IKATLONG YUGTO

1.2K 71 9
                                    

Javier's braced teeth clenched tightly while reading the letter Yzharra left to Yvaine. Each word is veiled with truth and lies. A commandment bound to change the life of the girl he loves.

Tinupi niya ang sulat at maayos na nilagay sa ibabaw ng sidetable. Lumabas siya ng silid at nagtago sa likod-bahay habang hinihintay ang pagdating ni Yvaine.

Kung pagpunta ng ball kanina ay traysikel ang sinakyan ng dalaga, ngayon ay isang luxury car ang naghatid rito. Maybe a car of her friend or a suitor. Makaraan ang ilang minuto ay sinundan niya ito sa loob ng bahay.

Nadatnan niya itong umiiyak sa loob ng silid nito, hawak ang sulat at malamang tapos na nitong basahin iyon.

"Jav," she looked at him hopelessly, confused. And it's tearing him apart. Inasahan naman niyang darating ang sandaling iyon. Pero mas nagagalit siya ngayon sa sarili niya kaysa sa mga taong may kagagawan kung bakit ito umiiyak. Kung sana'y sapat na ang lakas niya.

Nagtagis siya bagang. Nilapitan niya ito at niyakap. "You'll get the message, right? Or should I explain what's in there." Marahan niyang hinaplos ang umuuga nitong likod.

Umiling ito. Nagpunas ng mga luha. That's his girl. Brave and tough. Alam nitong hindi ngayon ang oras para magluksa at umiyak na lang na parang batang walang muwang.

"I have your things at the safe house. We need to leave before they decided to come back for you." Pahayag niya nang lubusan ng humupa ang silakbo ng pagluha nito.

Hindi ito kumontra at agad pumayag. Sa labas ng bahay ay nag-abang sa kanila ang ilan sa mga kaibigan niya. He already instructed them what to do afterwards.

Ipasusunog niya ang bahay. Leave no trace. Make it look like Yvaine was there along with the fire. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang kaaway na habulin ang dalaga habang hindi pa ito handang lumaban. Mananahimik muna sila. Maghanda.

"This is Xiellou, she will be your personal assistant while you're here." Ipinakilala niya rito ang isa sa mga ramp models ng Cinderella.

"Kumusta, Yve?" banayad na hinagkan ni Xiellou sa pisngi ang dalaga.

"Okay lang ako, salamat." Matamlay na sagot ni Yvaine at sinuyod ang buong silid na walang bintana.

Nasa basement sila ng safehouse na pinagdalhan niya rito. "You'll stay in this room for the mean time. Hindi ka aakyat sa taas hangga't hindi pa natin nasisiguro na maayos na lahat ng dokumento mo. Bawal ka munang makita ng ibang tao, bukod sa aming dalawa ni Xiellou."

"Ikukulong mo ako rito?" Nahimigan niya ng pagtutol ang tono nito.

"Kailangan. Bakit? May mapapala ba tayo kung nandoon ka sa labas? Ilalagay mo lang sa panganib ang sarili mo. Sa ngayon, ang pinakamabuting gawin ay magtago muna."

Nawalan ito ng imik at pagod na naupo sa mahabang sofa. Nagkatinginan sila ni Xiellou. Nag-usap ang mga mata at nagkaintindihan. Umalis ang babae. Pumasok sa kaugnay na silid patungong pantry.

"Mayroon kang hindi sinasabi sa akin. Ang nasa sulat lang ay sinabi ni mama na sumama ako sa iyo at ikaw na ang bahala sa lahat. Pero gusto kong malaman kung sino ka ba talaga? Anong kaugnayan mo sa aking ina?" Malamig na saad ni Yvaine matapos habulin ng tanaw si Xiellou.

"I'm Javier Kendrick Sepulbidda and I was ordered by your mother to protect you."

"Paano iyon nangyari? Hindi ba anak ka ng may-ari ng Cinderella?" Hirap itong paniwalaan ang kanyang sinabi.

Tumango siya. "My parents and your mother are close friends."

"That's right," Xiellou appeared from the door holding a glass of juice.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ