Chapter 3 - Huling yugto

1.1K 72 3
                                    

Kinapa ni Mikaell sa kanyang tabi ang asawa. Wala? Kinusot niya ang mga mata at bumangon. Sinipat ang oras sa kanyang cellphone. Pasado alas-dos na ng madaling araw. Hindi pa rin umakyat si Edan para magpahinga.

Ilang gabi na itong nagpuyat para pag-aralan ang kasong idinulog dito nina Mrs. Montes at Samantha. The case was supposed to be confidential but her husband shared a bit of it to her.

Rape ang kaso. Ang biktima ay si Samantha at ang salarin ay ang step-father nitong isang professor sa kilalang pamantasan sa Cebu. Walang naniniwala sa dalaga, ni hindi nito makuha ang suporta ng sariling pamilya dahil may history ito ng sex video noong nakaraang taon kasama ang boyfriend nito mula sa ibang school.

Ang paniwala ng pamilya ay naghahabi lamang ito ng kwento dahil hindi pinayagan ng propesor na pumunta ng Boracay kasama ang mga kaibigan nito. Pero masyadong mababaw ang dahilan na iyon para gumawa ng ganito kabigat na paratang si Samantha laban sa isang kapamilya. At hindi dahil may history ito ng scandal ay wala na itong karapatang magsabi ng totoo.

Bumaba siya ng kama. Sinilip si Jehu sa kuna na mahimbing ang tulog. Inayos niya ang kumot ng anak at lumabas ng kwarto. Bukas pa rin ang ilaw sa loob ng study room. Nagtuloy siya sa kusina at nagtimpla ng kape para sa asawa.

Nadatnan niya itong subsob pa rin sa mga dokumento. Dama niya kung gaano kasidhi ang hangarin nitong maipanalo ang kaso at mabigyan ng katarungan si Samantha. Hindi para katanyagan kundi para sa karapatan ng batang iyon at para protektahan ang batas na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan nito ng malaki.

"I brought you some coffee." Pumasok siya.

"Thank you," sinulyapan siya ng asawa at ngumiti ito. "Na-miss mo ako?" Biro pa nito.

"Always, honey." Malambing niyang sagot. Nilapag sa desk ang mug. "May nakuha ka bang dagdag na mga impormasyon para makatulong sa kaso?" Tanong niya.

"Wala pa rin. What I need really is a comprehensive evidence. Kung bibigyan ko ng hilaw na ebidensya ang korte, pwede iyon baliktarin ng depensa. I'm up against one of the best lawyers in Cebu. Undefeated like me. Kunting butas lang at mali sa argumento ko, advantage na iyon para sa kalaban."

Tumango siya. "Nagtext kanina si Mrs. Montes. Humingi ng sorry kasi wala pa rin daw silang maipambayad sa iyo."

"Money is not everything. I told them not to dwell on those concerns anymore. Stakes on this case is not about currency. I'll win with or without it. For Samantha and for everyone to see that there's still hope in the fairness of the justice system in this country. Aanhin ko ang pera kung hindi ko maibibigay ang hustisya para sa nararapat?" Dinampot nito ang mug at humigop ng kape. "Thanks for this, baby. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko pero tinatamad akong umalis dito sa upuan ko."

"You want cookies? I baked some this morning."

"Can I have some? Samahan mo na rin ng fruits."

"Cookies and fruits coming right up!" Masigla niyang wika at tumalilis pabalik ng kusina.

Sinunggaban agad ni Edan ang cookies at mga prutas na dinala niya. Habang kumakain ito ay sinilip niya ang ilan sa mga dokumento.

Republic Act 8353. The Anti-Rape Law of 1997. AN ACT EXPANDING THE DEFINITION OF THE CRIME OF RAPE, RECLASSIFYING THE SAME AS A CRIME AGAINST PERSONS, AMENDING FOR THE PURPOSE ACT NO. 3815, AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS THE REVISED PENAL CODE, AND FOR THE PURPOSES.

Republic Act 7610. Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. AN ACT PROVIDING FOR STRONGER DETERRENCE AND SPECIAL PROTECTION AGAINST CHILD ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION, PROVIDING PENALTIES FOR ITS VIOLATION AND FOR OTHER PURPOSES.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon