema ng dalawang iyon? Wala pa namang alas-siyete.

"Ell, may girlfriend ka na?" Tanong ni Antonyia na bahagyang sumilip sa cellphone niya.

Muntik na siyang maubo. "Wala po. Bata pa ako para diyan." Biro niyang alanganing itinago muli ang cellphone sa bulsa ng kanyang jacket.

Umangat ang isang kilay ng dalaga. "How old are you again?"

"Twenty-three." Ngumisi siya.

"Adult ka na."

"Gusto ko po muna magkaroon ng stable na trabaho bago ako papasok sa isang relasyon."

Humaba ang nguso ni Antonyia. "Tingin mo nakakasagabal sa iyo ang pagkakaroon ng girlfriend?"

"Hindi naman. Pero limitado po kasi ang oras ko. Hindi ko po mabibigyan ng sapat na panahon ang magiging girlfriend ko. Ayaw kong magkulang at masumbatan balang araw."

"Hindi naman ganoon lahat ng girls. Like me for instance, hindi ako demanding. Iintindihin ko iyong work mo. Maghihintay lang ako kung kailan hindi ka na busy at mabibigyan mo na ako ng oras. Hindi kita ipi-pressure."

"O-okay," nawala ang isip niya sa usapan dahil nag-vibrate na naman ang kanyang cellphone. Sunod-sunod. Messages ulit nina Edan at Javier ang pumapasok. Ang kukulit ng dalawang iyon.

Binasa niya ang mensahe ni Javier.

Jav : Lumabas kami. Isinama ko sila sa Buffet 101. Libre ni president. Punta ka pagkagaling mo sa duty.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon