Chapter 2 - Unang yugto

2.1K 92 2
                                    

Pagkatapos ng orientation ay ipinasyal sila ni Hector sa buong eskwelahan. The whole compound is protected with high walls topped with razor wires and closed- circuit tv cameras. May sariling detection satellite din. Malaki ang sakop ng eskwelahan. Isang main building na hugis letter C at dalawang dormitories na magkaugnay at korteng letter V.

Bukod sa well-ventilated classrooms ay kompleto sa training equipments at arena. Masasabi niyang nakakamangha ang buong struktura ng paaralan. Kaya hindi nakapagtatakang marami ang nae-engganyong pumasok rito kahit ang curriculum na ibinibigay ay sa seguridad ang konsentrasyon at hindi ang typical na mga kaalaman na makukuha lang sa mga standard learning institutions.

Mula sa pamamasyal ay nagtuloy sila sa kanilang dorms. Hindi agad siya nakahuma nang malamang magkahiwalay sila ng kwarto ni Javier. Ang makakasama niya sa kanyang silid ay isang senior. Iyon daw ang kalakaran doon para may umalalay sa mga baguhan tulad niya.

"Kakausapin ko ang president. Baka pwedeng pagsamahin tayo sa iisang room." Sabi ni Javier.

"Huwag na, Jav. Ayos lang. Lagi na lang akong nakasandal sa iyo." Tinapik niya ito sa balikat.

"Tawagin mo ako kung may problema at ayaw mo doon sa makakasama mo." Bilin ng kaibigan.

Tumango siya. Nag-thumbs up.

Ang magiging silid niya ay nasa dulo ng ikatlong palapag sa kanang hanay ayon sa sketch na binigay sa kanya.

"Dito ka rin pala." Mula sa likod niya ay nagsalita si Marco.

Nilingon niya ito. "Ikaw din?" Tanong niya.

Tumango ito. "Mukhang sina Wayne at Javier ang magkasama sa kabila." Nilingon nito ang isa pang gusali. "Naalala kita sa break in period. Ikaw 'yong huling nakapasok."

"Just lucky maybe." Nagkibit siya ng balikat.

"Architect ka? Bakit ka pumasok rito? And sorry to pry pero 'yang mukha mo ay bagay sa pag-aartista hindi sa basagan ng ulo." Komento nitong ngumisi.

"Bakit? Dahil baby face ako at mukhang babae?" Sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi sa ganoon. Alam ko naman kung anong kakayahan mo. Tinalo mo 'yong mga heavy weight na body builders doon sa one on one battle. Tanga lang ang mag-iisip na babae ka."

"Magkakasundo tayo, Marco." Ngumiti siya. Iniumang rito ang kanyang kamao na natatawang binunggo naman nito ng sariling kamao.

"Dito na yata ako." Sinapit nila ang magiging silid nito.

"Sige, tuloy na ako." Tinanguan niya ito at nagpatuloy sa dulo.

Ang silid niya ay nasa kabisera ng dalawang gusali. Kambal ang dambuhalang pintuan. Bumuga siya ng hangin at pinindot ang door bell. Dalawang beses. Bumukas ang isa sa kambal na pinto at sumilip ang lalaking makakasama niyang titira roon sa loob ng isang taon.

Si Edan Lextallionez.

"You're here," malalim nitong sabi at nilakihan ang bukas ng pinto. "Come in, Soriano."

Hindi siya makahuma. Ayaw gumalaw ng mga paa niya. Ang mga binti niya'y nagmistulang bakal na tumigas. Bakit ang lalaking ito? Pinaglalaruan ba siya ng lintek na pagkakataon?

"Don't forget to close the door in case you want to come in." Tumalikod na ito makaraang hindi pa rin siya gumalaw para hilahin ang katawan sa loob ng kwarto. Napatitig siya sa pinto. Kaya pala masyadong engrande ang disenyo niyon. Ibang-iba kaysa pintuan ng mga silid na nadadaanan niya habang papunta rito.

"I hate mosquitoes, just so you know. Kung ayaw mong pumasok, isara mo na iyang pinto." Dumagundong ang boses ni Edan mula sa loob.

Kinuyom niya ang mga kamao at humugot ng buntong-hininga. Pakaladkad na hinahatak niya ang mga paa papasok at isinara ang pinto. Abala sa laptop si Edan habang nakaupo ito sa couch sa isang sulok.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Where stories live. Discover now