Chapter 1 - Ikalawang yugto

1.4K 79 4
                                    

Ibinaba ni Edan ang cellphone at sinipat ang oras sa digital clock sa may bedside table. One o'clock in the morning. Hindi na naman siya makatulog. He's been haunted by the same dream for the past seven years. Nakikita niya sa panaginip si Yve na nasusunog sa gitna ng malakas na apoy. Kahit sa panaginip ay parati siyang bigo na mailigtas ang dalaga. Hinablot niya ang itim na robe at isinuot. Lumabas siya ng kwarto.

Natanaw niya si Yzrael na pumasok sa isa sa mga guest room sa ibaba bitbit ang isang mug na tiyak niyang may umuusok na inumin. Tatlong gabi na niyang napapansin na pumapasok doon ang kapatid. Doon ba ito natutulog? Sinulyapan niya ang kwarto nito na halos kalapit lamang ng silid niya. Balita niya dito na naglalagi sa bahay ang lalaki matapos ang controversial break-up nito sa Filipina model na si Melfina Arnaiz.

The two has been living together since last year. Binalak na ng mga itong magpakasal ngayong taon pero biglang naghiwalay ang magkasintahan. May lumutang na usap-usapan tungkol sa issue ng third party. Wala naman siyang ganang mag-usisa. Mula pa noon ay hindi siya nakikialam sa buhay pag-ibig ng mga kapatid. Lalo na at hindi naman naaapektuhan ang agency.

After the demise of their father, the burden of running the agency fell to Yzrael as the eldest in the line. Their manpower has been growing impressively so as the agent's skills. He gave the credit to his brother's notable administration.

Bumaba siya at pinuntahan ang guest room. Hindi nito isinarang maigi ang pinto at iniwang nakaawang. Tumagos roon ang liwanag mula sa silid.

"Drink this, it will help subside the swelling."

Nahinto siya at hindi tumuloy sa tangkang pagpasok. May ibang tao sa loob ng kwarto? Maingat siyang sumandal sa gilid.

"Ayaw ko. Hayaan mo na lang akong mamatay. Di ba iyon naman ang gusto ng iyong ina?" It was a breaking voice of a woman crying.

"Iyon ang gusto nilang lahat, but it's not what I want. You haven't paid everything yet. You killed my father and now, you made me crazy in love with you."

What the fuck? The woman inside the room, lying in the bed and naked is Yve's mother, Yzharra Solarez! He was static, unable to move even his finger. Umigting ang mga panga niya habang nakasilip sa pinto at pinagmasdan ang babaeng umiiyak.

She was beautiful then and now. When he was still fourteen, this woman was his ultimate crush. Lagi niyang inaabangan dati ang pag-uwi ng kanyang ama para makita ang babae.

Kung may nagbago man rito siguro ay kunti lang. Ilang taong gulang na ba ito ngayon? Thiry-seven? Thirty-eight, perhaps. Yet, she looks like she is just twenty-eight.

"Iiwan ko ito rito." Nilapag ni Yzrael sa sidetable ang mug. "May gagawin pa ako sa study room. Inumin mo iyan kung gusto mong humupa ang pamamaga."

"Anong kaparusahan ba ang sasapat sa inyo? Nawalan na ako ng asawa at anak!" singhal ng babae.

Tiningnan ito ng kapatid niya ng may pagsuyo. "Loving me back is the best punishment that I can give you, Zarra. I won't stop until you love me. I'll buy another life if I had to."

Nagawa niyang maikuyom ng mahigpit ang mga kamao. Anong pinagsasabi ng kapatid niya? Mabilis siyang umalis sa gilid ng pintuan at nagkubli sa likod ng malaking vase sa pinakamalapit na sulok.

Pagkaalis ni Yzrael ay binalikan niya ang guest room at sinubukang buksan ang pinto pero naka-lock na iyon mula sa loob. Napamura na lamang siya.

Banas na pinuntahan niya ang kapatid sa study room. He needs a good explanation for what he just saw and heard a while ago. Anong kahangalan iyong mga nakita at narinig niya? Gigil na kumatok siya sa nakabukas na pintuan.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon