Chapter 2 - Ikalawang yugto

1.4K 81 0
                                    

Edan finds it entertaining to watch Mikaell during sparring sessions. The guy is light, his lean physique gave him the advantage. He can move around gracefully and execute whatever it is his instructors are throwing at him.

Kayang-kaya nitong gumalaw ng walang pag-aalinlangan. When he saw Mikaell at the park the night before the orientation, he immediately realized a potential in the guy. Mikaell knew how to wait the opponent. Hindi ito umatake. Puro depensa lang ang ginawa nito. Pinag-aralan kung ano pa ang kayang ibigay ng kalaban maliban sa paggamit ng sandata.

Kung hindi sumabit ang paa nito sa gutter, kayang-kaya nitong mapatumba ang holdaper na iyon. Hindi rin sana niya ginawang makialam sa eksena. He enjoyed observing Mikaell's gentle hands defeating the attack of his opponent smoothly without a single trace of hesitation and fear.

Gaya ngayon. He's up against Ulysses in Aikido class. Kahit mas malaki rito ang kalaban, wala siyang maaninag na takot sa mga mata nitong kahugis ng bambi. Ang naroon ay determinasyon at tapang. Dalawang beses na nitong napatumba si Ulysses, gamit ang forearm return technique.

Kahapon ay kalaban nito sa karate class si Acxel. The result was a draw. Si Acxel pa iyong muntik ng mabasag ang ilong. For the last four months of training, Mikaell manifested a performance beyond expectations. His hard work and willingness to learn put him on top of the instructors list of favorites.

Pinatunayan nitong kayang-kaya nitong makipagsabayan sa kabila ng usap-usapan sa campus na ito ay bakla. Hindi niya ikakailang minsan ay lumilitaw ang malambot nitong pagkatao pero hindi iyon nakabawas sa respeto ng karamihan sa mga kasamahan nito sa eskwelahan.

Tinanguan niya si Hector nang matanaw na pinukpok na si Ulysses ang sahig ng ring, tanda ng pagsuko matapos itong hindi makawala sa binti ni Mikaell na naka-lock sa leeg nito.

Napangiti siya at kinagat ang labi habang hinahaplos ng daliri ang magaspang na balbas sa baba na nagsimula ng tumubo. May irerekomenda na siya kay Arturo para maging bodyguard ni Naya.

Itinuon niya sa bakal na railing sa balcony ng stadium ang mga kamay nang makitang nilapitan ni Javier Sepulbidda si Mikaell at niyakap. He was informed the two are best of friends. Pero minsan sumusobra na ang mga ginagawa ni Javier.

May pagkakataong nahuhuli niyang hinahalikan nito sa leeg si Mikaell. Something that a guy would only do to his girlfriend. It must be a physical habit. Nakasanayan na siguro nito. Maari ding humuhugot ng lakas si Mikaell sa kaibigan na buo ang tiwala at suporta rito. Ngunit lalong lumala ang issue ng pagiging bakla nito dahil doon.

"Tomorrow's schedule?" tanong niya kay Hector habang pabalik sila ng dorm.

Binigay nito sa kanya ang tablet. "May arnis duel ka bukas against the four senior instructors."

Tumango siya. He needs to tune-up tonight for tomorrow's battle then. He can't afford to have a meager performance in front of Mikaell. Naaaliw siya tuwing nanonood ito sa mga duwelo niya laban sa kanilang mga instructors. Para bang gustong-gusto nitong nakikitang natatalo siya na hindi pa naman nangyayari kaya lagi itong bigo.

"How about the junior class? Sinong makakalaban bukas ni Mikaell?" He scrolled down few emails from China and read some messages coming from Sherina and five more girls he met by chance around the city during his stroll.

"He'll be going up against Wayne for Judo and Marco for Taekwondo."

Ang dalawa sa pinakamagagaling sa buong batch. That will be a good fight. Hinding-hindi niya iyon palalagpasin.

Binasa niya ang isa sa mga mensahe ni Champagne Fajardo. A law student at University of Cebu.

C.F: No class tomorrow. Parklane tonight. Will wait.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Where stories live. Discover now